Prolouge

15 0 0
                                    

"Ms. Martin!"

I looked and smiled at Mrs. Dela Rosa when I heard her calling my attention.

"Yes miss?"

"Don't forget to finish your research paper. Okay?" 

Nag sign pa siya ng okay habang nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakangiting nakatingin sa akin.

"Okay miss." Sabi ko sa kanya habang nakangiti ng pilit.

"You need to submit it to me tomorrow. Dapat exactly 10 am nasa akin na yan. Okay?" 

Tumango nalang ako sa kanya bilang sang-ayon. At bumalik na ginagawa ko.

'Hindi din maintindihan minsan mood netong si Miss 'Okay' e. Tsk.'

"Okay. So Mr. Lim , yung iyo din. Okay?" Sabay tingin kay Ezekiel. Na busy magdrawing ng kung ano na mukhang bilog bilog dun sa yellow pad niya. Katabi ko siya kaya nakikita ko.

Hindi niya ata napansin na tinatawag siya ni 'Miss Okay' kaya hinampas ko siya ng mahina. At gulat naman siyang tumingin sa akin na parang nagtatanong pa kung bakit.

"Tawag ka ni Miss." mahinang sabi ko sa kanya habang nakatingin parin dun sa ginagawa niya kanina. Napatayo naman siya bigla.

"Okay po Miss." Sabi niya kay Miss tapos ngumiti ng todo na halos di na makita yung mata niyang singkit. At umupo na.

May mga sinabi pa si Miss sa mga ka block mates namin. Na hindi nalang namin pinansin ni Zek. Nasa likod kami nakapwesto.

After 5 minutes ata...

"Okay. Class dismissed." Nakangiti pang sabi ni Miss.

Nung siguradong nakalabas na si Miss ay biglang tayo naman ulit nitong katabi ko.

"How many times ba ako tinawag ni miss at may pa hampas ka pang bruha ka." 

'Kahit kelan talaga tong baklang to. Napakaarte. Nakapameywang pa. Tsk' 

"Isa." Seryosong sabi ko sa kanya ng di parin inaalis yung tingin dun sa ginawa niya kanina.

"Ay grabe sis. Isa lang tapos.. My gosh Airi. Nahurt kaya ako oh. Look. Look."

Maarteng sabi niya sa akin sabay pakita pa nung malaking braso niya na mahina kong hinampas kanina para bumalik siya sa wisyo niya. Palagi nalang siyang ganyan. Palaging busy mag drawing o di naman palaging tulala na parang ang lalim ng iniisip.

"Mahina lang yun Zek." Sabay tingin ko naman sa kanya.

"Sabi ko nga hehe. Serious mo naman masyado. 'Di na mabiro? ha ha ha." 

Yung tawa niya na 'di na halos makita mata niya. Lakas niya masyadong tumawa. Sarap hampasin. 

Bumalik na ako sa ginagawa ko. Napansin niya ata na di ko siya pinansin kaya huminto na siya kakatawa at tumingin sa akin at sa ginagawa ko.

Napatingin naman ako sa kanya nung kinuha na niya yung gamit niya sa desk niya at inilagay sa bag niya.

"Tara kain tayo. I'm so hungry na kanina pa." Nakangiting sabi niya sa akin. Habang hawak niya pa yung tiyan na parang gutom na gutom na talaga.

Ang dami na nung kinain niya kanina tapos gutom nanaman siya. For sure gusto lang neto gumala.

Tinitigan ko lang siya habang naka cross arms tapos nakataas isang kilay. 

Nagtitigan lang kami tapos inirapan ko nalang siya tapos niligpit ko na gamit ko. Pagtapos ko iligpit yung gamit ko. Nauna na akong lumabas sa kanya.

Sacrifice Versus Painful Decision (On-Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon