NO TOO PERFECT CINDERELLA STORY
My parents named me Ella and according to my mom, she named me Ella because before she was going on labor, she finished watching the famous Disney movie entitled Cinderella. Sadly, after 7 years, my mom passed away and my dad married a new woman, I find it funny because my life it's quite similar with the life of Princess Cinderella.
“Ella, come here, wash my feet!” Tumakbo kaagad ako para lumapit sa bagong asawa ng tatay ko. As usual, she wants me to wash her feet. Ako lahat ang gumagawa ng gawaing bahay tapos ako pa ang huhugas ng paa niya, nakakapagod na masyado, gusto ko na lang sumuko.
“Auntie, may dadaluhan po ba kayo na salo-salo?” Hindi ko mapigilan ang kuryosidad ko dahil nakita kong bumili siya ng mga bagong damit, binilihan din niya ng bagong damit ang kapatid ko na anak niya. I have half sibling, nagkaroon ng anak si tatay dito sa bagong asawa niya. At dalawang taon lang ang agwat naman namin sa isa't isa ng anak niya.
“Kahit sabihin ko pa sa kagaya mo ang pupuntahan ko, hindi ka pwede doon. Do you think they will let you to join the party? Who do you think you are, Ella? Look at yourself, ang panget mo masyado.” Napayuko ako dahil sa kahihiyan, oo nga naman, ang panget ko. Walang fairy godmother na biglang susulpot para ayusan ako dahil nasa realidad tayo.
Pagkatapos kong hugasan ang paa niya, tinapon ko ang maduming tubig at pumasok sa maliit kong silid. Kinuha ko ang lumang sketchpad ko na kay tagal kong pinag-iponan para mabili saka ang pencil ko. My mother loves art, reading and singing and as her daughter, I inherited all of it. When I'm too bored or I feel lonely, I read some books, sing different kinds of songs to ease my loneliness or I just randomly sketch at my sketchpad like what I'm doing at this moment.
I feel so alone in this house, my father died last year because of leukemia. I can't accept it but what can I do? Hindi ko maibabalik ang buhay ng isang tao na patay na. Ang hirap tanggapin, gusto kong umiyak, bakit lahat ng mahal ko sa buhay kinukuha sa akin? Hindi ko ba deserve maramdaman ang totoong kasiyahan? Sana ako na lang ang nawala, hindi ang mga magulang ko. Simula ng mawala ang aking ina, ang aking ama na lang ang nasasandalan ko pero iniwan pa ako sa magulong pamamahay na ito.
Hindi ko mapigilan ang mga luha ko nang sunod-sunod ang mga ito na pumatak sa sketchpad. Yumuko ako at doon binuhos lahat ng kalungkutan ko. Kailan ba ako makakatakas sa magulong mundo na 'to?
“Hoy Ella!” Napaigtad ako at kaagad napatingin sa pintuan na kumalabog. I'm sure it is Trishia, may ipapagawa naman ata. Pinunas ko kaagad ang mga luha ko saka tumayo at pinagbuksan siya.
“Sabi ni mommy you can join us na lang daw, wala ka raw kasama rito. Here, wear this dress then after that come to my room, lalagyan kita ng make up.” I can't help but to be confused. What did she just say? Kailan pa bumait ang nanay niya at isasama ako bigla?
Nagulat ako nang itapon niya sa mukha ko ang damit saka tumalikod paalis. Kaagad ko naman pinulot ang tinapon niya at tiningnan ito. Ang nipis ng tela na para bang kunting likot ko lang parang mapupunit ito. I sighed and closed the door, I feel nervous at the same time I'm excited.
The time rolled so fast, the three of us already arrived at the venue. The places looks so fascinating, ngayon lang ulit ako nakapunta sa ganito dahil ang huling punta ko sa mga ganito ay noong bata pa ako, noong buhay pa ang aking ina.
“Huwag mo akong ipapahiya, Ella. Huwag mo naman ipahalata masyado na isa ka lang hampaslupa na kung hindi ako, hindi ka makakapunta sa mga ganitong kasiyahan.” Tumango na lang ako at hindi na umangal, hindi ko rin mapigilan mapayuko dahil narinig ng malalapit sa amin ang sinabi niya, nakakahiya. Mata pobre pa rin talaga ang babaeng 'to, hindi ko alam kung ano ang nakita rito ng aking ama.
BINABASA MO ANG
NINETEEN
Acak"COLLECTION OF ONE SHOT STORIES" This is a work of fiction. Every names, places, characters, business, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, livi...