IFFY - Chapter 3

35 0 0
                                    

Aaron's POV

Nang makarating na ako sa bahay ko agad ko namang nakita si Apple na nag-aabang sa pinto.

Apple: "Kuya!!" Sigaw nya.

Aaron: "Aps!" Niyakap ko sya at patalon talon pa.

Apple: "Aray! Aray! Kuya naman alam mong ang liit-liit ko tapos tatalon ka pa." Reklamo nya.

Aaron: "Sorry Aps nadala lang sa sobrang saya."

Apple: "Ano kuya mag-kwento ka na. Saan mo sya nakita?? Paano??"

Aaron: "Pumasok muna tayo. Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

Apple: "Hindi pa" Sagot nya.

Aaron: "Tara kumain muna tayo saka ko iku-kwento ang lahat"

Pumunta kami sa kusina at nagluto pagkatapos ay nagkwento na ako.

-----

Apple: "Nakilala ka ba nya?"

Aaron: "Yun nga ang problema eh.. Hindi nya ako namukaan"

Apple: "So ano na ang plano mo kuya??"

Aarom: "Babantayan ko muna sya, at susundan.. Aalamin ko na rin kung ano ang nangyari sa kanya netong mga taong nagkahiwalay kami.."

Apple: "Tapos??"

Aaron: "Ewan ko pa.. Hindi ko pa alam kung ano ang susunod kong gagawin basta babantayan ko sya."

Apple: "*tsk tsk tsk* First love never dies talaga.." Biro nya.

Aaron: "Hahaha dami mo alam"

Apple: "Basta kuya kwentuhan mo ako ulit ah.. Uuwi na ako baka hanapin ako nila mommy, alam mo naman sila mawala lang ako saglit natataranta na"

Aaron: "O sige basta wag mo munang sabihin kay daddy ha."

Apple: "Owkies"

Hinatid ko si Apple sa labas at naghintay hanggang sa nakaalis na sya.

-----

Nang matapos na akong maligo nagpatuyo muna ako ng buhok at humarap sa salamin. Bigla naman akong napangiti dahil naalala ko nanaman sya.. Hindi pa rin sya nagbabago, masungit pa rin sya at mas gumanda din.

Humiga na ako sa kama at ipinikit ang mata.

"Magkikita ulit tayo bukas Mhie~"

Bulong ko at nakatulog na na may ngiti sa mga labi.

-----

Nagising ako ng 5:30am, masyado ata akong excited na makita sya. Bumangon na ako at nagluto ng makakain ko at naligo. (Oh diba laging mabango..)

7:15am na ako umalis ng bahay.. 8:15am na ako nakarating sa village na kung saan nakatira si Mhie. Nag-park ako malapit sa bahay nila Mhie at bumaba, nag lakad-lakad muna habang hinintay syang lumabas ng bahay.

Nagtataka ba kayo kung bakit ako nakakapasok sa Village na to? Kasi may kilala ako dito actually lagi akong nandito ewan ko ba kung bakit di ko sya nakikita siguro sa laki ng village na ito, anyway yung favorite uncle ko dito nakatira kapag may kailangan ako sa kanya ako lumalapit.

After 15 minutes nakita kong lumabas na si Mhie ng bahay. Pumasok muna ako saglit sa kotse para kunin ang shades ko (sempre dagdag pogi points), kinuha ang wallet at cellphone ko at sinundan na sya..

Nasa likod nya lang ako hindi man lang nya ako napapansin tuloy-tuloy pa din sya sa paglakad.

Mikka: "Sana hindi malas itong araw na to sa akin"

I Finally Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon