French James POV♥
Nakasakay na kami sa kotse ngayon pauwi ng bahay.Pero bago ko pa mailiko yung kotse papunta ng subdivision kung saan kami nakatira.Eh napadaan kami sa malapit na 7/11 kaya agad kong hininto yung kotse.
Kinalabit ko naman yung natutulog kong Alalay.
Yung totoo sino ba samin ang amo?Bakit siya ang natutulog?
Hoy."gising ko sa kanya
Hmmm.Bakit po Sir..?."nagising naman agad siya..
Bumaba ka."sabi ko naman sa kanya.
Bakit po Sir?."tanong niya.Pero bago ko siya sagutin binigay ko agad sa kanya yung wallet ko.
Ibili mo ko ng Cup noodles."sabi ko
Nagtataka naman siyang tumingin sa'kin.
Kumakain po kayo ng noodles Sir?."parang ewan niyang sabi.
Malamang,ako nga yung nagpapabili diba?."napasimangot naman siya sa sinabi ko.
Sabi ko nga eh...Sir anong flavor?."tanong niya.
Kahit ano.."walang gana kong sabi.
Hayyy kailan kaya mawawalan ng tanong 'tong babaeng to?
Kahit Beef?kahit chicken?kahit--."hindi ko na siya pinatapos.
Ano bang mahirap intindihin sa salitang kahit Ano?!Diba sabi ko kahit ano?bat ang dami mo pang tanong."naiirita ko na namang tanong.
Sungit.Nagtatanong lang eh.."bulong niya pero rinig ko naman.
Agad agad naman na siyang lumabas ng kotse..
Sige po Sir bibili na po ako.Hintayin niyo ko dito ah?Wag niyo kong iiwan."nakangiti niyang sabi
Bigla naman akong nakonsensya..
Bakit nakukuha pa rin niyang ngumiti kahit sinusungitan at pinipilosopo ko siya?
Ganoon ba siya talaga kabait?Tulad ng sinabi ni Dad?O kaya lang talaga nasabi yun ni Dad ay may affair talaga sila ng Pangit na babaeng yun.
Pero bakit sinabi ni Dad na may gusto sakin yung babaeng yun?
Naalala ko tuloy yung sinabi ni Dad nung araw na nasa airport kami .
FLASHBACK (2 days ago)
Son.."agad naman akong napatingin kay Dad.
Why?."walang gana kong sabi..
Always take care to yourself.1 month or more than that kaming mawawala ng Mommy at kapatid mo so I--."hindi ko na siya pinatapos.
Kaya ko na ang sarili ko Dad.Baka nakakalimutan niyong nakayanan kong wala kayo dati...while Mom suffered in her depression."nakita ko naman ang paglungkot ng mukha niya pero agad din siyang ngumiti.
Yeah.I forgot..ha-haha nasa tamang edad ka na nga pala.Hindi na ikaw yung batang French na laging umiiyak--."hindi ko ulit siya pinatapos.
Pwede ba Dad...wag mo ng pahabain yung converstaion na'to.Wag kang umakto na tulad pa rin tayo ng dati.."naiinis ko ng sabi..
Son...hanggang ngayon ba hindi mo pa rin ako napapatawad?."malungkot na sabi niya.
So iniisip mo palang napatawad na kita?Sino ka para patawarin kita?Ohh I forgot ..ikaw nga pala ang tatay ko.Sorry ha?Nakalimutan ko kasing naging Ama kita simula ng pinagpalit mo kami sa kabit mo."mahina kong sabi.kahit galit na galit na'ko.

BINABASA MO ANG
When Coconut Meets Her Ugat (Ongoing Book 2)
Ficção AdolescenteWalang exact na definition yung nararamdaman ko sayo...basta ang alam ko lang mahal kita.And I don't care kung masaktan ako sayo...dahil ito ang pinili ko....pinili kong mahalin ang isang tulad mo.Saka ko nalang pagsisisihan yung desisyon ko...sa or...