Yoshiro
Iwamoto...
Iwamoto...
Iwamoto...
Wala...
"Yoshiro!" muntik na 'kong mapatalon sa aking kinatatayuan nang gimbalain ako ng isang nilalang.
"Oh. Kamusta? Nakita mo na section mo?" bati ko kay Trayvon na kasalukuyang nakaakbay sa'kin. Mukhang masaya siya ngayon ah.
Sa bagay, magandang simulan ang school year na ito nang may ngiti para buong school year ay maging masaya lang.
"Congratulations bro. We made it to Section 1!" sabi nito habang tinatapik-tapik pa ako sa aking balikat.
Teka...
Nasa section 1 na 'ko?
Dali-dali kong tiningnan ang mga pangalan na included sa pitong star section.
This can't be real
Kanina ko pa hinahanap ang pangalan ko sa mga nakapaskil na Section 2 sa bulletin board ng Senior High Department at hindi ko ito mahanap.
Nag-baka sakali rin ako na baka bumaba ang ranko ko kaya maging ang mga nasa Section 3 ay tiningnan ko na rin.
Pero section 1? Can't be real tho.
Sinimulan ko nang kumpirmahin kung totoo nga ba ang sinasabi ni Trayvon.
Iwamoto...
Iwamoto...
Iwamoto...
Class 12 - Newton
1. Orlando Cendeño
2. Eliezer Guerrero
3. Yoshiro Iwamoto
4. Trayvon Montañez
5. Lathan Rivero
6. Keegan Segovia
7. Ace TobiasLegit...
Napatalon ako sa saya nang makita ko ang pangalan ko na kabilang na sa Section 1 ng Graham High.
"Congrats Bro." bati ko rin kay Trayvon na nasa tabi ko pa at tinapik ng malakas.
"This school year will be fun." dagdag nito.
Matapos ang paghahanap sa pangalan ko ay tinungo na namin ni Trayvon ang Class 12 - Newton.
Talagang hindi pa rin ako makapaniwala na kabilang na ko sa mga estudyanteng tinuturing na maimpluwensya. Well, hindi naman totally ganun ang dating nun dito pero para sa'kin, ganun 'yon. Kapag nasa Section 1 ka, malakas ka, maimpluwensya ka, swerte ka at higit sa lahat mataas ka.
Kahit sino namang estudyanteng nag-aaral dito sa Graham High Academy, gusto ring mapabilang sa Section 1.
Nang marating namin ang Classroom ng Class 12 - Newton ay medyo kinakabahan pa kami bago tuluyang pumasok.
"Silip ka." utos ni Trayvon sa'kin habang pareho kaming nasa corridor ng classroom.
"Ha? Ikaw na. Bilisan mo." pagbalik ko ng utos niya.
Nagkamot pa ito ng ulo bago silipin ang mga nasa loob ng classroom.
Parang kanina lang ang saya-saya namin tapos biglang ganito na kinakabahan na kami.
"Ano?" tanong ko nang lingunin ako ng kasama ko. Lumapit ito sa'kin tsaka bumulong.
"I think, ka-level lang natin sila." sabi nito at akmang napapahawak pa sa kanyang baba.
YOU ARE READING
Lilith: The Legendary Moonstruck of Graham High Academy
Mystère / ThrillerHello! I am Yoshiro Iwamoto, former Section 2 student of Graham High Academy. This story is about me, my mother, my best friend and that person.