Chapter 1

100 4 4
                                    


Masayang masaya si Gabriel ngayon dahil ipinasyal siya ng kanyang nanay sa isang mall.

"Mama, pwede po ba tayong kumain doon?" ,tanong niya sabay turo sa Jollibee.

"Oo naman anak. Pupunta tayo doon. Pero sa ngayon, sasamahan mo muna ako para bumili ng cake mo. Okay ba iyon?"

Sumilay ang kanyang ngiti pagkasabi ng nanay niya dahil bibilhan siya ng cake nito. Ngayon ang kaarawan niya at napaka espesyal ng araw na ito dahil nakasama niya ang nanay niya.

"Yeheyyy!! Bibilhan ako ni mama ng cake!", pumapalakpak pa siya kaya natawa ang nanay niya at ginusot ang kanyang buhok.

"Naku ikaw talagang bata ka. Ang kyut-kyut mo talaga. Kaya mahal na mahal ka ni mama eh", sabi ng nanay niya saka siya hinawakan sa kamay at pumunta sila sa second floor ng mall kung saan naroroon ang mga cake.

Pagkatapos nilang makabili ay dumiretso na sila sa Jollibee. Pinaupo muna siya ng kanyang nanay saka nag order na ito ng makakain nila.

"Gabriel, anak, dito ka muna ha? mag oorder muna ako. Huwag kang malikot, okay?", tumango naman siya bilang tugon rito.

Gaya ng sabi ng nanay niya ay hindi siya umalis sa kanyang kinauupuan. Nakatingin lamang siya sa labas ng glass wall kung saan nakikita niya ang mga taong naglalakad, namimili ng mga damit at kumakain sa ibang food stall. Tila nasiyahan siya sa kanyang nasaksihan ngayon hanggang sa hindi niya namalayan na may nakatitig pala sa kanya. Isang lalaki na nakapang business attire ang suot at sa tantiya niya ay nasa trenta pa ang edad nito. Hindi niya alam kung siya ang tinitingnan nito o iyong taong nasa likod niya kaya luminga linga siya sa paligid para hindi siya mailang dito.

"Gabriel, ikaw na ba iyan?", nagulat na lang siya dahil tinawag siya nito.

Paano niya nalaman ang pangalan ko?
Papalapit na sana ang lalaki sa kanya nang dumating ang nanay niya at mabilis hinawakan ang kanyang kamay at dali-daling lumabas sa mall. Naguguluhan siya sa nangyari. Bakit bigla na lang silang umalis ng nanay niya?

"Mama, sino po ba iyon? At saka bakit niya ako kilala?", hindi na siya makapagpigil pang tanungin ito.

"Anak, huwag ka ng magtanong pa. Bilisan na lang natin ang paglalakad para hindi na niya tayo makita pa."

Kaya binilisan na lang nila ang paglalakad at nang tumawid na sila ay hindi nila namalayan na may sasakyang mabilis tumakbo papunta sa kanila kaya nagulat na lang sila at

Bogsshhhhh

"Mamaaaaaaa".

Napabalikwas ng bangon si Gabriel dahil iyon na naman ang napaginipan niya. Ilang taon na ang nakalipas ngunit sariwa pa rin sa kanya ang mga pangyayari noong mismong kaarawan niya. Kaya sa tuwing dadating ang kaarawan niya ay pupunta muna siya sa sementeryo para dalawin ang kanyang namayapang ina saka siya pupunta sa simbahan para magsimba.

Bumangon na siya para makapagluto ng kanyang agahan. Simula nung mawala ang kanyang nanay ay siya na lang mag-isa ang nanirahan sa kanilang bahay. Wala siyang kinikilalang ama dahil ang sabi ng kanyang ina ay lumayas daw ito nang malamang siya ang bunga ng kanilang pagsasama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung nasaan na ito.

Pagkatapos niyang magluto ay naligo na agad siya at nagbihis para makapunta agad siya sa bar na kanyang tinatrabahuan ngayon.

------------------------------

"Pssssstt. Ganda. Pakiss naman oh!"

Iyan ang palaging naririnig niya sa tuwing lalabas siya mula sa kanilang tarangkahan. Puro tambay ang kanyang mga kapitbahay na walang magawa sa buhay kaya pati siya ay pinagtitripan nito.

Kaya siya tinatawag na ganda dahil sa kanyang mukha at katawan. Alam naman niya sa sariling lalaki siya pero hindi iyon makikita sa katawan niya. Maputi at makinis ang balat niya, maliit rin ang braso at bewang niya na kahit nagbubuhat siya ng mga mabibigat na bagay ay hindi pa rin nagbabago ang katawan niya. Dinagdagan pa ang kanyang mukha na parang isang babae kung tingnan. Androgynous kumbaga. Kaya bago pa mag-init ang kanyang ulo ay iniiwasan na lang niya ang mga ito at ipinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa makarating siya sa naturang bar.

Pagkadating niya ay agad bumungad sa kanya ang manager na si Mariela. Nakangiti ito habang tinitingnan siya.

"Good morning early bird", hirit nito sa kanya.

"Magandang araw din Sir Mariela", ganti niyang hirit din rito sabay ngiti.

"Hayy naku. Ikaw ha. Nakakainis ka na. Ilang beses ko na sa iyong sinasabi na MS. MARIELA ang itawag mo sa akin hindi MR. MARIELA", himutok nito pero hindi naman galit.

"Pasensiya na po MISS MARIELA. Okay na ba?"

"Ewan ko sayo", talikod nito sabay punta sa table.

Natawa na lang siya sa tinuran nito. Pumunta na rin siya sa locker room ng kanilang bar para magbihis ng kanyang uniform.

Sa bar siya nagtatrabaho buong araw. Nagtatrabaho rin siya dito kapag gabi bilang isang vocalist ng isang banda. Ito ang kanyang pinagkukunan ng allowance araw-araw para mabuhay. Mas makakalikom siya ng maraming pera lalo na ngayon kapag bakasyon dahil wala siyang pasok sa paaralan. Ang babayarin na lang sa kuryente at tubig ang kanyang problema kapag ngayong panahon.

Patuloy lang siyang nagtatrabaho ngayon hanggang sa di niya namalayan na alas singko na pala ng hapon. Oras na ng kanyang time out. Sa halip na umuwi siya ng bahay para makapaghanda para mamaya ay nagtambay na lang siya sa loob ng bar habang kumakain ng hapunan.

Alas otso ng gabi magsisimula ang banda. Kaya ngayon ay nakahanda na si Gabriel pati ang mga kasama niya para mamaya.

------------------------------

Nasa backstage na silang lahat nang tawagin ang kanilang banda.

"Ngayong gabi ay matutunghayan na naman natin ang bandang The Shipper, isang masigabong palakpakan naman diyan", sigaw ng emcee.

Kaya mula rito ay lumabas na sila at nagpakilala isa isa. Pagkatapos ay tinugtog nila ang isang awitin na talaga namang sikat na ngayon.

Ako'y sayo , ikaw ay akin
Ganda mo sa paningin
Ako ngayo'y nag-iisa
Sana ay tabihan na.

Kada kanta niya'y tumitingin siya sa mga tao para makita ang mga reaksiyon nito kung nagustuhan ng mga ito ang kinanta niya. Base sa mga mukha nito ay nasisiyahan naman ito. Kaya ipinagpatuloy niya ang pagkanta.

Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan
Pakinggan mo ang aking sigaw
Sa dilaw na buwan.

Muli siyang lumingon sa audience ngunit sa di inaasahan ay nahagip ng kanyang mata ang isang bulto na malapit sa pintuan ng bar. Hindi niya alam kung siya ang tinitingnan nito o iyong kasamang babae na nasa likuran niya na tumutugtog ng gitara kaya nagkibit balikat na lang siya at itinuon ang atensiyon sa pagkanta.

Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan
Pakinggan mo ang aking sigaw
Sa dilaw na buwan.

Sa wakas ay natapos na niya ang kanta. Kanina pa niya gustong bumalik sa stage dahil naiilang siya sa mga titig na ipinukol ng lalaki kanina pa. Ngayon ay nakakasiguro si Gabriel na siya ang tinitingnan nito dahil pagkababa niya sa stage ay nakatuon pa rin ang mga mata nito sa kanya.

-----------------------------

Nakahiga na ngayon si Gabriel habang nakatutok ang mga mata sa kisame. Hindi niya magawang makatulog dahil iyong lalaki ang laman ng kanyang isipan. Kaya kahit napipilitan ay ipinikit na lang niya ang mga mata para maaga siyang makapunta sa trabaho bukas.

To be continued...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hindi Tayo Pwede (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon