Chapter 3

1.3K 62 3
                                    


Reversed


"How was the training? Hindi ka ba pinapahirapan ng apo ko?"

Kendra almost rolled her eyeballs. Hindi ba dapat siya ang kumustahin ng matanda? Bakit nauna pa nitong alalahanin si Kiel? Sino ba talaga ang apo? Gusto na niyang magselos!

"She's doing fine, Doña Xandra. Mabilis pong matuto si Kend--señorita. Gustong-gusto din po siya ng mga tauhan."

Lihim siyang napangiti. Muntik na itong madulas sa pangalan niya. Kapag kaharap ang ibang tao ay señorita pa rin tawag nito pero kapag silang dalawa nalang ay first name basis.

"It's good to see your doing good, apo. Sabi ko na nga ba't makakapag-adjust ka rin sa plantation. But I'm hoping na bawas-bawasan mo sana ang kaartehan. Balita ko nagpatayo ka pa ng malaking kubong pahingahan sa rice field."

"Lola Xands, it's not only for me. I decided na magpatayo ng kubo for the trabahadors. You see, I noticed the only shed they have is not enough to accomodate all of them. I get it that some are umuuwi for lunch and meryenda but how about those who stayed and choosed to eat their instead? Kawawa naman po sila sa ilalim na ng puno kumakain kasi di kasya. Especially workers like Mang Ambo, whose in his late sixties. The heat is too much for them. I don't want something bad happen to them."

Sa peripheral vision nahuli ni Kendra ang lihim na pagngiti ni Kenito. She felt proud of herself. Pakiramdam niya may nagawa siyang tama dahil sa ngiting iyon.

"Hmm, I didn't noticed that. They seem okay naman each time I visit the rice field. But it's good that you're already taking initiative. I like what I'm seeing, hija. Ipagpatuloy mo iyan."

Knowing that her lola is proud of her made Kendra happy. Pakiramdam niya nagkapurpose siya sa buhay. At the same time, ito yata ang unang pagkakataon napuri siya ng lola pagdating sa hacienda.

"Yes po, lola."

-

"Señorita! Halika kayo dito!"

"K-Kiel, what's the meaning of this?" tanong niya nang makita ang grupo ng trabahador na kumakaway sa kanila. Nangunguna si Mang Ambo na siyang lider sa palayan na nakangiti at labas ang bungi-bunging ngipin.

Ngumiti din si Kiel. "Pasasalamat nila sa'yo. Halika na?" Inilahad nito ang kamay. Inabot niya ang kamay nito at nagpaalalay. Iyon pa ang isang gusto niya kay Kiel gentleman ito.

Tuwang-tuwa ang trabahador sa kanyang pinatayong kubo. Katunayan bilang pasasalamat niyaya pa siyang mananghalian doon. Nakakatuwang isipin na-appreciate nila ang ganoon kaliit na bagay.

"Huwag po kayong mag-alala, nagpaalam po kami sa doña sa salo-salong ito. Talagang nagpakatay pa po kami ng kambing at manok para ss inyo, señorita."

K-Kambing?

"Naku, wala po iyon. I'm glad to be of help."Ngumiti siya sa kanila. Siguro'y may aabot sa limampu ang trabahador doon, iyon iba ay naiintindihan niyang sadyang umuuwi sa bahay upang mananghali.

"Halina't kumain tayo! Ikaw din Kiel!"

"Magandang tanghali po, señorita!"

Maniego Series: Love Will Lead You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon