A/N: Another update. Mas chill ang buhay ko rito kaysa sa WOAS dahil simple plot lang siya. Enjoy reading guys! Love you all *wink
Yoshiro
Kasalukuyan kong hinihintay ang first period, at dahil wala pa si Trayvon na mukhang late papasok, wala din akong makausap. Mukhang hindi pala-kaibigan ang mga tao dito maliban dun sa isa na nagngangalang Valette.
Nakadungaw lang ako ngayon sa katabi kong bintana. Pangatlong araw pa lang ngayon ng klase pero lutang na lutang na 'ko, medyo boring ang mga tao dito sa section 1.
Ilang minuto rin akong tulala nang kalabitin ako ng lalaking nasa harap ko dahilan upang mapatingin ako dito.
Kung hindi ako nagkakamali, Ace Tobias ang name niya. Natatandaan ko pa kahapon kung paano siya magpakilala every subject, medyo weird. Siguro kasi nasobrahan siya sa talino which is halata naman dahil nakasuot siya ng eyeglass.
Nilapag nito ang isang papel sa desk ko habang nakakrus ang mga braso. Tiningnan ko lamang ang papel dahil wala akong ideya kung anong gagawin ko dito.
"Uhh para saan 'to?" tanong ko habang hinahawakan ang papel. Binalik ko ang tingin sakanya, medyo nakakatakot siya, masyado siyang seryoso.
"Those who attended the flag ceremony." sagot nito at hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng kanyang mukha.
"Ahh okay." kinuha ko naman ang ballpen sa bag ko at isinulat ang pangalan ko.
"Heto." nakangiting pag-abot ko matapos isulat ang pangalan ko, kaso kinuha niya lang ito nang hindi ako pinapansin at umalis na.
Suplado.
Muli kong ibinalik ang tingin sa labas ng katabi kong bintana. Ilang minuto rin ang lumipas nang may biglang kumatos sa'kin. Paglingon ko ay si Trayvon lang pala.
"Di masakit." sarkastikong pagkakasabi ko habang hinahaplos ang parte na kinatos niya.
"Sige. Sakitan natin sa susunod." pang-aasar pa nito kasabay ang pagbaba nito ng kanyang bag.
"Ba't ngayon ka lang?" tanong ko.
"Dumaan yung van sa Madeo, mas lalo tuloy akong na-late." paliwanag nito habang kinakamot ang kanyang ulo.
"Ha? Akala ko ba shortcut yun?" tanong ko at akmang inilabas ang aking phone para maglaro ng online games.
"May bangkay silang nakita sa daan. Nasagasaan siguro tapos iniwan na lang dun. Ang creepy nga, hindi pa alisin ng mga pulis na nandun. Nag-cause pa tuloy ng traffic." dagdag pa nito.
"Lol." sabi ko na akmang napailing-iling pa.
Mas creepy buhok niya ngayon hahaha.
"Buti na lang di pa nag-iistart first subject." dagdag ko.
Mga isang minuto ang lumipas nang dumating ang adviser namin.
"Good Morning." bati sa'min ni Sir Basco.
"We have a new student. Late enrollee. Please be kind to her." anunsyo ni Sir at matapos iyon ay pumasok naman ang isang babaeng nakapony-tail na may bangs.
Tumayo ito sa harapan katabi ni sir Basco.
"Introduce yourself please." sabi naman ni Sir at tumango lang yung babae. Ngumiti ito at ipinakilala ang sarili.
"Good Morning. I am Dawnelle Quisimbing, 17, from Mendez, Cavite." nanatili lamang akong nakatitig sakanya.
Siya yung babaeng nabunggo ko nung first day. Hindi ko akalain na dito rin siya sa Graham mag-aaral at magiging kaklase ko pa buong taon.
YOU ARE READING
Lilith: The Legendary Moonstruck of Graham High Academy
Gizem / GerilimHello! I am Yoshiro Iwamoto, former Section 2 student of Graham High Academy. This story is about me, my mother, my best friend and that person.