Chapter 5

19 3 0
                                    

"Ikaw ano bang pangarap mo at ayaw din ng mom mo dito?" tanong niya at nilingon niya ulit ako kaya naman napatingin ulit ako sa harap.

"Gusto kong maging artista." nakangiti kong pagkukwento sa kanya at nakatingin pa rin sa harapan.

"Bata pa lang ako gusto ko ng maging artista, lagi kasi akong binibilhan ng mga damit at kung anu-anong disenyo sa buhok ng daddy ko at minomodel ko 'ito." masya ko pa ring kwento habang inaalala nung mga panahon na 'iyon.

"Mahilig rin akong umarte, kaya naman nung grade school ako ay lagi akong napapasali sa mga play sa school hanggang sa mag highschool dahil natutuwa ang mga teacher ko dahil sa galing ko raw sa pag-arte. Kaso nga lang ayaw ni mom dahil gusto niya ay pareho kami. Gusto niya ring maging architect ako. Magandang kurso naman iyon kaso hindi nga lang talaga 'iyon ang hilig ko." dagdag ko pa.

"Sabi rin ng dad ko I will become a superstar someday." mas lalo pang lumawak ang ngiti ko ng sabihin ko 'yon.

"Kaya nga Yvaine Chloe ang pangalan mo kasi  ang meaning ng Yvaine ay Star, dahil nung pinanganak daw ako sabi ng daddy ay para daw siyang nakakita ng star. Umiyak at nagkislapan daw ang mga  mata niya nung inilabas ako ng mommy. Kaya ipinangalan niya ay Yvaine na meaning ay star." masaya ko pa ring kwento at nakatingin pa rin siya sakin na nasa gilid niya at ako naman ay nanatiling nasa harap ang paningin.

"Sabi rin ng daddy ko na wag daw ako mabilis sumuko. Kung lahat man ay salungat sa kung anong gusto mong gawin pero may isang tao pa rin na darating sa buhay mo para suportahan ka at ipapakita ko sa kanya na kaya mong abutin ang mga pangarap mo. Kaya ako kahit na anong sabi ni mommy na mag architect ay ipipilit ko pa rin ang gusto ko dahil alam kong pag nakamit ko na ang mga pangarap ko, maiintindihan na ni mommy kung bakit yun talaga ang gusto ko at mapaproud siya." habang nakangiti ko pa ring kwento sa 'kanya.

"Kaya ikaw, sana wag mo basta-bastang sukuan yung gusto mo. Kagaya ko ayaw man ng mom ko pero suportado naman ako ng daddy ko lalo na nung tatlo kong mga kaibigan at kahit sa onting mga naniniwlaang yun super nag uumapaw na yung puso ko sa saya! Atleast may natutuwa! Kagaya mo rin, nanjan ung mga kaibigan mo, fangirls mo at simula ngayon nandito rin ako para suportahan ka." nakangiti kong sabi sa kanya at nagulat naman siya sa sinabi kong 'yun at nagulat rin ako.

"I mean pwede mo naman akong maging friends, susuportahan din kita. Alam ko kasi ang pakiramdam ng sinusupirtahan kaya gusto kong maramdaman mo kung paano suportahan at hindi basta sumuko agad hehe." pagpapalusot ko pa para hindi niya masyadong bigyan ng kahulugan yung ibang nasabi ko. Ano ba 'yan Chloe! Ano bang pinagsasasabi mo?!? Grr.

"Tama ka nga. Dapat hindi ako sumuko para mapakita ko talaga sa 'kanila na kaya kong abutin ang mga pangarap ko at nang sa ganun ay maging proud sila." aniya habang nakangiti kaya naman napalingon ako sa 'kanya. Ang ganda ng nga mata niya.

Nginitian 'ko siya.

"Yeah." mahinang sabi ko at hindi na dinagdagan pa. Nilabas ko pa ang isang lollipop na natitira sa bag ko at inabot sa 'kanya.

"Oh, kung sakaling maging malungkot ka ulit ay kainin mo yan. Para ng sa ganun ay hindi ka maging malungkot okay?" nakangiti kong saad sa 'kanya. Kinuha niya naman ang lollipop at sinuklian din ako ng matamis na ngiti. Tumayo naman ako dahil natanaw ko na si Mang Jun sa bandang gilid na kadarating lang. Medyo padilim na rin at hindi namin namalayan 'iyon.

"I know you will achieve your dreams. Kaya huwag kang sumuko! Dream High, Blake!" nakangiting saad ko at tinapik siya sa braso. Aalisin ko na sana ito ng hawakan niya ang kamay ko. Agad naman nakuryente ang buo kong katawan sa paghawak niyang yun.

"Thank you Chloe!" saad niya at nginitian niya ulit ako. Sinuklian ko rin ang mga ngiti niya at nagpa-alam na.

"Paano? Una na ko ha? Mag-iingat ka pag-uwi! Salamat rin!" paalam ko at tumalikod na.

"Chloe, you will be a superstar soon!" sigaw niya habang papalayo na ko at gulat naman akong lumingon sa 'kanya at nakangit siyang kumakaway. Maarte rin akong kumaway sa 'kanya na parang artista habang nakangiti 'kaya nagtawanan kami at tuluyan na kong umalis.

Hanggang sa pagsakay ko sa sasakyan ay hindi maalis ang ngiti ko kaya naman napansin 'iyon ni Mang Jun at tinanong ako.

"Ganda ng ngiti niyo Miss ah!" nakangiti ring saad 'sakin ni Mang Jun.

"Mang Jun, tingin niyo ba magiging sikat na artista ako?" nakangiti kong tanong sa 'kanya at lalo namang lumawak ang ngiti ko isinagot niya.

"Aba! Syempre Miss at naniniwala akong sisikat talaga kayo!" nakangiting aniya niya rin.

"Talaga po?" masayang masaya ako kaya naman tingin ko ay walang makakasira sa mood ko sa araw na 'ito.

"Opo miss" Aniya.

Hanggang sa maka-uwi sa bahay ay dala ko pa rin ang ngiti ko. Masaya ko ding binati ang mga ibang maids at tauhan nang makapasok ako. Wala pa sila mom and dad kaya umakayat na lang ako.

Pagka-akyat ay mabilis ulit akong naligo at nahiha sa kama. Binuksan ko ang cellphone ko at tinawagan ang tatlo kung kamusta na sila. Masaya naman ang aming pag-uusap at nang matapos ito ay naisipan kong magpost sa aking story sa instagram. Inistory ko yung picture ko kanina sa salamin, kita ang aking buong outfit 'doon sa aking mirror selfie at hindi na nilagyan ng kahit anong caption at inistory ko na lang ito.

Habang nag-iiscrol ay may nag-reply sa aking story at nagulat ako ng si Blake 'iyon.

from blake_aeson:
followback naman jan, miss superstar.

Napangiti ako sa reply niyang 'yon kaya naman finollowback ko siya at nagreply agad.

to blake_aeson:
Done. Are you feeling better now?

Nag-isip pa ko ng idudugtong sana 'don ngunit sinend ko na 'yon dahil wala ng maisip pa.

from blake_aeson:
Yup. Super thanks to miss superstar :))

Nakangiti pa rin ako habang mabilis na nagrereply at hindi malaman ang pwesto.

to blake_aeson:
good! kala ko bibili pa ko ng maraming lollipop para sa'yo eh.

from blake_aeson:
hahaha di na ata kailangan sapat na yung binigay mo 'kanina. Thank you again! Goodnight, miss superstar :))

Hindi na ko nagreply sa chat niyang yun at nakangiti na hanggang sa makatulog kahit hindi pa kumakain dahil tingin ko ay busog na busog na ko sa mga sandaling 'yon.

BituinWhere stories live. Discover now