Chapter 28

2.4K 105 21
                                    

"Señorita, pinapatawag po kayo ni Doña Xandra."

Kagigising lang ni Kendra ngunit iyon kaagad ang bumungad sa kanya. Wala siyang nagawa kundi magtungo sa banyo, mag-toothbrush, maghilamos at magsuklay ng buhok. Hindi na siya nag-abalang magpalit ng matinong damit. Bakit pa siya mag-aabalang magbihis kagaya ng nakagawian kung papagalitan lang siya ng matanda?

"Good morning, Lola Xands."She kissed her wrinkly cheeks.

"Morning. Kumain na tayo."

She shrugged her shoulder.

Hindi pa rin nagbabago ang matanda sa pagiging istrikta. In fact, mula nang bumalik siya sa hacienda lalo yatang sumungit ito lalo't hindi siya nagtagumpay sa kanyang plano. Pinilit ni Kendra iwaksi ang lahat ng unti-unting bumalik ang nangyari noong huli silang magkita ni Kiel.

Hindi na ito dapat iniisip pa.

Sumalo siya sa hapag, nasa kalagitnaan na sila ng umagahan ng muling magtaas ng ulo ang matanda at magsalita.

"Napag-isipan mo na ba?"

Muntik ng mailuwa ni Kendra ang kinakain.

"Lola, I'm not marrying Pekto. Wala ka na bang ibang solution bukod diyan?"

"Then, bring him here."

By him, it means...

Bumuga siya ng hangin. Lalo siyang nawawalan ng gana sa topic. Pinahid niya ng tissue ang bibig at ibinaba ang kubyertos. Buong pagpapasensiyang tinitigan ang abuela na nag-uulyanin yata.

"Hija, whatever happened between you and Kiel? Ang buong akala ko mahihikayat mo siyang patulungin dito? Ni hindi mo sinasabi sa akin ang dahilan kung bakit hindi siya nakumbinse?"

"Lola..."

Ilang beses ba niyang sasabihin dito hindi nga-work-out ang pangungumbinseng ginawa niya kay Kiel kaya umuwi siyang hindi ito kasama? Hanggang ngayon kumukulo pa rin ang dugo niya sa lalaki. Ang kapal ng mukha nitong balakin siyang kasangkapan upang makuha ang mana! He even tried to lured and seduced her by almost making love with her! Damn, alam na alam talaga nito ang kahinaan niya.

Dadaanin siya sa pang-aakit para mapapayag siyang magpakasal, para makuha ang mana at hindi dahil sa pag-ibig. Kinumpirma lamang ng proposal nito ang totoong pakay sa pakikipaglapit sa kanya. Masakit yun sa kanya bilang babae dahil mahal niya ito at handa siyang iwanan lahat para dito.

"Lola, nag-usap na kami ni Kiel at hindi ko siya napahinuhod bumalik sa atin. Anong magagawa ko kung ayaw niya? I can't just use force to bring him here."

"Did you do everything to pursuade, Ezekiel?"

"O-Of course..."

Muntik nang mapa-face palm si Kendra nang maalala ang mga sandaling nagsasalo sila sa init ni Kiel. Kung iyon pagbabasehan, sobra-sobra pa sa pangungumbinse ang pinagaggawa niya. Hindi man nito naangkin ng tuluyan ang kanyang katawan, ginising naman ng binata ang natutulog na init at pagnanasa sa kanya.

"Are you sure? Baka naman nagliwaliw ka lng sa resort na tinutuluyan mo at ni hindi kinausap si Kiel."

Aalma sana si Kensra nang maantala sila ng dumating.

"Excuse me po, Donya Xandra." Pasintabi ni Emilia. Ito ang pumalit kay Elsa na ngayon ay sekretarya niya sa pamamahala ng hacienda. "May naghahanap po sa inyo."

"And who could it be?"

"Ezekiel Monfort daw po. Papatuluyin ko po ba?"

Nagliwanag ang mukha ng matanda at kulang mapapalakpak pa. Si Kendra naman ay halos mapatalon sa gulat sa hindi pagkapaniwala.

Maniego Series: Love Will Lead You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon