Kabanata 25

8 3 0
                                    

Ngayong araw na ang pinakahihintay na kaarawan ng pinakamamahal kong lola,my dearest Lola M.Buti na lang maaga siyang umalis para magsimba,sinasama niya ako ang sabi ko na lang ay sa live stream na lang ako manunuod kase dadating dito itong mga kaibigan ko kase hindi namin natapos yung mga gagawin namin.

Nakiusap muna ako dun sa kaibigan niyang si Aling eva na samahan si lola sumimba at magala na din sila at medyo tagalan niya para pagdating niya ay tapos na kami sa decor at luto na din ang mga pagkain ang hihintayin na lang ay ang mga bisita.Hindi ko binabati si lola kahit gustong gusto ko na pata kunwari nakalimutan kong birthday niya.

Nadala na din kanina nung cater yung mga inarkila naming mga upuan at kurtina este sina bes pal ang umarkila at ayaw na niya pabayaran sakin hayaan ko na daw yun"Bes makakaya kaya natin ito,ehh apat lang tayong nagdedecor dito?"tanong ko buti na nga lang nandito si ate jhai kaso yung mga dapat kasama niya may mga gagawin kaya hindi na nakasama"Sino bang may sabing tayo lang apat?"tanong niya,si Sean at sina edward naman at yung dati kong ka grupo sa pagluluto sila ngayon kaya hindi sila makakatulong dito.

Tumingin ako sa tinitingnan ni bes sa likuran ko at nagulat ako na ang buong section namin ay nandito.Binilang ko sila at pede na kami mag class picture kase kumpleto kami"Nauna na pala dito sina edward,pano ba yan libre na tayo ng pagkain ngayong araw,"sabi ni zhyra at naghiyawan naman ang mga malilingal "Tara simulan na natin,ac ano pa ba mga gagawin?"dagdag pa niya.

"Guys bago yun gusto ko na agad magpasalamat kasi gumising kayo ng maaga para makatulong dito lalo na sa part na walang pasok ngayon pero saka pa hindi na late yung mga palaging late.At kahit palagi tayo napapgalitan dahil na din sa kaingayan masasabi ko na kahit ganun the best parin ang section nato.Nandito ang iba kase alam ko nakilala niyo na si lola at yung iba namang hindi kilala si lola nandito pa din para sa support,maraming salamat,"nagdrama na agad ako pero sobrang saya na kahit sa ganitong pangyayari nandito pa din sila.

"Bes yang mga yan pumunta din dahil para libre daw pagkain tapos si Sean pa magluluto matikman man lang daw nila luto ni Sir,"pero kahit na tutulong pa din sila.

Sinabi ko na sa kanila ang mga gagawin at lahat naman sila ngayon ay gumagalaw lumabas ata ang sipag nila,samantalang ang room namin pag may konting kalat hindi pa nila malinis iniintay talaga ang school janitor.Parang may kukunin ako ngayon ano nga ba yun?

Yung gown ni lola ay si ate jhai na ang nag sponsored na gagamitin daw niya dapat nung debut niya kaso may isa pa daw siya ay yun na ang napili niyang isuot.Kulay red siya na may mga kumikislap na puting bagay at may pa crown pa si lola binili ni bes kahapon.Yung cake nga pala agad kong tinawag si gwenn na abala sa pagkakabit nung mga lobo.

"Gwenn yung cake kailangan na natin kunin,"tawag ko sa kanya syempre medyo awkward pero gaya nga ng sabi niya kalimutan na lang basta magkaibigan pa din kami at parang ganun pa din"Sige text ko lang si Kuya Nestor para may masakyan tayo,"tugon niya.

"Pwede naman tayong magbyahe na lang may pera pa naman ako,"kakahiya na sa kanila ilang beses na akong nakisakay "Baka matagalan pa tayo,natext ko na nandiyan lang naman pala siya sa may lomian diyan sa kabilang kanto,"kahit pa pilitin ko siya alam kong wala na naman akong magagawa.

Pagsakay namin sa sasakyan ay walang umiimik samin kahit isa pati itong si kuya nestor focus sa pagmamaneho.Kaya para malibang ako ginamit ko na tong phone ko at itong katabi ko busy din naman sa paggamit ng phone.

Magoopen na sana ako ng social media ng may nagtext sakin at unknown number

Unknown number

Kaya natin to,wag kang malungkot o magalala magiging maganda ang celebrasyon na ito para kay lola

Sino naman kaya ito?may namimigay ba ng number ko

Ako

Salamat,sana nga pero sino ba to?

Walk with Me Where stories live. Discover now