Odette's P.O.V.
Naglalakad parin kami sa gitna ng kakahuyan at minaman-manan ang buong paligid.
Nagulat kaming lahat nang may bumato ng payong sa likuran at tinatarget nito sila Hanabi at Angela!
Bigla itong naging malaking bulaklak kasabay nito ay may sumigaw...
"SHOGYO MOGYO!!"
Napatingin kami at nakita namin sa Kagura, at siya lang mag-isa ang nakatayo. Nasaan ang mga kasama niya?
"Huwag kayong lalapit sakanya! Bait 'yan!"sigaw ni Guinevere.
"Hanabi, si Angela! Odette 'yung staff mo! Esmeralda ma-una ka lagi! Hanabi, Higanbana ha! Angela, ikaw na bahala sa may mga maliit hp!"sigaw niya ulit.
Naging alerto naman kami sa paligid.
Si Kagura nakatayo lang sa harapan namin.
Umatras kaming lahat at may tumalon nula sa malaking bush papunta samin--ang si Freya.
"Ambush!!"sigaw ni Hanabi.
Ginamit ko kaagad ang aking staff at pinalabas ko ang bilog na natutunan ko kahapon.
Na-stun naman si Freya at tinalunan agad siya ni Guinevere dahilan para hindi ulit siya makagalaw. Hinagisan naman siya ng dagger ni Hanabi.
At dahil sa mga atake namin namatay si Freya--pero siyempre hindi siya totally na namatay dahil pagkatapos ng battle namin na ito ay mabubuhay ulit si Freya.
1 down, 4 to go
Nagsilabasan naman silang lahat. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa aking staff at sa sword ko na bigay sakin ni Lance.
Tinignan ako ni Guinevere at alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin.
Winagayway ko ang staff ko at naglabas ito ng bilog papunta sa direksyon ng kabilang grupo, na-stun naman si Masha at hindi makagalaw.
Nagsimula na kaming mag-atake.
Si Angela parang may pinulupot siya na parang laso kay Estes na ngayon ay hine-heal ang kaniyang mga kasama.
Si Hanabi naman ay nakikipaglaban kay Miya. Si Guinevere naman kay Masha samantalang si Esmeralda naman ay tumakbo papalapit kay Angela para tulungan dahil inatake siya ni Kagura.
Nakita ko naman na parang alanganin ang sitwasyon ngayon ni Guinevere dahil ang tigas talaga ni Masha at magaling din siya sa pakikipaglaban, samantalang si Guin naman ay magaling din siya pero hindi kasing tigas ni Masha.
"GUIN!!"sigaw ni Angela. Gagamitin pa sana ni Angela ang ss niya ngunit huli na ang lahat... Napatay na ni Masha si Guin.
"Atras muna tayo!"rinig kong sigaw ni Esmeralda.
Dali-dali naman kaming tumakbo habang si Hanabi ay hinahanda ang kaniyang Higanbana. Hinagis na niya ito at nakita ko na parang may bulaklak na tumubo sa lupa at kinapitan ang kanilang paa dahilan para makatigil sila sa paghahabol samin.
Nang makalayo-layo na kami ay napa-upi naman kami sa gilid ng malaking puno.
"Pa'no na 'yan? Wala na si Guin?"nalulungkot na tanong ni Angela.
"Hindi tayo susuko."sabi naman ni Hanabi, may ilang daplis na rin siya ng palaso sa kaniyang katawan, na sa tingin ko ay galing kay Miya.
Nagulat kaming lahat nang may tumamang palaso sa tiyan ni Hanabi dahilan para mapaubo siya ng dugo.
"Shit!"mura niya.
"Hanabi!"nakita ko naman na unti-unting lumiliit ang hp ni Hanabi dahilan para gamitan siya ni Angela ng ss, ngunit pansamantala lamang iyon.
YOU ARE READING
ODETTE
FantasyShe is Odette Regina the top #1 biktima ng mga bully sa school nila. Kaya ang kanyang lolo at lola na ilipat ng bagong school si Odette. Pero may matutuklasan siya na sekreto. Because she is powerful beyond powerful. The strongest among strongest. T...