Bogbog na naman ang abot niya sa Kuya Ricko niya. Siya ang napagdeskitahan nitong bogbogin ng matalo ito sa pustahan ng bilyar. Namimilipit siya sa sakit ng tyan ngunit pinilit niya pa ring tumayo para tumungo na sa kanyang silid at ipahinga ang katawan. Ngunit ng akmang hahakbang na siya ay sinipa siya ulit ng kuya niya dahilan para mapaluhod ulit ito.
"T-tama n-na p-po" nahihirapang sambit niya pero hindi nakinig ang kapatid niya at inulit ang pagtadyak sa kanyang tiyan at halos panawan na rin siya ng ulirat dahil sa natamo.
" Dapat Lang sayo yan! Salot ka! malas!!" Sigaw nito sa kanya
"K-kuyaa t-tama n-na" pagmamakaawa niya dito. Umiiyak na siya dahil sa sakit na dinaranas niya sa kamay ng kanyang Kuya Ricko.
"Tama na?! kulang pa yan kaya dagdagan pa natin" turan ng kuya niya na may ngisi sa labi.
Tadyak at suntok ulit ang natanggap ni Crien."
"Dyos ko!! Crien!" Nahahabag na sigaw ng kanilang kasambahay na si Manang Fe. Tumatakbo ito papalapit sa pwesto ng magkapatid. Naaawa siya sa sinapit ng kanyang alaga na halos hindi na mamulat ang mga mata dahil sa pamamaga.
"Iakyat niyo na ang malas na yan! Baka lalong samain sakin yan! Turan ni Ricko at iniwan ang dalawa sa sala.
" Sally!! " Tawag niya sa kasamahan " Tulongan mo ko rito Dali!" Dali-daling lumapit si Sally sa kanila at tinulungang akayin si Crien pa punta sa kanyang silid.
Hindi mapigil ng dalawang kasambahay ang luhang naglandas sa kanilang mata. Naawa sila sa sinapit ng kanilang alaga hindi man ito bago sa kanilang paningin hindi pa rin sila masanay sanay rito. Nagtulong ang dalawa upang malinisan ang duguang damit at mukha ni Crien. Ayaw na ayaw ni Ricko na dalhin sa ospital si Crien matapos nitong bogbogin sa kadahilanang
Baka may makakilala rito at makarating sa ama ang nangyari."Hanga talaga ako sa batang to" usal ni Manang Fe kay Sally habang nakatanaw sa natutulog na si Crien
"Ha? Bakit po Manang?" Naguguluhang tanong ni Sally
"Dahil hindi siya nawawalan ng pag-asa na matatanggap siya at mamahalin siya ng kanyang mga kapatid at Ina niya. Kahit hindi niya man masabi sa kanila alam kong mahal na mahal niya ang mga ito. Hindi siya magtitiis rito kung hindi niya nararamdaman yun." Nagpapahid ito ng luha matapos niya itong sabihin.
" Bakit hindi na lang po siya magsumbong kay Sir? Siguro naman po paniniwalaan naman po siya nito" sabi si Sally
"Yun ang ayaw ni Crien na mangayari. Ayaw niyang mag-alala ang ama niya ayaw na niyang dagdagan ang iniisip nito at mas lalong ayaw niyang mag-away ang mga magulang niya dahil sa kanya." Turan ni Manang Fe
-
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Celine sa katabing si Crien. Tumango naman ito bilang tugon
"Talaga? Eh tatlong araw ka kayang hindi pumapasok at tingnan mo nga yang mukha mo may pasa ka pa ata sa gilid ng labi mo! Sabihin mo nga nakipag-away ka ba ha?!" galit na turan ni Celine. Tinapunan siya ng di makapaniwalang tingin ni Crien. 'Anung akala niya close silang dalawa' turan ni Crien sa kanyang isip.
"Hoy!sumagot ka nga!" Si Celine
"Hindi ako nakipag-away" sagot niya dito
" Eh anong nangyari sayo?" Tanong ulit ni Celine
"Wala" sagot niya na nagpa-ikot sa mata ng katabi.
"Alam mo minsan ang sarap mong batukan Alam mo yun?!" Nangagalaiti ito sa inis
" Alam ko" sagot nito kay Celine
Padabog na umalis si Celine sa kinauupuan nito at lumabas ng silid. Napahinga ng malalim si Crien pag-alis ng dalaga. Ayaw niyang magsabi rito ng nangyari ayaw niyang kawaan siya nito at mas lalong ayaw niyang mapalapit ito sa kanya.
Natapos ang maghapon at hindi niya nakita si Celine hindi ito pumasok sa klase nila kanina. Kahit ayaw niya sa kadaldalan nito hindi niya maiwasang hanapin ang presensya ng katabi.
Papalabas na siya ng gate ng tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ito sa bulsa ng kanyang pantalon hindi niya maiwasang hindi maluha ng mabasa niya ang pangalan ng taong tumatawag sa kanya.
" P-pa" usal niya ng masagot ang tawag. Gusto niyang umiyak rito ngunit ayaw niyang mag-alala ang ama.
"Anak kamusta ka na?" Tanong ng papa niya "Miss na miss na kita anak"
"M-mabuti naman po a-ako pa miss na miss ko na rin po kayo, Kayo po kamusta kayo diyan? Kumakain ka po ba ng m-maayos diyan Pa? Baka naman p-puro kayo trabaho diyan?" nagpipigil ito sa kanyang damdamin at baka tuluyan na siyang mapaiyak.
" Mabuti naman ako anak huwag kang mag-alala inaalagaan ni Papa ang sarili niya dito. Kamusta pag-aaral mo?" Tanong ng Papa niya
"A-ayos naman po Pa?" sagot niya rito
" Mabuti naman kung ganon nakausap ko pala ang mama mo at nasabi niyang nagkakamabutihan na daw kayo ng mga kapatid mo" napahigpit ang kapit niya sa cellphone habang pinapakinggan ito.
"O-opo P-pa" naluluhang sambit niya
" Mabuti naman kung ganon anak oh siya tatawag ako ulit sayo ha magiingat ka diyan lagi. Mahal na mahal kita anak" madamdaming hayag ng kanyang ama
"K-kayo rin p-po magiingat lagi,m-mahal ko rin po k-kayo Pa" Pinatay niya agad ang tawag baka marinig pa ng kanyang ama ang hikbing kumakawala sa kanya. Pinahid niya ang luhang naglalandas sa kanyang mga mata at tuluyan ng naglakad papalabas ng Unibersidad.
**
Let's talk privately chusss.😂😂
Pero pwede rin if you are bored 😄haha