Chapter 6: Accidentally

27 3 2
                                    

Charles's Pov

Nandito ako ngayon sa kwarto ko kung saan nakatingin lang ako sa kisame. Nakita ko ulit si Hanna, grabe yung kaba ko. Ang bawat pag hakbang ko sa kanya ay parang may kadenang pumipigil sakin.
Ano nga bang alam nya? Wala naman talaga syang alam.

"Apo, kanina ka pa nariyan bakit hindi kapa bumaba para kumain?" Nagulat naman ako kay lola ng bigla nya akong lapitan.

"Si Carlo, nakapasok na sa skwela."-lola.

'Maigi naman at pumasok na ang batang 'yon.'

"Sige lola, tara na ho, kain na tayo."

Mabilis na lumipas ang limang taon. Dalawang taon lang ako sa kolehiyo. Dahil sa murang edad maaga akong namulat sa pera.
At nagtayo ng talyer kung saan kasosyo ko sa negosyong ito si Bettany.  Tutal mahilig kaming pareho sa sasakyan.
Ang talyer namin ngayon ay mayroon nang limang branch.
Isa sa Quezon, meron sa Pasay, dito sa Paranaque, mayroon din sa Caloocan at sa Quiapo.

Dumami ang branch namin. Isang maganda senyales na maganda ang pagpapatakbong ginagawa namin ni Bettany.

"Iho, nalaman kong nakauwi na si Hanna, kamusta na ba siya?" Tanong ni lola sakin.

"Ah.. si  Hanna po? A-ayos naman ho sya lola. Okay, okay lang." Nabubulol na sagot ko kay lola.

Alam ni lola na naghiwalay kami ni Hanna. Pero di ko sinabi ang dahilan. Tanging si Rency lang ang may alam nag dahilan sa pamilya namin.

"Oo nga pala, birthay ni Carlo, gusto nya na makita si Hanna sa birthday nya. Baka mapagbibigyan mo naman ang bata..."

Napahinto naman ako sa sinabi lola...

Hindi ko alam kung magagawa ko ba yun. At wala din akong lakas ng loob para kausapin si Hanna.

"Subukan ko ho na kausapin si Hanna." Sabi ko at pinagpatuloy na ang pagkain.

*****

Hanna's Pov

Nandito ako ngayon mall, siguro its already 5 pm na rin. Wala lang  naglilibot libot lang ako. Gusto ko kasing libangin sarili ko. Si Sam kasi busy pa dahil may inaasikaso sa company nila. But its okay. Alam ko naman na pag uwi namin magiging ganon ang sitwasyon... Im ready for this naman na.

"Ate Hanna?"

Isang pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan ko, mula sa likod ko.

"Carlo? Oo nga Carlo! Ang laki mo na ah." Accidentally ko pang nakita ang kapatid nya dito..

Hala namannnnn -,-

"Nakauwi na po talaga kayo. Kala ko po kasi nagbibiro lang sila ate Crissha." Sabi nya at niyakap ulit ako.

"Kamusta ka naman ah? Laki mo na ah. Siguro may nililigawan kana." Pang aasar ko sa kanya.

"Wala po. May crush lang pero wala po akonh balak manligaw." Depensa nya naman sakin.

"Maaga ba uwian nyo? At naggagala ka na dito?" Curious lang ako. Nasa mall kasi sya its already 5 pm pa lang naman.

"Opo. Shorten period po e. Bumili po ako ng bagong damit para sa birthday ko sa susunod na araw." -Carlo.

Oo nga, birthday na nga pala nyaa...

"Gusto mo bang kumain?" Pag aaya ko sa kanya.

"Nakabili na po kasi ako ng damit. Naubos na po yung pera ko."- Carlo.

"Its okay. Gusto ko kasi kumain sa fast food chain. Para mayroon naman tayong konting conversation diba?" Sabi ko sa kanya at agad naman kaming nagtungo sa paborito namin kainan ni Charles noon... sa Mcdo.

Ako na ang umorder para sa aming dalawa.
Medjo dinamihan ko dahil ang iba take out para kay lola.

"Ate, ano bang dahilan ng hiwalayan nyo ni kuya dati? Alam mo bang nagkabalikan sila ni Jendee?" I already know that... kaya isang malamig na ngiti lang ang pinakawalan ko sa kay Carlo, Bata pa sya nung huling kita namin. Ngayon nasa Senior high na sya ngayon.


"Kamusta naman pag aaral mo? Sila lola kamusta naman?" Tanong ko sa kanya.


"Okay naman sila ate," Aniya habang kumakain ng french fries. "Si lola, naospital po dati noon, e nung panahon na po na yun... nasa ibang bansa si mama. Oo nga pala ate si mama umuwi na. May trabaho na po sya dito sa Pilipinas. Sabi nga sa kanya ni Kuya na wag nang magtrabaho e. Kasi may sarili na namang negosyo si kuya. Kaso si mama napakakulit talaga.." 


'Nagkasakit si lola?'


"Kamusta naman si lola ngayon?" Tanong ko sa kanya.


"Okay naman na sya ate after ng operasyon." -Carlo.


"Inoperahan sya? E saan kayo nakakuha ng pambayad?" Tanong ko naman sa kanya. Kung ang operasyon ay nangyare limang taon na ang namamagitan... Wala wala ang mama nya noon sa ibang bansa.


'So ang nangyare ba nito nagkaroon sila ng utang na napakalaki that time?'


"Hindi ko nga po alam kay kuya e, halos wala syang tulog non. dumiskarte sya sa mga kamag anak namin. Nnaghiram daw sya sa mga tita namin. Pero ang laking halaga nung nahiram nya. Kaya nagulat din kami ni ate Rency nung nakapagbayad na sya para sa operasyon ni lola." -Carlo.


Napaisip ako sa mga sinasabi ni Carlo sakin ngayon ha. 
But anyways, that's not my business. That was all the past, I don't care. 
Ang mahalaga naman maayos sila ngayon. 

My Love is Greater than your Failure (FIWMB Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon