Chapter 1

10 0 0
                                    

4 years ago....

"Ailxia? Ailxia anak? Wake up. You're already late na anak." rinig kong sabi ni mommy sa akin.

"5 minutes more ma." nakapikit ko paring sabi sa kanya at tinapik pa yung kamay niya para tanggalin niya.

"Kanina pa yang 5 minutes mo Ailxia. Āiyā! Bahala ka na nga dyan." sabi ni mommy na halatang naiinis na. Atsaka siya umalis.

Bago niya pa masarado yung pinto ng kwarto ko narinig ko pa siyang sumigaw. Pero di ko na inintindi at natulog ulit. Sobrang sakit parin ng ulo ko. Kung bakit ba naman kase may pa quiz agad yung isang teacher namin mamaya. E anong oras na ako nakauwi kahapon.

"Ailxia!" dinig kong sabi nung kung sino.

'Antok na antok parin ako huhuhuhu'

"Ailxia! Wake up! Ano ba!" napabangon naman ako agad ng mapansin ko na si kuya pala gumigising sa akin.

'Anak ng---naka uniform na siya. Anong oras na ba?!'

"Seryoso bang malelate na ako?" mahinang sabi ko sa sarili ko kaso mukang narinig ni kuya.

"It's already 8 in the morning, Ailxia." seryosong sabi niya atsaka nag lakad palabas ng kwarto ko.

Loading....

Loading....

8 in the morning ha.....

8 am ha....

"Hala uy 9 start ng klase ko ngayon." sigaw ko bago pumasok sa cr at naligo.

Mabilis din naman akong natapos. Kinuha ko na yung gamit ko at isinuot yung Id ko bago bumaba.

Pagbaba ko naman ay dumeretso ako sa kusina para kumuha ng tubig ng mapansin ko sila mommy sa kainan.

"Hindi ka na talaga nagbago. Paano ka pa nan papayagan nila mom mag med school." seryoso sabi ni kuya habang nakakunot pa ang noo.

Hindi ko nalang siya pinansin at tumayo na agad pagtapos ko kumain.

"Adios." sabi ko kayla mommy at nag bow ng onti bago umalis.

Agad naman ako sumakay sa kotse.

"Kuya ver diretso na po tayo sa school." mahinahong sabi ko sa driver namin at sumandal nalang sa upuan.

Pagdating namin sa school ay bumaba ako agad. Bago ko sinara yung pinto ay nilingon ko muna si kuya ver.

"Gracias. Mamayang alas cinco y media niyo nalang po ako sunduin. Ingat po kayo." nakangiting sabi ko bago pumasok sa loob ng campus.

Papasok na sana ako ng classroom ko ng bigla may kumulbit sa akin. Agad ko naman iyong nilingon.

'Batang babae....ang cute niya sobraaa'

"Are you lost, baby girl?" nakangiti kong tanong sa kanya at bahagya pang hinimas ang mahaba niyang buhok na nakalugay.

Tinitigan niya lang ako. At bahagya pang itinabingi yung ulo niya na parang nagtataka.

"Nawawala ka ba?" mahinahong tanong ko. Itinagalog ko kase baka di niya naintindihan. Nakatulala parin siya sa akin habang nakahawak sa braso ko.

Naka dress ito na kulay baby blue. Plain lang yung dress niya na medyo malobo pa. Medyo singkit pa ang mga mata neto. Maputi din siya. Siguro ay nasa 5 or 6 years old siya. May hawak pa siyang rabbit na stuff toy na kulay gray sa isa niyang kamay. Itim ang mga mata niya. May suot din siyang kwintas na ang pendant ay parang iris na flower silver pa yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sacrifice Versus Painful Decision (On-Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon