Habang nasa biyahe pauwi Ng probinsya ay ayaw antokin ni Mona. Lagi siyang nakatitig sa mga magagandang tanawin na makikita niya sa paligid. Habang nakikinig sa paborito niyang instrumental music sa kanyag mp4. Sa katabi niya ay nakasandal ang ulo ni Milagreng sa kanyang balikat. Subrang hilig nitong matulog. Dati kapag gusto niyang mamasyal at kasama niya Ito magdadala Ito Ng maliit na shole para gawin nitong higaan. Habang siya ay gumuguhit Ng anime characters. Gigisingin na lamang niya Ito kapag nagutom na aiya. Matutulog ulit Ito at gigisingin ulit niya Ito kapag pauwi na sila.
"Andito na tayo Mila". nakangiting pukaw ni Mona sa kaibigan.
"Hmm?... Ay naku po sorry po nakaidlip yata ako." Nahihiyang nagpahid na laway niya si Mila.
"Hehehe ayos Lang yon Mila. Sige na baba na tayo." nakangiting Sabi ni Mona.
"Sige!"
Sumakay sila Ng motorsiklo na maghahatid sa kanila sa mismong Baranggay na tinitirhan nina Mila.
"Alam mo Mila ang ganda pala dito sa probinsya ano? Ang daming magagandang tanawin gaya Ng plaza, mga bukid at pati Yong mga falls." excited niyang Sabi.
"Naku unang beses niyo pa nga mapunta dito ay nawili na ata kayo eh."
"Oo sobrang nagustuhan ko ang mga nakita ko kanina."
"Pero Alam mo mas maganda ata sa Amin. May falls, spring, beaches at mga pangpang. Magugustuhan mo don promise." excited na ring sabi ni Mila.
"Siyempre Naman Mila."
Natuon ang paningin niya sa mga beach na nakikita niya sa kabilang kalsada.
Tuwang tuwa si Mona sa mga nakikita.
"Manong dito na Lang po kami." tugon ni Mila sa driver.
Nagbayad na si Mona Ng kanilang pamasahe.
"Heto po manong."
"Salamat magandang binibini."
"Walang anuman po manong."
Pagkababa pa lang nina Mila at Mona ay ang dami ng taong nakikiusyuso sa kanilang pagdating.
"Mila Sino ba yang kasama mo at ang gandang Bata. Siguradong pipilahan ng mga binata yan sa pasayaw sa piesta." Masayang Sabi Ng kapit bahay Nina Mila na so Aling Rosa.
"Kaibigan ko po aling Rosa. Saka grabe naman po kayo maganda din Naman ako ah." Himutok na sagot ni Mila.
"Oo maganda ka rin Naman pero mas maganda pa rin ang kasama mo." Sagot ni aling Rosa.
"Hmm.. kayo talaga mga traydor." Muling Saad ni Mila.
"Tara na nga Mona. Huwag niyo na silang patulan. Ikaw naman ang pinakamaganda Kong kaibigan eh." Nakangiting Sabi ni Mona.
"Binobola mo ata ako eh." Himutok ni Mila.
"Hindi ah totoo ang sinasabi ko no."
"Hmm sige na nga kung hindi ka Lang maganda eh."
Natawa na lamang siya sa kanyang kaibigan.
"Nay.... Nay... Nay!..." Masayang tawag ni Mila sa kanyang Ina.
"Lagreng?... Lagreng ikaw nga. Oh bat nauwi ka? Wala ka Ng trabaho?" Gulat na naitanong Ng Ina niya sa kanya.
"Mali po nay. Wala na po sa America dito na po ako sa atin. Mag aaral na po ako kasama po ang amo ko." Masayang Saad niya sa kanyang Ina.
"Talaga anak?" Natutuwa ring Saad Ng kanyang ama na nouy nagpapahinga sa kanilang kuwarto.
Lumabas Ito at lumapit sa kanila.
"Mano po tay. Opo Tay, nay sumama po dito ang amo ko at dito na sa probinsya gustong mag aral. Ako po ang naatasang mag alaga sa kanya habang nang aaral kaming dalawa." Masayang balita ni Mila sa kaniyang mga magulang.
"Totoo ba Yan Mila huh? Baka mapano yang amo mo tayo ang managot." Pagtatakang tugon Ng kanyang ama.
" Tika nasan na ang amo mo?"
"Nasa baba pa po."
"Ano?... Bakit mo iniwan? Paakyatin mo dito.."
"Opo".
Nagmamadaling bumaba so Mila para sunduin so Mona at dalhin ang kanilang mga bagahe."Ako na diyan sa Isa Mila."
"Huwag na ikaw talaga. Sige na umakyat ka na sa bahay."
"Naku ang gandang dalaga. Haleka ma'am pasok po kayo sa loob."
"Opo... Salamat po." Nagmano siya sa mga matatanda Ng makalapit sa kanila."Nay huwag po kayong masyadong maingay."
"Huh?... Bakit?"
"Ayaw po kasi ni ma'am..."
"Inay gusto ko po sanang itago niyo ang totoo Kong pagkatao. Ayaw ko pong malaman Ng iba na maharlika po ang pamilya ko. Kaya nakikiusap po ako na hindi po Sana nila malalaman ang tungkol po sa akin." Pakiusap no Mona sa mga magulang ni Mila.
"Ano ang pwede nating gawin?"
"Ipakilala niyo po ako bilang kamag anak niyo. Huwag niyo rin po akong pagsilbihan na parang amo. Hayaan niyo po sana akong makatulong po dito sa Inyo."
"Labag man po sa kalooban namin ma'am este Mona pero makakaasa po kayong susubukan po namin na maitago po ang inyong pagkatao." Tugon Ng Ina ni Mila.
"Maraming salamat po inay itay."
YOU ARE READING
Missing You
RomanceSimple Lang si Mona. Hindi mo makikita sa hitsura niya ang pagiging matalino mayaman at sosyal. May malaking business ang kanyang pamilya sa America. Kung tutuusin Kaya niyang mabuhay ala prinsesa dahil sa yaman Ng kaniyang magulang. Subalit dahil a...