One

30 1 0
                                    


"Saan ang lakad mo ngayon?" napahawak pa 'ko sa dibdib ko sa saglit na pagkagulat kay Mommy. Bigla bigla ba naman susulpot sa gilid ko.

"My, next time nga po dahan dahan ka. Nagugulat po 'ko, eh"

Kumuha 'ko ng hinanda nyang sandwich at kinagat na 'yon. Sabado ngayon kaya walang pasok si Mommy. Sya ang naghahanda ng breakfast 'pag wala syang pasok.

"Ako nga dapat ang magugulat dahil wala ka namang pasok pero nakabihis ka," iniscan pa nya ang itsura ko bago bigyan ng juice.

I smiled. "Nasabi ko na sayo 'to, My. Nung nakaraan, may meeting po kami sa club diba?"

"Ah, ngayon ba 'yon? Akala ko next week pa. Papasama sana 'ko sayo sa mall," kinuha nya ang cellphone nya at saglit na nagtext. "Si Des lang isasama ko. 'Di ka pala pwede."

"Daan na lang ako My kapag maaga kami natapos. May papabili rin po 'ko, eh." Malambing na sabi ko. Hindi naman ako maluho pero kailangan namin sa club ang bibilhin ko kaya konting lambing lang kay Mommy.

"Sige, gisingin ko lang kapatid mo."

Si Des. Mas bata sakin ng pitong taon.

Inubos ko na ang dalawang sandwich bago ako magtext sa mga blockmates ko, tinext ko na rin sina Ayu at Riri na pupunta akong school. Nagbabakasaling nandoon din silang dalawa.

Ang alam ko, may practice sina Yohan. Alam kong manunuod si Ayu dahil bestfriend nya 'yon, eh. Si Ri naman baka nandun na rin dahil may aasikasuhin daw sya. Hindi ko alam kung ano.

"Ate, hindi ka raw makakasama sabi ni Mommy? Daya mo." nakasimangot na sabi ni Des pagkababa nya sa hagdan. Nakita ko namang nakasunod si Mommy na nakatingin sakin at iiling-iling.

"Des, may club meeting kami ngayon. Kayo muna ni Mommy ha," lumapit ako para hawakan ang buhok nyang magulo pa. Nakasimangot pa rin.

"Mas importante ba 'yan kesa kay Mommy?" nakasimangot na sabi nya.

"Susunod naman si Ate do'n, Des" lumapit na samin si Mommy pero nakasimangot pa rin 'tong kapatid ko.

Ang cute ng pout.

"Syempre mas importante kayo ni Mommy sakin," nakangiting sabi ko at niyakap sya. "Pero importante rin 'yon. Susunod naman ako, eh"

"Okay po. Sunod ka, ate ha" tsaka nya ulit ako niyakap. 13 na sya pero baby pa rin namin sya ni Mommy.

Napatawa ako dahil inasar pa sya ni Mommy na mabaho pa at mahiya naman daw sakin na bagong ligo.

"Alis na ako, My. Text na lang po kita mamaya"

Nagbilin lang sya sakin na mag-ingat at kapag lunch na at wala pa ako sa mall sa school na lang ako kumain.

Single parent lang si Mommy. Iniwan kami ni Daddy nung pinagbubuntis palang nya si Des. Hindi ko na alam kung nasaan sya, at wala na rin akong pake dahil sapat na si Mommy samin. Nagttrabaho sya sa company ni Lolo bilang head ng finance. Simula kasi noong maging asawa nya si Daddy tutol na sila Lolo do'n. Pero nung pinanganak ako, naging okay naman sila. Ewan ko bakit umalis sya.

"Den" napatigil ako sa paglalakad papunta sa gate ng university ng marinig sina Hailey, with her alipores.

I fake a smile.

"Nandito ka rin para sa club?"

Obvious ba?

"Oo. May meeting, eh" pigil ang mata ko sa pag-irap. Na kahit kanina ko pa gustong gawin 'yon.

"Ah, pinagpplanuhan nyo ba kung paano matatalo ang club namin?" nakangising sabi nya.

Ayoko na sana syang patulan dahil umagang-umaga at ayokong mabadtrip agad. Kaya naman ngumiti lang ako kahit na gustong gusto ko na syang sakalin.

Undefined: Denise (Moonlight Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon