"Aaaaaah shet ewan ko." Napahilamos ako ng mukha gamit ang palad ko saka ko binagsak ang sarili ko sa bean bag sofa na color mustard yellow dito sa kwarto ko.
"Sabi na nga eh, tama talaga ako. May gusto talaga si Calix sayo." Pumalakpak pa si Yvo at tuwang tuwa pa sa nangyayari.
"Beshy, kung ako sayo tanungin mo si Raven kung may gusto ba siya sayo or wala." Uminom ng orange juice si Cers.
"Aba, ano ako makapal ang mukha? At saka paki-alam ko naman kung may gusto si Raven sa akin o wala." Napahilot ako sa sentido ko. Ang dami kong iniisip kay Calix, idadagdag pa ni Cers si Raven. Pero kung sabagay, dawit rin kasi talaga si Raven.
"Makapal naman mukha mo." Sabi ni Yvo at hindi man lang nag-hesitate na sabihin 'yon. Alam na nga lang niyang namromroblema ako, pipikunin pa niya ako.
"Pero kay Calix may paki ka? Ah okay, gets gets." Tumayo si Amanda para magtimpla ulit ng juice. Kinuha ko ang maliliit na unan saka ko binato ang isa kay Yvo at ang isa naman kay Amanda. Pinagtritiripan ba nila ako?
"Aray naman! Umalis na nga ako diyan, nahuli mo pa din ako!" Reklamo ni Amanda.
"Ewan ko ba bakit kasama kita at si Paro-paro girl ngayon. Eh, hindi ko naman kayo kaibigan." Halos maibuga ni Cers yung iniinom niya.
"Matapos kitang bigyan ng palabok at samahan dito, hindi mo pala ako kaibigan?" Pasigaw naman na sabi ni Cers sa akin.
"Sino ba kasing nagsabing pumunta ka dito at bigyan mo ako ng palabok minsan sa school?" Inirapan ko siya.
"Nakakakilig naman, ako lang pala ang BFF ni Xav." Tumatawang sambit ni Yvo. Sumulpot naman si Amanda dala ang isang pitchel ng orange juice. Sinalinan ko ng juice ang baso ko.
"Ano ba yan, wala na bang ibang flavor? Black label, tequila, jack dani —." Natigil ako sa pagsasalita nang may maalala ako. Umiling ako para maitigil ang iniisip ko. Umupo ulit ako sa inupuan ko kanina.
"Are you challenging me, Xav?" Patango tangong sabi sa akin ni Amanda.
"Sige. Mag-inuman kayo, para hindi na pabalikin ni Kuya Tyler si Xav sa bahay nila." Tumawa ng malakas si Yvo at pinaningkitan ko naman siya ng mata.
"Ah oo. Sino ulit yung pinalayas? Si Xav." Pangisi-ngising komento naman ni Cers. What if paghahambalusin ko silang tatlo?
"Shut up."
Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Kuya. Kailangan kong suyuin ang kapatid ko ngayon. Nalintikan ako kagabi, eh. Nawala ba naman sa isip kong susunduin ako ni Kuya. No'ng wasted na ako, inuwi pala ako ni Calix. Ni wala manlang kila Amanda, Yvo at Cers ang nagsabi kay Kuya. Kahit sila Wayne, wala!
Nalaman lang ni Kuya na inuwi ako ni Calix kaninang umaga dahil habang tulog ako, chinarge ni Calix ang cellphone ko kasi dead batt na pala kagabi. No'ng pagka-on daw ng cellphone ko, sakto tumatawag si Kuya at si Calix ang sumagot.

BINABASA MO ANG
The Violent Rebel Son
Novela JuvenilBOOK 1 of Rebel Trilogy Xavienna Collins, the badass bitch was sent in Winsbierge University, the school full of trouble, mess, and fights. Until she met Calix Evans, the son of university owner who instigates all the chaotic rules inside the school...