Chapter 5

568 12 70
                                    

Magmula ng araw na yun at ng mga sumunod pang mga araw , nasanay na si Jully sa mga pasimpleng palipad hangin ni Riley. Nakilala na rin niya ang mga magulang ng binata na anduon araw araw. Yun nga lang pambihira na niyang makita si super crush. Maging ang fiancee na si Asher Geronimo ay pambihira na rin niyang makita duon . Balita niya busy daw itong naghahanda sa nalalapit nilang kasal ni super crush niya.

Nasanay na rin si Jully na dumaan sa kwarto ni Riley bago siya umuwi. Request kasi yun ng binata. Masasabing naging magkaibigan na rin sila. Nasasakyan na ni Jully ang mood nito at madalas dahil na rin siguro sa natural na pagiging masayahin ng dalaga, nahahawa na rin si Riley sa kanya.

Napagkuwentuhan na rin nila kung ano ang kaugnayan ni Asher sa buhay ni Riley, sa pamilya niya . Nalaman na rin ni Jully ang dahilan kung bakit sila nakidnap. Kung bakit handa siyang mamatay para kay Asher.

Unti unti na ring nakakaramdam ng paghanga si Jully sa fiancee ng super crush niya at lalo din siyang humanga sa isang Gerald Anderson.

Isang gabi, naabutan uli ni Jully ang mga magulang ni Riley. Anduon din si super crush at ang fiancee nito.Talaga daw hinihintay siya ng mga ito.

Ngumiti si Asher kay Jully.

"Hi Jully, thank you for looking after Riley. He told us how nice you are to him. We are wondering if you are kind enough to be one of our wedding entourage. "

Nanlakinang mata ni Jully sa narinig. Tama ba yung narinig niya? Tinatanong siya para maging isa sa mga entourage sa kasal nila ni super crush.

" You are asking me to be a part of your wedding?" Why?" Hindi makapaniwalang tanong ng dalaga.

"I must admit , you are not the first choice. One of my friends from Toronto can't come and Riley suggested you to be his partner. He said , he is thinking of asking you to be his date to the wedding anyway." Kinindatan si Riley na nangingiti sa pambubuko sa kanya ni Asher.

Hindi pa rin makapaniwala si Jully. "Please, say yes," narinig ni Jully na pakiusap ni super crush . You will be helping us para Matapos na ang invitation at maiapamigay na." Dug tong pa ni Gerald.

"Please Angel, you are the only I will be comfortable to be with in that wedding aside from my parents and Asher's ."

Hindi lang nila alam kung gaano kasaya si Jully. Hindi siya makapaniwala. Dream come true yun sa kanya ang dumalo sa kasal ng super crush niya.

"Wow!!! I am honored! Sino tatanggi diyan. Dream come true yan for me." Hindi maitago ang excitement sa boses ni Jully.

Kitang kita ang tuwa sa mukha ni Asher. Sa tuwa ay nayakap niya si Jully. "Thank you,"

Tumayo din si Gerald at hinalikan si Jully sa pisngi.

Napatingin si Jully kay Riley. "Thank you Angel!" Naka ngiti din ito at kitang kita din ang saya sa mukha nito.

Parang batang pinandilatan ng mata ni Jully si Riley. "Thanks to you!"

Sinabi ni Asher kung kelan at saan ang fitting ng damit na isusuot nila. Kinuha ang phone number ni Jully, pati email address niya. Binigay din ni Asher phone number nila ni Gerald at ni Val , in case daw na may tanong siya. 

Gusto pa sanang makipag kwentuhan ni Jully  pero kailangan na niyang puntahan ang isa sa mga pasyente niya for his medication. Nagpaalam siya sa mga ito at sinabi kay Riley na babalik na lang siya later on. 

Napansin ni Shelly ang kakaibang sigla ni Jully ng magkita uli sila sa nurses station. 

"Iba yata ang saya mo ngayong gabi friend? Anong ganap? Parang tumama ka sa lotto."

"Daig ko pa tumama ng lotto. Alam mo bang invited ako sa kasal ni super crush? Hindi lang yun, isa pa ako sa mga abay, partner kami ni Riley. Tuwang tuwang kwento ni Jully sa kaibigan.

Nagulat din si Shelly at natuwa para sa kaibigan. "Wow!! Happy for you my friend! Paanong nangyari yun?"

"Hindi ako ang first choice , panakip butas lang pero its still an honor kasi ako ang naisip nila dahil suggest   ni Riley. Yun kasing supposed to be partner ni Riley , hindi makakarating kaya yun sinabi ni Riley na sana ako na lang para mas maging komportable siya."

"Naku ha, iba na talaga ang closeness ninyo ng Riley na yan. Tell me the truth my friend, nanliligaw na ba saiyo? Gwapo nga pero alam mo naman ang bulong bulungan kung bakit nabaril yan di ba?" Paalala ni Shelly sa kaibigan. 

"Hindi naman nanliligaw. Nambobola paminsan minsan pero syempre hindi naman ako naniniwala agad agad no. Alam ko naman yung bulong bulungan na broken hearted siya kay Asher Geronimo. Alam ko na din na kaya sila nakidnap dahil akala nuong pinag kakautangan niya na tinatakasan niya ito. Alam ko na din na willing siyang pahiraman ng pera ng fiancee ni super crush. At alam ko din na dating fiancee ng kakambal niya si Asher."

"Grabe friend, ang dami mo ng alam tungkol sa kanya." Nasabi na lang ni Shelly. 

"Sa tagal na ba naman niya dito, bored na rin siguro kaya yun nagkukuwento na rin ng  tungkol sa buhay niya. Sinabihan nga ako na huwag na huwag ko daw susubukang magsugal. Nakakasira daw ng buhay yun."

"Alam mo friend , bagay kayo. Saka nakakatuwa na close kayo pero sa ibang nurse , very guarded siya. Hindi naman siya ganyan ka friendly kay Belle eh. Napaka formal nga daw. Kahit yung mga naka duty pag days off mo, tinatanong si Belle kung ganoon daw siya talaga, formal."

"Sa akin din naman nuong una, di nga ba nainis pa ako sa kanya nuong una, napaka suplado?"

"Pero ngayon , super close na kayo. Hindi ako magtataka kung sa bandang huli maging kayo na." Biro ni Shelly. 

Hindi na kumibo si Jully. Sa loob loob niya. Ano nga kaya?

Sa sasakyan , nag iisip si Asher Geronimo. Paminsan minsan , nangingiti ito. Napansin tuloy siya ni Gerald. Inakbayan niya ito at tinanong bakit napapangiti ang kasintahan. 

"Masaya lang ako for Riley. Napansin mo ba yun?" Lumingon ito sa likuran at tinanong si Jean. 

"Do you see it too?" Nangingiting tanong ni Asher sa mommy ni Riley. 

"What dear?"  Tanong naman ni Jean. 

"Riley's eyes were twinkling when Jully came to  his room. When she said yes to be a part of our wedding,  he was so happy."

"We noticed that too, and we are glad. We hope the girl will like him too. She is very nice. I like her. Always smiling and she makes him laugh." 

Napangiti si Gerald. Ganoon din ang daddy ni Riley. 

"Sweetheart, don't tell me you are going to play cupid again." Natatawang sabi ni Gerald. Nakikita na naman niya ang  pilyang ngiti ni Asher. 

"There is nothing wrong in making the world a little happier. I am one of the happiest right now and would love the people I care to be happy too and Riley is one of them."  Asher said smiling. 

Just Another Love Story ( Riley and Jully)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon