Chapter 7

459 13 29
                                    

Hindi maitago ni Jully ang lungkot na nararamdaman tuwing madadaan siya sa dating kwarto ni Riley. . Na mi miss na niya ang binata, unang gabi pa lang na hindi niya ito nakikita.

Isa na siguro sa pinakamahabang gabi niya yun. Wala na siyang ginawa kung hindi tumingin sa orasan. Halos bilangin niya ang minuto.

Napansin ni Shelly ang pananamlay ng kaibigan . "Miss mo na siya agad no?"

Umiling lang si Jully. Gusto niyang sabihin na hindi pero nagbabara ang lalamunan niya. Pinipigil niyang huwag maiyak.

Naintindihan naman siya ng kaibigan. Tinapik siya sa balikat. "Huwag ka ng malungkot, for sure gagawa yun ng paraan para magkausap man lang kayo."

"Imposible yun, hindi naman niya alam number ko. Saka, I doubt na maalala pa ako nun."

"Sabi nila pag gusto daw ng isang tao, makakagawa siya ng paraan kahit gaano ka imposible. Palagay ko siya yung tipong maparaan."

Nginitian ni Jully ang kaibigan . "Good friend talaga kita. Alam na alam mo sasabihin mo para mabuhayan ako ng pag asa."

"That's what friends are for si ba?" Kinindatan ni Shelly ang kaibigan na kahit kunti ay napangiti niya.

Samantala , nasa eroplano pa rin sina Riley at mga magulang nito. Pinagmamasdan ang huling text sa kanya ni Asher. "As requested, here is her number and email address. Nagsisi siyang hindi tinawagan or nag send ng text bago ang boarding nila. Hindi man lang siya nakapagpaalam. "Damn I miss her terribly!" He told himself .

He promised himself as soon as gets home, she will call her. He won't waste time to let her know he misses her and can't wait to see her again. I should have told her what I am starting to feel. I hope she feels the same."

Tuloy tuloy si Jully  sa kwarto niya pagdating ng condo nila. Nag good night lang siya kay Shelly. Naghilamos, nagpalit ng pantulog at nahiga na. Hindi niya maipaliwanag pero hindi mapigil ang pagtulo ng luha nito. 

Pinapagalitan ang sarili. Bakit ka ba kasi umiiyak? Hinalikan  ka lang, umasa ka na. Huwag kang baliw. Sabay takip ng unan sa mukha. nakatulugan na nito ang pagsesermon sa sarili.Nakalimutan niyang i on ang phone niya.  

Pagdating na pagdating nina Riley sa bahay ng mga magulang ay telepono agad ang hinanap nito. Alam niyang sa mga oras na yun ay nasa bahay na si Jully. Nagbabasakaling  maabutan niya itong gising pa. Ilang ring lang ay sinabi ng unavailable at the moment. Naisip na ni Riley na naka off pa ang phone ng dalaga. Gusto sana niyang marinig kahit boses man lang ng dalaga pero ni voice mail ay wala ito. nag text na lang  ito at sinabing sana ay makausap niya ang dalaga bago ito pumasok sa trabaho. Sinabi niya sa text na tatawag uli siya an hour before ng duty niya sa hospital. 

Lumabas uli si Riely.  Tinanong siya ng mommy niya kung tapos na siya sa phone. Gusto daw nitong tawagan si Asher to let her know na nakarating sila ng maayos. Binigay ng binata ang phone sa ina. 

Pumunta sa deck. Parang ang tagal niyang nawala. Kung tutuusin pala  3 weeks din pala siya sa Pilipinas. Three weeks ang daming nagbago sa kanya. Ang daming nagbago sa buhay niya. Akala niya babalik siyang kasama si Asher. Akala niya pagbalik niya, magiging abala sila sa pag aasikaso ng kasal ng dating fiancee ng kakambal. 

Pumasok uli ito ng kabahayan, nasa telepono pa rin ang mommy niya. Tiningnan mga pictures na nasa sala. Nakita niya ang engagement picture nina Asher at Ryan. Parang kelan lang din yun. Talagang bahagi na si Asher ng pamilya nila kahit ngayong ikakasal na ito. Ano kaya gagawin ng mommy niya sa picture na yun? Itatago na kaya niya in respect to Gerald na malaki ang posibilidad na makakapunta din sa bahay nila pag mag asawa na sila ni Asher. 

"Riley , Asher wants to talk to yous" Riley's mom called him.

Riley took the phone and greeted Asher. They talked for few minutes. She asked him if he already called Jully and he said , he did but no answer but texted her and hopefully she will read it 

"I like her Riley,  I will call her later, do you want me to do something for you?" May panunukso sa boses ni Asher.

"I feel bad that I was not able to say good bye to her , you know. I wish I could have done something to let her know she is special to me. " Riley admitted to Asher. 

"Hmmmm, how about we send her flowers?"  Asher suggested.

Riley's face brightens up. "Will you do that?" 

"Yes, I can. What do you want to  write on the card?" 

"You are an angel Asher. I swear I will make up to you. I owe you so much already."

"You are one of the brothers I never had Riley and like a sister , will be there to help and support you."

"Thank you Asher!" All Riley can say. 

Napansin ni Gerald na nangingiti si Asher matapos makipag usap nito sa telepono. "Ano sweetheart , ang ganda ng ngiti mo diyan. Nakarating ba sila ng maayos?" Tanong nito kay Asher. 

"Oo, direct flight nga daw sila from Hongkong to Toronto,  13 hours. Sana pagbalik ko , ganoon din ang makuha kong flight.."

Napatitig si Gerald sa fiancee. "Bakit ? May balak kang bumalik?" Iba ang tono ng boses nito. 

Natawa si Asher sa naramdamang tension sa boses ni Gerald. "Hindi pa naman ngayon. Syempre kailangan kong bumalik paminsan minsan. May mga dapat din kaya akong ayusin duon. Yung negosyong iniwan ni Ryan. Pwede ka ding sumama." Biro nito sa kasintahan.

"Bakit iba ang ngiti mo after mong makausap si Riley? Anong meron?"

"Mukhang na in love ang  loko kay Jully."

Nangiti din si Gerald. "Maganda naman kasi saka mukhang mabait pa."  

"Teka, saang flower shop ka ba bumibili ng bulaklak na pinapadala mo sa akin?  I promised Riley will send flowers to Jully. "

Kinuha ni Gerald ang phone, nag browse and then binigay kay Asher. 

Nahalata ni Shelly na namamaga ang mata ng kaibigan  habang kumakain sila. " Ok ka lang friend?"

"Oo naman , umiiwas ang matang sagot ni Jully. Tara na. "  Niyaya na ang kaibigan. Ayaw niya ng pag usapan pa ang tungkol kay Riley at ang halatang pag iyak niya.

Pagdating sa hospital, napansin niyang may ilang mga nurse na napatingin swa kanya at iba ang mga ngiti. Napatingin ito kay Shelly. "Halata bang masyado na umiyak ako?" Yun ang iniisip niyang dahilan kaya iba ang tingin sa kanya ng mga kasamahan. 

"Hindi naman masyado, unless tititigan ka. Bakit mo natanong?" Sagot ni Shelly na abalang pinapatay ang cell phone. 

"Iba kasi mga tingin ng mga nakasalubong nating mga kasamahan natin. Baka kako halatang umiyak ako."

"I dond't think so. Baka may ibang dahilan."

Pagdating nila sa nurses station ay bumungad sa kanila ang napakagandang bouquet of long stem red roses. 

"Wow ang ganda naman niyan! Para kanino at saan galing?" Excited na tanong ni Shelly.

Nakangiti ang mga kasamahan nilang nanduon na sabay sabay na tumingin kay Jully. 

"Dumating yan kanina lang, para kay Jully." sagot ng isa sa mga kasamahan nila. 

Nagulat si Jully. Hindi siya nakakibo. Napatingin sa mga bulaklak. Lumakas ang tibok ng puso nito at pinilit pakalmahin ang sariling tiningnan ang card na nakaipit sa mga bulaklak. Nanginginig ang mga kamay na binasa. 

"They say when you dream of someone , that someone misses you. I hope you do, coz I do terribly."

See you soon, Riley.

Hindi malaman ni Jully kung iiyak or tatawa siya sa tuwa. 'I miss you too, bulong nito at hinalikan ang card. Walang pakialam sa mga tukso ng mga kasamahan. 

Just Another Love Story ( Riley and Jully)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon