Chapter 3: Memories

10 1 0
                                    


Jay's POV

Hindi pa 'rin ako makapaniwala na makikita ko ulit si Paul. Epic pa ang muling pagkikita namin hahahaha. Nagkabanggaan na ng ilang ulit, nagkausap na at nagkasabay pa kung saan-saan, hindi man lang namin nakilala agad ang isa't isa.

Dumaan pa ang mga araw, hanggang ngayon, Friday. Ngayong araw ako susunduin ni Kuya Jerry para samahan siya sa kanilang bahay at manirahan habang ako'y nagaaral (hahahaha tagalog na tagalog).

Prince: Kuya, car po yata ni Kuya Jerry ang dumating.

Jerry: Oh Toy? All good ka na ba? Hi Tita (sabay mano kay Nanay)

Princess: Ngayon ka na po aalis Kuya?

Jay: Oo ee, ngayon na aalis ang kuya, mamimiss mo ba ako?

Princess: Hindi po hahahahaha

Jay: Awwwwww (with malungkot na face)

Princess: Joke lang po, syempre naman po mamimiss po namin ikaw, 'diba Prince?

Prince: Opo naman, kasi wala na kaming pasalubong hahahahaha.

Jay: Kayo talagang dalawa, pahug naman si Kuya oh. (at niyakap ko ang kambal ng mahigpit). Pakabait kayo, wag niyong pasasakitin ang ulo ni Nanay.

Prince/Princess: Opo.

Jay: Uuwi ako dito tuwing sabado at linggo kapag walang activity sa school. Kaya kapag nagsumbong si Nanay, wala kayong pasalubong sakin.

Princess: Magpapakabait po kami.

Prince: Tutulong din po kami kay Nanay.

Jay: Good. Nay mauna na po ako, sabihin mo lang po sa akin kapag sumakit ang ulo niyo sa dalawang ito (sabay kurot sa pisngi ng kambal).

Nanay: Mag-iingat ka habang nandoon ka anak huh, tawag ka lang kapag may kailangan ka. Tumulong ka sa Kuya Jerry mo kapag kailangan ka niya.

Jay: Opo naman Nanay, ako pa ba?

Jerry: Huwag po kayong magalala tita, ako na po ang bahala kay Toy.

Nanay: Sige Jerry, sabihan mo lang ako kapag may kalokohan si Toy hahahaha.

Jay: Nay, ako? Gagawa ng kalokohan? Nay naman hahahaha

Jerry: Sige po Tita, ako po ang bahala.

Nanay: Nga pala, kapag may dinalang babae sa bahay, sabihan mo din ako.

Jerry: Sige Tita, irerecord ko pa (sabay silang tumawa).

Nanay: Nanay naman eh (napakamot na lang ako).

Jay: Sige po Nay, una na po kami ni Kuya Jerry.

Nanay: Magiingat kayo huh, tandaan mo ang mga bilin ko.

Jerry: Una na po kami Tita. Tawag lang po kayo kapag may kailangan din po kayo.

Nanay: Sige sige Jerry.

Hindi naman naging malungkot si Nanay noong sinundo ako ni Kuya Jerry, paano ba naman, mas ayos daw sa kanya ang ganitong setup kasi mas matuto daw at simula ba naman Martes hanggang kaninang umaga bago ako sunduin ni Kuya Jerry, panay ang pagpapaalala sa mga bagay bagay hahahaha. Pero hindi pa 'rin maalis sa akin ang pagaalala. May tiwala naman sa akin ang aking Nanay kaya gagawin ko na lang ang lahat sa pagaaral at para hindi na 'rin magalala pa si Nanay.

At umalis na nga kami ni Kuya Jerry. Nagkwentuhan lang kami habang nasa byahe.

Jay: Kuya Jerry, kailan po ba magbubukas ang coffee shop niyo po?

Simpleng MusikoWhere stories live. Discover now