6

113 6 0
                                    


Crien

Tinupad nga ni Celine ang sinabi niya. Lagi siyang nakabuntot kahit anong taboy ko rito hindi niya sinusunod kaya sumuko na ko kakasaway sa kanya. Nag-aaway lamang kami dahil dun kaya hinayaan ko na. Masyado ng magulo ang buhay ko at ayaw ko ng dagdagan pa pero doon ako nagkamali.

Habang kasama ko si Celine kaliwa't kanan na ang gumugulpi sakin. Mabuti na lang at di nila ginagalaw si Celine. Kargo pa ng konsensya ko yun pag nagkataon.

Heto nga at ginagamot niya ang sugat sa kilay at gilid ng labi ko.

"Ano na naman ba ang trip nila?! Hindi pa nga naghihilom yung ibang sugat mo meron na namang bago!" Galit na turan nito.

"A-aray! Huwag mo namang diinan!" Reklamo ko sa kanya

" Naiinis kasi ako!" turan nito sakin.

" Huwag mo na lang kasi pansinin" sabi ko sa nakabusangot na Celine.

Hindi ko maiwasang pagmasdan ang mukha niya sobrang ganda ni Celine. Hindi ba siya naiilang na kasama ako? Kung pagbabasehan ang itsura naming dalawa masyadong malayo ang agwat namin. Isa siyang tipikal na dyosa samantalang ako? Tsakto lang hanggang balikat ang medyo kulot na buhok, itim na mga mata, medyo matangos naman ang ilong ko may peklat sa kilay at putok ang labi isama mo pa ang pinandidirihan nilang ano ko..

"H-hoy!?? A-anong klaseng titig yan?" Kinakabahang tanong nito sakin

" May boyfriend ka ba?" Hindi ko alam ngunit yan ang lumabas sa bibig ko. Di ko maiwasang isipin yan minsan, okay lang ba sa boyfriend niya na nakiki-pagkaibigan siya sa tulad ko?

" W-wala no! B-bakit mo natanong yan?" naging malikot ang mga mata nito tsaka ako inirapan. Alam kong inis na ito ngayon sakin

Sa isang buwan na pangungulit niya unti-unti kong nakilala si Celine. Sobrang kulit niya maalaga, madaldal. Mabait naman ito minsan pero kadalasan talaga mataray.

"Wala?" Ulit ko sa ganda niyang yan?. Ang hirap naman ata paniwalaan.

"W-wala nga.. bakit gusto mo ba i-ikaw na lang girlfriend ko?" Nakangisi niyang turan. Alam ko gusto niya lamang akong asarin.

" Ayoko masyado kang madaldal" walang buhay kong sagot sa kanya. Tumaas ang kilay nito at pinaghahampas ako sa balikat. Pilit ko naman itong sinasalag hanggang sa napagod ito kakahampas.

"Alam mo ikaw pa lang ang unang tumanggi sa kagandahan ko" naiinis na sambit nito

"Ang hangin mo" sabi ko dito

"Lapit na nga bilis akala mo kung sinong maganda," at hinila ako nito para ipagpatuloy ang pag gamot sa sugat ko. Gusto kong matawa sa mukha niya nakalabi ito habang naka kunot ang noo.

Hindi ko alam kong ipagpapasalamat ko ang presensya niya o hindi. Dahil sa kanya kaya mas lalo akong napag-iinitan pero dahil rin sa kanya mas nagiging magaan ang araw ko.

-

Naglalakad ako papunta sa susunod kong klase ng biglang may humila sakin sa isang bakanteng silid. Tsaka tinulak ako sa maduming sahig. Nagtawanan naman ang mga gungong.

" Crien! Masaya ako't nagkaharap uli tayo" nakangising turan ni Arnold. Sarap burahin ng ngisi niya. Tumayo ako at pinagpagan ang pantalon na suot. Nakatayo silang tatlo sa harap ko.

" Ano masarap bang kasama si Celine?" tanong nito habang hindi naaalis ang ngisi sa labi. Nakuyom ko ang kamao dahil sa narinig.

"Huwag niyong isasali si Celine dito!" Matigas na turan ko. Hindi ko hahayaang masaktan si Celine.

" Hahahahahaha!!" Malakas na tumawa ang tatlo. Nagpapahid pa ng luha si Arnold kakatawa. Anong kakatawa sa sinabi ko?! Mas lalong nanaig ang galit ko sa tatlong itlog na to gusto ko silang pagsasapakin isa-isa.

"Crien! Crien! Crien! Pfffftt! Hahaha!" Loko ka talaga Arnold! " Isasali ko ang gusto kong isali! Naiintindihan mo ba?! Itong tandaan mo sa susunod na magkita tayo gagapang ka ng pauwi sa inyo!" Nakangising sabi nito at lumabas sa pinto kasama ang dalawa niyang alipores.

Nagpupuyos ang damdamin ko sa galit. Hindi ko hahayaang masaktan nila si Celine. Hindi ako papayag na mahawakan nila maski ang dulo ng buhok nito hindi ako papayag! hinding hindi!

Letting It All GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon