March 10, 2020
Tahimik na nakadungaw sa bintana ang isang lalake at tila ba napakalalim ng iniisip habang kasalukuyang nakaupo sa kamang pang-ospital na siyang pinagpapahingaan nito. Nakatulala lamang ito at ilang sandali pa ay tumulo na ang mga luhang kanina pa pilit pinipigilan.
"Anak..." pagtawag ng kanyang ina kasabay nito ang paghaplos sa kanyang kanang kamay, bakas sa pananalita nito ang labis na pag-aalala para sa kanyang anak.
Nang mahimasmasan ang lalake ay tiningnan nito ang kanyang ina sa kanyang mga mata.
"Sigurado ka na ba sa gagawin mo?" halos mangiyak-ngiyak na tanong ng babaeng kasama nito. Samantalang tumango naman ang lalake bilang pagsang-ayon at pilit na isinuot ang ngiti sa harap ng kanyang ina.
"Kakayanin mo 'to. Huwag kang matatakot ha." isang nakakapagpagaang ngiti ang ibinigay nito kasabay ang mahigpit na paghawak sa kamay ng kanyang anak.
"Nagsalita na ang kaisa-isang witness sa limang taong serial killing incident na naiuulat sa Cavite." - ABC SBN news
"Tatlompu't apat na kalansay ng tao at labing isang pares ng mata na hinihalang kailan lang, ang natagpuan sa isang lumang bahay sa baranggay ng Salaman, bayan ng Madeo, Cavite. Kasalukuyang pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang mga bangkay ng labing isang minor de edad na naiulat na nawawala." - GMS news
"At ngayon para sa maiinit na balita, lumitaw na ang kaisa-isang saksi ng karumal-dumal na pagpatay ng serial killer ng Cavite na si **** sa apatnapu't anim o forty-six na kalalakihan." - DZRB radio
"About thirty-four human skeletons and eleven pairs of eyeballs were recently discovered in an old house in one of the villages in Madeo, Cavite, Philippines. According to the NBI investigation, the suspect has been hiding the bodies of the victims for several years. They're still searching for the bodies of other recent victims." - CMN News, Philippines
"Kasalukuyan tayong narito sa Korte Suprema upang dinggin ang paglilitis sa kaso ng suspek na si ****, ang responsable sa pagpatay ng apatnapu't anim na katao sa Cavite" -Flash News
"Hustisya, 'yan ang hinihingi ng mga pamilyang naiwan ng apatnapu't anim na biktima ng limang taong serial killing incident sa Cavite.
Maging ang supreme court at ang court of appeals ay tinutuligsa dahil di umano sa hindi patas na pagpataw ng kaparusahan sa suspek-" GMS News
~L~
YOU ARE READING
Lilith: The Legendary Moonstruck of Graham High Academy
Mystery / ThrillerHello! I am Yoshiro Iwamoto, former Section 2 student of Graham High Academy. This story is about me, my mother, my best friend and that person.