Dos

6 2 0
                                    

Unang ginawa ni Jack ay ang mag-empake ng mga dadalhin niyang gamit sa Silid-aklatan.

Nakalagay sa batas na ang bawat tagapagligtas ay mananahan sa silid-tulugan na nasa ilalim ng Silid-aklatan. Opisyal na tagapagligtas ang isang Alarcon, mamamayan ng Alaric, kung may sarili na itong Silid-tulugan sa ilalim ng Silid-aklatan.

At ngayo'y galak na naghahanda si Jack sa paglipat niya dito. Nagpahayag na din ng samu't saring pahayag ng galak at tuwa ang mga kaibigan niya na pawang nasisiyahan din sa pabuyang natanggap niya. Ngunit may ibang nalungkot, lalo na ang mga mamamayan ng Alaric dahil mawawalan na raw sila ng isang matipunong Jack.

Natawa na lamang si Jack sa mga ito. Lalo lamang lumalaki ang kaniyang ulo sa mga naririnig na papuri sa kaniya ng iba. Kaya naman andyan palagi ang kaniyang mga kaibigan para ibaba ang tingin niya sa kaniyang sarili.

'Ang mga walang-hiya!' sigaw ng kaniyang isip.

Naalala niya ang pag-uusap na naganap kasama ang kaniyang mga kaibigan. At dahil matagal na ang mga ito sa mundo ng mga tao, likas na sa kanila ang magsalita na katulad ng mga tao at hindi ng mga Alarcon. Teknik ito upang hindi sila mapaghinalaan.

Dahil sa mundo ng Alaric, maraming namumuhay rito ng napakaraming taon na. Kung kaya't kailangan nilang makisama lalo na sa kanilang pananalita.

At dahil lahat naman sila ay nanggaling sa panahon ng makabago, ang bawat isa ay pamilyar na sa ganito.

"Wow Jack, sa wakas!" unang bati sa kaniya ng kaibigan niyang si Nick.

"Haha, sabi naman sa inyo susunod ako sa inyo." natatawang sagot dito ni Jack. Mataas ang noo at malapad ang ngiti.

Sumabat naman sa kaniya si Nica, na kapatid ni Nick, "Sayang, akala ko pa naman mabubulok kana roon." Natawa naman ang lahat sa ipinahayag ni Nica.

Napasimangot ang kanilang tinatawanan. Kalaunan ay natawa lang din sa naisip.

"Well, alam mo na ngayon na nagkakamali ka." bumalik ang pagtitiwala sa sarili. Ang ibang mga kaibigan naman ni Jack ay pawang nagsiiling.

Kapwa nasanay na kay Jack. Pero hindi si Nica. Dahil tumapat pa talaga siya kay Jack at binitawan ang mga salitang nakapang-iinis para kay Jack.

"Hindi kasi kapani-paniwala."

Akmang hahabulin na ni Jack si Nica pero huli na dahil nakatakbo na ang huli. Napailing nalang si Jack.

"Bakit pa ba ako makikipaghabulan sa batang iyon? So immature!" wika niya.

"E bata ka rin naman at immature pa!" sagot ng kaniyang mga kaibigan sa kaniya na kaniyang ikinainis.

"Bawiin niyo 'yon!" asik niya sa mga kaibigan pero pawang walang nakinig. Naglakad na lamang ang ito paalis.

Winagayway ang mga kamay pahiwatig na aalis na sila. Sumagot din siya ng katulad ng kanilang ikinilos.

"Susunod din ako!" nagsitinginan ang kaniyang mga kaibigan.

"Hihintayin ka namin!" dito ay napangiti na lamang siya.

Magkaroon ng mga ganoong kaibigan sadyang napakaswerte ni Jack. Pero sa isip isip niya'y mas maswerte ang kaniyang mga kaibigan dahil mayroon silang Jack na kaibigan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 22, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Library of Lost SoulsWhere stories live. Discover now