You & I Collide Chapter Two

21 3 0
                                    

Hi! Haha Chapter Two Hope you guys will enjoy reading it :D

 ♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥

 Copyright © GeninaLovesyou, 2014

Chapter Two – Yung Panty Ko Nahulog, Pakipulot.

“Putangina! Tangina talaga! Magsitabi kayo, may magagandang Dyosang dadaan!” Sigaw ni Cass sa mga babaeng nasa unahan namin

Agad naman nagsitahimik at nagsitabi ang mga babaeng nasa unahan namin at nagkaron ng hati sa gitna na para bang talagang may dadaang mga Dyosa hahaha

“Yan gumilid kayo! Kailangan pang pagmumurahin para makadaan kami? Putangina ha! Ang kakati niyo mga leche! Baka gusto niyong ibaon ko kayong lahat sa lupa kung gusto niyo makipag landian sa lalakeng yun then go puta wag kayong magsiksikan dito sa hallway! Mga leche!”

Ganyan siya ka-tapang at ganya din ka-kapal mukha niya, kung tatanungin mo siya kung may hiya pa ba siya, ewan ko lang ask niyo siya.

At kung tatanungin niyo kung bakit ang lakas ng loob niyang sabihin yung mga yun ay dahil anak lang naman kase si Cassandra ng Presidente ng school na ito, university na kung saan isa sa mga pinakamalaking iskwelahan sa buong Maynila

And sa dami ba naman ng cases niya sa guidance office namin eh talagang walang gusto pumalag sakanya dahil sa kamalditahan nitong bestfriend ko

“Ang lalandi nitong mga to, mga putangina.”

Natatawa nalang ako sa mga pinagsasabi niya, sobrang nabadtrip ata. Well… Cassandra is that kind of girl na gusto sanang habulin ng mga lalake pero dahil sa sobrang kasungitan at kamalditahan niya ay uma-ayaw sila

Maganda si Cassandra, Maganda ako level lang kami pero sa kayamanan hindi ko to reach hahaha. At kung meron man lalakeng nakakapag iba ng mood ni Cassandra in just a second ay si Kuya yun hahaha patay na patay to kay Kuya, Elementary palang kami eh in love na in love na siya kay kuya noh haha

Mabait si Cass, wag mo nga lang talaga siyang inisin kase katulad ko nagt-transform kaming dalawa sa isang mala-anghel-na-demonyita, kaya oo masasabi niyo talagang bestfriends kami.

After namin makadaan sa mga babaeng nagsisistilian na para bang nakita si Sam Milby na nakahubad sa harapan nila ay pumasok na kami ng classroom at umupo muna ako sa upuan na nasa unahan dahil sobrang napagod talaga ako isipin niyo yun? 6 school buildings ang dinaanan ko at tumaas ng 2nd floor ng senior’s building isama niyo pa yung pagmamadali at pagcommute ko kanina, haynako buti nalang hindi pa ako naha-haggard.

“Oh ayan na pala si Alexandra eh!” Sigaw ng isa sa mga baliw kong kaklase na ewan, papansin.

“Problema mong kumag ka? Ha?” Sigaw ko pabalik sakanya habang nakaupo pa ako na relax na relax na parang lalake at naka-pikit pa

“Problema niyo kay Alex ha? Gusto niyo masapak?” Sigaw ni Cass na nasa tabi ko at nagpapahinga din, pero nagsitawanan lang yung mga lalakeng nagpapansin saamin.

“Aba” akmang tatayo na si Cass pero pinigilan ko siyang tumayo at sinabihang wag niya nalang pansinin.

Pero bigla ulit nagsalita yung kumag kong kaklase ng kina-init naman lalo ng ulo ko

“Alam mo Alexandra? Mukhang masarap ka ikama eh kaso palaging ‘playing hard to get’ ka kahit alam mo naman sa sarili mo na malandi ka at malibog ka! HAHAHAHA.”

Nabigla si Cass sa mga sinabi nila at akmang tatayo na ulit siya para sugurin yung mga papansin na yun pero pinigilan ko ulit siya at nagsitawanan ulit sila ng malakas.

Tumayo ako at naglakad  in a sexy way papalapit sakanila at nagsalita

“Malandi ako?” Tanong ko in a sexy tone habang hinawakan ko yung ulo ng lalaking papansin at hinimas-himas ang ulo niya, nagsigwan naman ng mga “Nice one pare” yung mga kasama nitong kumag nato

You & I CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon