HIS POV

39 6 3
                                    





"Chris..."




Sa aking pag-pikit, ikaw ay nakita. Medyo malabo pero mukha mo'y naaninag.



"Chris.. Bakit nakatulala ka na naman dyan? Huy!"




Gusto mang kausapin ka't ikaw ay lapitan. Kaso naduwag at umurong ang dila.




"Chris naman eh. Ano na naman bang iniisip mo? Tsk. Halika nga dito!"





Sunod na pangyayari tayo'y magkatabi na sa upuan at nakaunan saking balikat ang ulo mo sabay bulong sakin ng halika.




"Alam mo ba... ngayon na lang ulit ako pinayagang lumabas ng walang kasamang matanda. Kaya wag ka nang mag-day dream diyan. Minsan na nga lang to eh. Tara naa! Habulin mo koooo.. hahahaha~!"





Ikaw ay tumayo habang kamay ko ay hila. Tayo ay tumakbo hanggang mapagod at tila..




"Chris! Hala! Umaambon.. Dali! Balik tayo sa shed!"





Parating ang bagyo at ang langit ay lila. Tayo ay sumilong, hinihintay ang pagtila ng ulan.




"Hihi~ Alam mo.. kahit ganito ang kinalabasan ng date natin.. ito pa din ang isa sa mga pinakamagandang date na naranasan ko. At dahil yun kasama kita, Chris."





Kung pwede lang sandali ito'y hindi na masira. Nakasama ka ulit kahit sandali lang.




"Imagine. It's our 3rd Monthsary. At hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin kita. Hindi na nga ata magbabago yun. Hihi.."




Sasabihin sanang mahal ka pa ren pero ulan ay humina. Araw ay sumikat.




"Chris, I love you."





At kasabay nito'y nawala ka na sa aking pagdilat.




"Mar?"




Panaginip lang pala. Panaginip lang pala.




"M-Mar? Nasaan kaa? Mahal na m-mahal k-kitaaa.. Maaaar~.. hik.. M-Mar.."





Sa pagdilat ng mata, may hapdi na nadama. At nagising sa katotohanan na wala ka na.




"Argghh.. Panaginip lang palaaa.. Panaginip lang pala!!!"





Sa pagdilat ng mata, may hapdi na nadama.




"Nagising sa katotohanan na wala ka na~"


.

.

.

.

.

.

.

.

.

.



"Chris?"


...


"Hindi ko naman magagawang iwan ka. Mahal na mahal kita. Good Morning, Cubby. Happy 3rd Anniversary. Hihihihi~! Balita ko may paparating na ulan mamaya. Ligo tayo?"




THE END. hihi~!




~~~

Ang ikli ba? HAHAHAHA.. pag-iisipan ko pa kung gagawin kong novel. Comment if you agree..

Hope you listened to the song. Para mas maintindihan yung message or vibe or something. Basta ganun HAHHAHAHAHAHA.. Thank you, guys!

- MademoisEllehcar

A Tale of Chris and MarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon