Nang nagising kinabukas ay masaya pa rin ako at hindi matanggal ang mga ngiti sa aking mga labi.
"Good Morning everyone!" masayang bati ko habang pababa ng hagdan namin at masaya naman din naman nila akong binati pabalik.
Ngunit pagbaba ko ay wala na naman si mommy doon at si daddy lang ang tahimik na nakain sa aming hapag. Niyakap ko siya at sinuklian niya naman ako ng ngiti at hinalikan sa noo. Nang magpa-alam na umalis si daddy at hindi na ako masasabay ay hinalikan niya ulit ako sa noo at andaming binilin.
Hanggang sa pagpasok sa school ay hindi pa rin natatanggal ang mga ngiti sa aking labi kaya naman nang makapasok ako ay sinalubong din ako ng ngiti ng tatlo kong mga kaibigan.
"Coco, nagtatampo na ko dahil napaka rami mo ng hindi kinukuwento 'samin" aniya Ramon kaya naman medyo nagulat ako pero hindi pa rin maiwasan ang pag ngiti.
"Tama! Ang haba ng buhok mo ha! Pangalawang beses ka ng iniistory ni Blake!" dagdag naman ni Lili kaya naman nagtataka akong lumingon sa kanya at medyo nagulat sa sinabi niya.
"What do you mean" nakakunot noo kong tanong sa kanya.
"Kasi may bago siya story kagabi, nakatalikod na babae at kaperahas ng soot mo sa story mo, kaya wag mo ng pagtakpan na hindi ikaw yun dahil pati buhok at sapatos ay parehong-pareho!" medyo kinikilig pang aniya. Inilabas ko naman agad ang cellphone ko at agad na tiningnan kung ano yung inistory ni Blake sa kanyang instagram.
Shit. Ako nga. Picture ko tong nakatalikod habang papa-alis at bigla kong naalala na nagistory din pala ako kagabi ng mirror selfie ko. GOSH!
"Bawal pagtakpan. Halatang ikaw Chlo." nang-aasar ding saad ni Alma at medyo natatawa pa.
"Naku! Sagot mo ang maraming chika mamaya, Coco! Umayos ka." pagdidiin pa ni Ramon habang sinasabi niya yun dahil biglang pumasok ang aming teacher at nagsimula ng magdiscuss kaya nakahinga naman ako ng maluwag.
Naging mabilis nanaman ang oras, siguro'y dahil masaya ako. Hindi ko alam, pero napapansin ko tuwing masaya ako ay mabilis na lumilipas ang bawat oras.
Nang makalabas ng classroom at papunta sa cafeteria ay napansin kong nakatingin 'sakin ang mga naglalakad at tila nagbubulong-bulungan, siguro'y dahil nakita nanaman nila ang story ni Blake. Hindi ko na lang 'iyon pinansin at nagpatuloy kaming apat sa paglalakad. Nasa magkabilang gilid ko si Lili at Alma na parehas hawak ang mga kamay ko habang si Ramon ay medyo nauuna samin dahil may kumakausap sa kanyang iba dahil isa siya sa member ng SSG at pag walang kumakausap ay medyo tinatarayan niya ang ibang nakikita niyang tumitingin 'samin. Haha That's why i love them so much.
"Kami na ang oorder ni Alma at pumuwesto na kayo sa upuan 'natin. Medyo maraming tao ngayon mga mare." ani Ramon kaya naman sumang-ayon na lamang kami ni Lili at kinuha ang gamit nilang dalawa at pumunta na sa madalas naming pwesto. Si Lili ang madalas kong katabi sa upuan kaya naman pumuwesto siya sa tabi ko at nakita kong medyo natatakpan ang mukha niya ng kanyang buhok kaya naman inilagay ko to sa gilid ng kanyang tenga at nginitian niya naman ako ng kanyang matamis na ngiti. So precious huhu. Para siyang anghel kaya naman hinahanggaan ko siyang talaga. Tatlo silang hinahanggaan ko sa totoo lang dahil grabe silang pumrotekta 'sakin at handa akong gawin rin sa kanila 'yun.
Masayang nagkukwentuhan kami ni Lili ng dumating si Alma at si Ramon dala dala ang mga pagkain.
"Pinaka masarap ang inorder ko 'sayo Coco kaya naman sana ay ichika mo ang mga ganap jan!" maarteng tugon ni Ramona kaya naman natawa kaming tatlo sa sinabi niya.
Nang magsimulang kumain ay inusisa agad ako ng tatlo at halos hindi rin makasubo dahil gusto nila ay tulo'y tuloy ang akong pagkuwento. Hininaan ko ang boses ko habang nagkukwento dahil baka marinig ng mga tao sa paligid at mamaya kuyugin nanaman ako ng fans ni Blake pero kung anong hina ng boses ko yun naman ang lakas ng tili nitong si Ramon habang kinikilig sa mga kwento ko. Haynako Ramona!
YOU ARE READING
Bituin
RandomI don't know why but sometimes, THE WORLD IS SO UNFAIR. Pero minsan kahit na gaano ka unfair kailangan mong abutin ang mga pangarap mo. No matter how hard or how painful it is, you need to fight for it and always choose to be happy! so SHINE BRIGHT!