Prologue

102 2 0
                                    

December 25, 2019

Araw ng pasko. Ang lahat ay masayang masaya dahil ngayon ipinagdiriwang ang kaarawan ng mahal na Panginoon. Makikita mo sa bawat bahay na masayang nagkakasama ang buong pamilya at pinagsasaluhan ang mga masasarap na pagkaing nakahain. Nakakatuwa rin pagmasdan ang mga batang nangangaroling sa tapat ng bahay na madadaanan nila.

Merry Christmas.

Iyan ang palaging naririnig ni Paul sa tuwing dadaan siya sa kanilang tarangkahan. Kapag naririnig niya ang katagang iyon ay hindi niya maiwasang mapaluha. Sa halip na maging masaya siya sa araw na ito ay kabaliktaran ang nararamdaman niya.

"Merry Christmas anak." sambit ng kanyang ama na ngayon ay nasa likuran niya.

"Merry Christmas din dad." pilit ngiti niyang sagot rito.

"Oh, halika na sa loob. Kakain na tayo."

"Go ahead dad. Susunod din ako."

Pagkasabi niyang iyon ay pumasok na agad ang papa niya at naiwan siya sa labas ng kanilang tarangkahan.

Malamig ang simoy ng hangin ngayon na nanunuot sa kanyang katawan kahit na makapal na damit ang kanyang suot. Mas lalong lumukob ang lungkot na kanyang nadarama.

Merry Christmas Gab. Sana ay masaya ka na ngayon. Huwag mong kalilimutan na nandito ka pa rin sa puso't isipan ko. Mahal na mahal kita. Sambit niya na nakatingin sa mga bituing nagniningning na kaysarap pagmasdan habang bumabalik sa isipan niya ang mga alaalang nabuo niya kasama si Gabriel.

To be continued...

Hindi Tayo Pwede (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon