04

93 33 25
                                    

"Saan pwedi tumira? Sigurado akong mamaya ay nasa labas na ng bahay ang mga gamit ko!" Sigaw ko sa loob ng classroom kaya nagsitawanan ang mga kaklase ko.

"Tara sa motel." Natatawang sagot sa akin ng kaibigan kong si Zia kaya agad kong dinampot ang libro ko saka sa kaniya binato pero nakaiwas siya kaagad. Bwesit! Sayang.

Kuhaan kasi namin ngayon ng card kaya sigurado akong mamayang pag uwi ko ay mapapalayas ako. Bawi nalang ako sa second grading, kahit alam ko naman na malabong makabawi ako pfft.

"Saan pwedi makitira? Letse!" Nakanguso kong dagdag saka padabog na umupo sa upuan ko. Malalagot talaga ako nito kay Mama.

Agad nagliwanag ang paningin ko nang makita kong pumasok ang crush kong si Noah saka ito umupo sa upuan niya na nasa pinaka unahan. Siya ang top 1 ng klase kaya walang problima 'yan.

"Oyy Noah!" Tawag ko sa kaniya kaya naghiyawan naman ang mga kaklse namin dahil alam nilang crush ko si Noah at matagal na.

"Ano?" Tipid nitong sagot kaya kinilig naman ang pwet ko tangina.

"Pweding makitira sa inyo?" Tanong ko.

"Yieee tangina nyo walang poreber"
"Sana all ang tawag jan AHAHA"
"Naks Aella! Idol na kita"
"Pahingi ng lakas ng loob"

Natatawang napatingin ako sa mga kaklase ko pero agad din itong nawala nang makitang tumalikod si Noah at 'di sinagot ang tanong ko. Pahiya ako doon tangina.

"Mga inutel uwian na raw sabi ni Ma'am Rosales! Uwi na tayo para makahanap tayo ng matutuloyan." Biglang sulpot ng President ng room kaya naghiyawan ulit ang lahat.

Niligpit ko na ang gamit ko saka ako lumabas ng room. Tanginang araw 'to, kabadtrip. Mapapalayas na nga ako tapos napahiya pa ako dahil kay Noah.

Papalabas na sana ako ng gate nang may humawak ng balikat ko, sisigaw pa sana ako pero nang makita ko na si Noah pala ang humawak sa balikat ko ay napatigil ako.

"Ano? Ipapahiya mo naman ako? Tangina bitawan mo nga ako uuwi na ako." Inis kong sambit pero wala pa rin siyang reaksyon.

"Tara na, uwi na tayo sa bahay pero bago 'yan kunin muna natin ang gamit mo. Naghihintay na mga anak natin." saka siya naunang maglakad.

Tanginaaaaa kung alam ko lang naman na sa ganitong paraan lang ako mapapansin ni crush, sana binagsak ko na lahat ng subject ko noong nakaraang school year.

Mamaaaaaa asaan na ang maleta ko? Uuwi na ako sa bahay namin ng asawa koooo.

NINETEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon