"You want what?!"
"You heard it right Jen,I am breaking up with you."
Naguunahang tumulo ang mga luha ko sa sandaling inulit niya ang mga salitang ikinakatakot kong sabihin niya.
"But why?! May mali ba sakin? May ginawa ba akong mali na ikinagalit mo? Sabihin mo sa'kin babaguhin ko yun just for you!"
"No need to do things Jen,walang mali sa'yo it's just hindi na talaga kita mahal.Bigla ko nalang naramdaman na nawala na yung pagmamahal ko sa'yo,wala na yung spark.Hindi na ako masaya."
"Damn it! Pwede pa naman nating gawing masaya diba?! Please Rain."
Pilit ang pagmamakaawa ko na huwag niya akong hiwalayan pero tila isa siyang bingi na hindi naririnig ang lahat ng sinasabi ko.
"Sabihin mo sa'kin Rain meron na bang iba?" tanong ko sa kanya pero parang wala siyang naririnig.
"Rain! Tell me! Meron na bang iba?!" paguulit ko pero imbis na sagutin niya ang tanong ko bigla nalang siyang tumayo kaya't bago pa siya makaalis ay hinawakan ko na siya sa braso.
"Rain please ako nalang ang mahalin mo!" mahigpit ang hawak kong nagmamakaawa sa kanya.
"Stop it Jen! Magtira ka naman ng dignidad sa sarili mo,tumingin ka nga sa paligid mo pinagtitinginan na tayo.Wala na tayo,I don't love you anymore."
As he said those words he left me crying,on the same spot kung saan kami unang nagkakilala and at the same spot kung saan ko siya sinagot.
I stayed there as a couple of minutes pero pansin kong pinagtitinginan pa rin ako ng mga tao.
"What are you lookin' at?! Tapos na ang drama!" after I said that ay lumabas na ako ng resto
Saktong paglabas ko ng resto ay bigla namang pag-ulan.I laugh as I thought,Rain left me and then rain came for me.That's why I love the rain most,tuwing nalulungkot ako lagi namang pagulan.I don't know if its a conincidence or not pero mas gusto ko kapag umuulan.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad kahit umuulan.Dinarama ko ang bawat pagpatak ng ulan sa katawan ko.Feeling ko niyayakap ako ng ulan sa mga sandaling 'yon.Pinagtitinginan na rin ako ng ibang tao.So what? Okay nga yun eh hindi nila nakikita ang pag-iyak ko.Sumasabay ang luha ko sa patak ng ulan sa mukha ko.Magdidilim na at malayo na rin ang nilakad ko.Di ko namalayan na nakarating na pala ako sa bar ng pinsan ko.Pumasok ako sa loob para makapag palamig sana ng ulo.Sumalubong sakin ang dalawang bouncer na malalaki ang katawan.
"Miss bawal po kayong pumasok." pagpipigil sakin nung isang bouncer.
"Anong bawal?! Kilala ko ang may ari ng bar na 'to" inis kong sabi.
"Miss basang-basa ka,umuwi ka muna saka ka nalang bumalik." singit nung isa pang bouncer.
"Ilang ulit ko bang sasabihin na kilala ko ang may-ari ng bar na 'to at wala akong pakialam kung basa ako." pagpupumilit ko.
Papasok na ako pero hinaharangan ako ng dalawang mukhang kulogong mga bouncer na 'to.Ilang ulit ko ring sinabi sa kanila na pinsan ko ang may-ari nitong bar pero di sila naniniwala sakin.
Tinutulak nila ako palabas.Asan na ba kasi yung babaeng yun,kung kelan kailangan saka naman wala.Balak ko na sana siyang tawagan nang makita ko siya sa likod ng dalawang bouncer."Jen! Anong ginagawa mo jan sa labas?! Saka bakit basang-basa ka?!" sunod sunod na tanong ni Airam.
"Una,hindi ako papasukin ng mga bouncer mo dahil nga basa daw ako.Pangalawa,basa ako dahil naligo ako sa ulan.Happy?" paliwanag ko sa kanya.
"Pagpasensyahan mo na 'tong mga bouncer na 'to bago lang kasi sila.Pumasok ka na sa loob para makapagbihis ka at makapag usap tayo kung bakit ka naligo sa ulan."
Hinila niya ako papasok.Nakapagsorry na rin sa'kin yung mga bouncer.
Hindi pa kami nakakapasok nang tuluyan pero rinig na rinig ko na yung malakas na tunog ng music.Napakarami ring tao,di maikakailang sikat 'tong bar ng pinsan ko.Dinala ako ni Airam sa private room niya.Pinahiram niya rin ako ng damit para makapagpalit."Ayan,magbihis ka na baka magkasakit ka pa."
Inabot ko yung damit at nagpunta ng banyo para magbihis.
Paglabas ko andun pa rin siya sa kwarto at imprenteng nakaupo sa sofa."Magkwento ka na,anong naisipan mo at naligo ka sa ulan?" diretsong tanong niya sa'kin.
Tumabi ako sa kanya at nagdadalawang isip kung ikukwento ko ba sa kanya ang nangyari.
Pero sa huli napagdesisyonan ko naring sabihin para naman mabawasan yung sama ng loob ko."Nakipaghiwalay na sa'kin si Rain.May iba na siyang gusto,hindi na ako ang mahal niya." naiiyak kong sabi.
Hindi ko nanamang mapigilang maluha dahil naalala ko nanaman ang nangyari kanina.
Hindi na nagsalita si Airam at hinahaplos na lamang ang likod ko.Di ko mapigilang humagulhol.Dahil sa sobrang hinanakit na nararamdaman ko."Iiyak mo lang lahat ng 'yan." pag-aalo sa'kin ni Airam.
Hinayaan niya lang akong umiyak nang umiyak roon.
Nang mahimasmasan ako agad niya akong pinainom ng tubig."Iwan muna kita,kapag okay ka na pumunta ka lang dun sa counter.Order as much as you can." tumango lang ako bilang tugon,ngumiti naman siya bago lumabas ng kwarto.
Ilang minuto rin akong nakatulala sa kwartong 'yon bago ko maisipang lumabas at magpakalasing.
Dumiretso ako sa counter at umorder ng maiinom."Martini please." sabi ko sa bartender
"Oh wait,yung hard drinks nalang.Sige yun nalang." habol kong sabi.
Agad namang kinuha nung bartender yung in-order ko saka inabot sakin.
Kinuha ko yun at agad na inubos.
Humingi pa ako sa bartender hanggang sa makarami na ako."Dami mo na yatang nainom Miss."
Nilingon ko yung lalaking nagsalita.Hindi ko naman ito kilala kaya hindi ko nalang pinansin at inilibot ang paningin ko sa paligid.
Di nagtagal ay umalis na rin yung lalaki,napakamot pa uto sa batok bago umalis.Muli kong nilibot nang tingin ang buong bar.
Nang may isang pamilyar na tao akong nakita.Si Sunny Sayson ang friend kong artista,ano kayang ginagawa niya dito?
Lumapit ako sa kanya,tanging pagkagulat ang nakita kong reaksyon niya nang makalapit ako sa kanya."Hi Sunny! Anong ginagawa mo dito nang mag-isa?" bungad kong tanong sa kanya sabay upo sa tabi niya
"H-ha? Ano lang nagmumuni muni lang haha" utal niyang sabi
"Sira ka ba? Dito mo pa talaga trip magmuni muni,pa'no kung may mga press na nandito edi huli ka" sabi ko nang natatawa
"Wala naman siguro haha,ikaw bakit ka nandito?" pagiiba niya ng usapan
"Eto nagpapakalasing broken hearted eh." sabi ko habang nakayuko
"Broken hearted? Wala na ba kayo ni Rain?"tanong niya sa'kin
Napayuko na lang ako at ikinuwento sa kanya ang buong nangyari.Matalik kong kaibigan si Sunny kaya hindi ako nagdalawang isip na ikuwento sa kanya ang problema ko.Isa siya sa mga pinagkakatiwalaan kong kaibigan.
"Ganun na lang yun?! Ilang years naging kayo tapos nawalan lang ng spark ayaw na niya sayo?! Edi sana nagwelding na lang siya kung gusto niya ng spark."sunod-sunod na sabi ni Sunny
"Hindi ko rin alam kung anong naging problema,kung bakit siya nagkaganun,siguro nga umpisa palang hindi na niya ako minahal."di ko na napigilan at tuluyan nang pumatak ang mga luha ko.
"Tahan na Jen,hindi siya ang lalaking para sa'yo.Malay mo may iba pa palang lalaki jan na matagal nang may gusto sa'yo." pag-aalo sa'kin ni Sunny
Ngumiti na lamang ako sa kanya at nagpaalam na magbabanyo.Pabalik na sana ako kay Sunny pero bigla akong napahinto nang makita ko kung sino yung nakayakap sa kanya.
***
