Kabanata 1
"Ginoong Jack, ngayong araw ay natapos mo ang ibinigay na misyon sa iyo. Ngayon din ay gagantipalaan ka ng mga Hukom.
Hawak ko ngayon ang sulat na ipinadala ng mga Hukom. Ito ay binabasa sa inyong lahat.
Ika-uno ng ikatlong buwan sa taong isang daang libo't dalawa, ang Hukom ay nagbibigay ng pabuya kay Ginoong Jack ng pagiging isa sa mga napiling maging tagapagligtas ng mga kaluluwa sa mundong ibabaw.
Ngayon at sa huling ipapahintulot ng kaniyang palad, si Ginoong Jack ay isa na sa magiting na 'tagapagligtas ng mga kaluluwa ng mundong ibabaw'.
Nilagdaan ng Hukom ang sulat na ito, patunay na ito ay totoo."
Nakangiting nakikinig ang matipunong si Jack na nasa pinakaharapan ng nagsasalita.
Sapagka't ito ang pinakanaisin niyang mangyari sa tanang buhay niya.
At ngayong katatapos lamang niya sa isang misyon, naiisip niyang nararapat lamang ang ibinigay na pabuya sa kaniya ng mga Hukom.
Naiisip din niyang hindi na niya kakailanganin pang manatili ng palasyo at maghintay ng misyon na ibibigay sa kaniya ng Hukom o ng kaniyang Maestro.
Matapos magsalita at banggitin ang ritwal ng pagbibigay ng pabuya kay Jack, tumayo na ito sa kaniyang kinauupuan at tumayo sa harap ng entablado. Ngayon ay nakikita ng kaniyang buong mata ang bawat tao na nakatira sa palasyo ng Alaric.
Alaric ang mundo ng mga tagapagligtas. Binubuo sila ng pangkaraniwang mga tao na galing din sa mundo ng mga buhay o tinatawag ding mundo ng mga tao. Nagmula sila dito ngunit ngayo'y patay na sila. Nabiyayaan lamang sila ng gantimpala na maging isang tagapagligtas at binase ito sa naging buhay nila sa mundo ng mga tao.
At mananatili ang bawat tagapagligtas sa palasyo hangga't walang dumadating sa kaniyang misyon na kailangan niyang lumabas.
Ngunit, may isang natatanging pribelihiyo ang maibibigay sa isang tagapagligtas upang malaya siyang makapasok at makalabas sa mundo ng mga tao.
Ito ay kung magiging isa siyang miyembro ng tagapagligtas ng mga kaluluwa.
Sila ay mamamalagi sa isang Silid Aklatan ng mga Nawawalang Kaluluwa. Na kung saan ay may lagusan papuntang mundo ng mga tao at pabalik sa silid aklatan.
At ito na nga ang pangarap ni Jack.
Isang taon pa lamang si Jack sa mundong Alaric at pawang siya lamang ang naiwan sa palasyo sapagka't ang lahat ng kaniyang mga kaibigan ay nasa silid aklatan na.
Ngunit ngayong araw ay magsisimula na.
Magsisimula na ang buhay niya bilang isang tagapagligtas ng mga kaluluwa o tawaging Soul Saver.