[Prologo: Mga Alaalang Hubog ng Dilim]
October 2018
Scorpio (Oct 23 - Nov 21) - Darating sa buhay mo ang maraming pagsubok. Hawak ng nakaraan ang kapalaran ng kinabukasan at nasa kamay mo ang susi upang matuklasan ang sagot sa mga katanungan. Ang 'yong lucky color ay violet. Tips sa lotto 06-13-18-24-27-31.
NAPANGITI ako sa sarili at dahan-dahan inilipat ang pahina ng diyaryo sa bahagi ng panlibangan. "Tataya ka ba sa lotto?" Tanong ni Aries habang nakaupo sa bangkito sa labas ng bakery at umiinom ng RC na nakalagay sa plastic ng yelo.
Narito kami sa bakery malapit sa bahay ni Aries na madadaanan namin tuwing papunta kami ng school. May maliit na wall fan na umiikot pero walang hangin at Chinese calendar na nakasabit sa gilid nito. Pero agaw pansin talaga ang Santo Niño at maneki-neko o 'yung pusang kumakaway sa ibabaw ng lalagyan ng mga tinapay.
Madaling araw pa lang ay gumayak na kami para magbisikleta. Gusto kasi naming mag-unwind sa mga limpak-limpak na schoolwork. Hell month kasi naranasan namin noong mga nakaraan. Tipong mas malusog pa 'yung eyebags ko kaysa sa akin.
Kasalukuyan kaming nagpapahinga mula sa pagbibisikleta. "Hindi, natuwa lang ako dahil lucky color ko 'yung violet." Sagot ko sabay kuha sa pandesal na inaabot sa akin ng nagtitinda. Payat at malabo ang mata ni Aries pero batak pa rin siyang manood ng k-drama hanggang madaling araw kahit pagod na ang mata.
Inagaw ni Aries sa kamay ko ang pandesal na sanang isusubo ko. "Sorry ka, gutom ako." Sabi niya sabay natawa. Binelatan niya pa ako animo'y batang nang-agaw ng candy. "Akala ko naman tataya ka. Hihingi sana ako ng porsiyento sa mapapanalunan mo." Tawa niya, muntikan pa tumalsik sa bibig niya 'yung kinakaing pandesal.
"Sige, point one percent sa'yo tapos ninety-nine point nine percent sa'kin." Ngisi ko. Kinuha ko ang RC na iniinom niya saka humigop na para bang hindi alintana kahit nalawayan niya na. "Ano 'yan? Germs?" Kunot noong tanong niya sabay agaw ulit sa RC.
Umiling-iling ako na lang ako. "Manang, magkano po lahat?" Tanong ko sabay nilabas ang wallet kong Mickey Mouse Clubhouse na nakuha ko sa loot bag ng isang birthday party. "Astig ng wallet natin 'pre ha?" Dinig ko pang wika ni Aries.
Hindi ko na lang siya pinansin. "Trenta pesos, hija." Sabi ng tindera. Napaisip at nagbilang pa ako sa daliri bago napagtanto ang halaga. "Pero manang, bente pesos na pandesal lang po binili ko. Paanong naging trenta?" Nagtatakang tanong ko.
Tinuro ng manang ang hawak kong diyaryo gamit ang kaniyang nguso. "Nalukot at nasagutan mo na 'yang tinda kong diyaryo, hija. Hindi ko naman puwedeng ibenta 'yan na may sagot na ang crossword." Tugon niya sabay lahad ng kaniyang kamay animo'y tatakasan ko siya at hindi babayaran.
Kamot ulo kong binuklat ang wallet ko, bente pesos lang ang laman nito na may iilang piso at bentsingko. Nagulat pa ako sa laman ng wallet ko at kaunti na lang ay may lumabas na paruparo. Inisip ko pa kung nanakawan ba ako pero naalala ko na ito na lang talaga ang natira sa baon ko.
Tumingin ako kay Aries na para bang may pinapahiwatig na Sis, please send help. Tinaasan niya ako ng kilay pero naglabas pa rin ng wallet para saluhin ako sa kahihiyan ko. "Isang RC na rin po, palagay sa plastic." Hirit pa niya.
Kinuha ng manang ang bayad mula kay Aries, napailing-iling pa siya nang tumingin sa'kin na para bang sinasabi na ang lakas kong bumili pero wala namang pambayad. "Upo ka rito o'!" Aya ni Aries at umusog sa taburete. Kahit kalahati o 'sangkapat ng puwet ko ay hindi kakasya roon.
BINABASA MO ANG
Pagsamo
Historical FictionIn the Filipino town of Santa Crusiana, a young man named Leonor marries a woman whose head has been torn off from an old photo. Within the Seguismundo family, headed by the stern patriarch Don Julian, such interclass unions are strictly forbidden. ...