Prologue

2 0 0
                                    

Bwisit na bwisit akong umupo couch habang nakasuot ng high waisted denim shorts at white t-shirt na nakatuck in pa sa denim short ko. At may hawak na pouch.

"Saan ka pupunta? Sa beer house?" Tanong ni Kuya John saakin.

Ang aking napaka striktong kuya.

Ngumuso ako at inis siyang inirapan.

"Sa date namin ni Leo." Sagot ko.

"Oh date naman pala ba't ganyan?"

"Ihhhh..." Nagpapadyak ako sa sahig. "Uso 'to ngayon kuya. Saka ano bang problema kuya? 18 naman na ako eh."

Bago pa makapagsalita si kuya dumating si mama. I'm safe!

Palihim akong ngumisi the moment na lumapit si mama kay kuya. Mas lalo tuloy sumama ang tingin saakin ni kuya.

"Ano na namang problema niyong dalawa?"

"Ma itong si kuya kasi ayaw akong isuot ito." Tinuro ko ang suot ko't ngumuso para kunwaring tampong-tampo ako.

"John, 18 na si Juliana. Hayaan mo na." Mahinghing sabi ni mama.

Tinirik ni kuya ang mata niya. Ito na ang sign na talo na siya.

"Tss." Magwa-walk out na sana si kuya nung dumating naman si Leo. Ngumisi saakin si kuya at binati si Leo.

"Leo my friend." Lumapit si kuya kay Leo and told him our current issue.

"Mama..." Sumbong ko. Tumawa lamang si mama saakin at nagkibit balikat.

"Bahala ka na jaan." Sabi niya at pumasok sa kusina.

I watch as Leo looked at me habang si kuya ay sinasabi na yung tungkol sa suot ko.

This is the reason why my brother likes Leo. They have the same way of seeing girls outfit like this.

Sigurado akong pagpapalitin ako ni Leo. At sigurado akong hindi ako makakhindi sa kanya.

Leo has been my boyfriend since 16. Yes, since 16. Nakailang pingot ako mula kay papa nuon at ilang sermon kay mama para payagan kami. Para hindi kami paghiwalayin. The moment my parents knew about us, nagpunta agad si Leo sa bahay para magpakilala.

Nagustuhan naman agad siya ni papa kasi napakagalang daw niya. Saka hindi gaanon kadali pinagdaanan ni Leo kay papa nuon. Kahit may tubig kami, pinagigib niya si Leo, panay utos siya kay Leo kada dalaw ni Leo dito sa bahay, but Leo doesn't mind. Ok lang daw naman kasi hindi naman mahirap yung pinapagawa. Si kuya nama'y tuwang tuwa sa kanya dahil madami siyang alam tungkol sa anime at mangas at kung ano-anong hindi ko alam.

At first I thought having boyfriend was always, you know, just pure happiness, not until I met Leo. Siya lang ang boyfriend kong inamin ko kila mama kaya special siya. Sa kanya ako natuto na hindi lang saya kapag nasa relasyon. Na nag-aaway at hindi din nagkakaintindihan. The first three times we fought I thought of ending it. Like, I thought, pangit na kasi nga nag-aaway na kami. Ayoko na but when I broke up with him, hinabol niya ako. Like araw-araw nasa labas ng gate ng school namin dahil mas matanda siya ng isang taon saakin, hindi kami parehas ng grade, magkaiba din ang building namin, inaantay ako sa labas ng gate. He proved that he deserve second chance so I gave second chance.

Duon na nagtagal, kada away namin sinisigurado niyang nag-aayos kami bago pa man kami matulog, tinatawagan niya ako, kapag hindi ako sumasagot ay nagte-text siya na wag akong sumuko sa kanya, this is the reality of having a relationship so we both should grow and learn from each other.

Hindi ako totoyoin tas aawayin siya. Hindi kami ganon. Nag-aaway kami sa way ng pananamit ko, masyado daw revealing, mga ganon at mga selos selos din and stuffs.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He who Loves MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon