Dear Diary#8

61 7 2
                                    

Maikli ba masyado yung mga chapter ko? Sorry ha, Tae lang naman ako kagaya niyo. Jk!

Dear diary,

7:30 pm

May pasok na bukas. Oo nga pala, 3rd quarter na. Means malapit na kaming mag-upgrade! Turning 4th year high school folks! Ay, hindi pa pala. Matagal pa.

As usual hindi ako naligo. Sayang tubig noh! Pero pumunta ako sa CR para manalamin. K. Yun lang.

Nag-aral ako at nagselfie! Yes, second time ko palang magselfie! Ipinost ko sa FB. Bumalik na ako sa pag-aaral, kaya lang naman ako nag-aaral dahil may lintek na quiz kami sa English. Spelling lang naman, para sure na makakaperfect! Tinignan ko yung ipinost ko na selfie. Wow huh? Dami ng comment pero 3 likes lang? Heidi, Chrystal at... at... at... si kuya Christoff?!

"Aral aralan?" 213 likes-Michelle

"Kung magseselfie ka, wag mo ng ipost!" 276 likes-Michelle

"Siguro kung may dislike lang dito sa fb, baka lagpas na ng population natin ang mga dislikes nito" 243 likes-Michelle

"Looking good! :)" 134 likes-Christoff

"Kuya Christoff pa add ako!"

"Add me pls, paki sabi rin pho kay Tirso. Ty!"

"Like mo kuya Christoff yung mga post ko!"

"Christoff pa-add ako. Tirso pa-add narin! :*"

Ano bayan hindi ko na kayang basahin kasi 432 comments lahat. Pero k lang. Naglike naman si kuya Christoff! Hahahahahart! Ginanahan tuloy ako mag-aral! Bahala nalang yung mga haters! Sabi nga ni Taylor Swift haters gonna hate and bakers gonna bake.

Inaantok na ako. Tutulog na sana ako nang may kumatok sa pinto ko.

"Eva, gising ka pa? May bisita ka. Yung poging Tirso." Sabi ni tita Lori.

Agad naman akong bumaba ng hagdan. Chos! Feeling may second floor! Tinignan ko kung real nga. Aba ang baby ko nakaupo sa may sala namin. Nakashades pa. Bigla namang nangamoy mint itong bahay namin.

Nakita yata ako ni tita Lori. Kausap niya kasi si Tirso babes, so tinawag niya ako. "Andyan na pala si Eva, ano maiwan ko muna kayo" pumunta siya sa kusina.

"Uy, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Nakakainis kasi hindi manlang nagsabi na pupunta siya dito. Feel ko tuloy...ah wag na! Assuming naman kasi talaga ako.

"Why? Is there any problem?" Nakangisi siya. Kitang kita ko tuloy yung mga tinga niya. Jk! Nope, grabe ang puti ng mga ngipin niya parang nilagyan ng Zonrox sa puti. "Why are you staring me like that? Is there any dirt on my face?"

"Wala." Napaiwas naman ako ng tingin feeling ko kasi namula ako. "Pero bakit ka nga kasi nandito? Bukas pa yung pasok, susunduin mo na 'ko agad? Bukas mo na lang ako sunduin" sabay palo ko ng mahina sa braso niya. In fairness, matigas yung muscles niya. Kinilig tuloy yung kamay ko.

"Hey assuming girl, I didn't went here to fetch you. I went here to ask you a question." Seryoso yung mga tingin niya. Nakakalusaw.

"Yun lang? Eh bakit hindi ka na lang nagtext? Anyway ano ba yung tanong mo?" Tanong ko.

"Wanna go a date with me?" Nakasmirk pa siya. Super cute! Gusto kong pisilin yung pisngi niya. Teka lang, ano daw ulit yung tanong niya?

"Ano?! Date? Naririnig mo ba yung sinasabi mo? Date?!" Napatayo ako sa gulat. Ikaw ba naman yayain ng date kasama ng crush mo.

"Nah, just kidding." Natawa tuloy siya. Umupo na lang ulit ako. Masyado kasi talaga akong assuming. "I just want to ask you a favor"

"Ano, tapos sasabihin mo joke lang?" Sabi ko sabay upo.

Diary ng Pretty [near to end. ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon