Kabanata 33

1 1 0
                                    

Nag transfer na si Naz dito sa school namin.Sabi kasi nina Mama para iisang school na daw kami.Saka First year pa lang naman siya at kung ayaw niyang nandito ako  malapit na naman ang graduation namin kaya hindi na din kami madalas magkikita.

Dahil  kina gwenn naman ako nakakasabay bihira kaming sabay umuwi.

"Oyy bata ka bat ngayon ka lang?Ang bago mo pa lang sa school niyo bumabarkada ka na agad san ka nang galing?"nakatayo lang si Naz sa papuntang hagdan paakyat dahil nakaharang si Tito Samuel sa hagdan  habang pinapagalitan siya.Kahit medyo bata pa si Naz ay parang ang matured na niya magkikilos at ng pisikal na itsura niya.

"Hindi po ako bumarkada Dad.Talagang nauna lang lumabas sina Ac kaya kanina pa siya nandito,"oo,Ac talaga tawag nila sakin aba malay ko di ata uso sa kanila ang salitang Ate na tagalog.

"Siguraduhin mong nagsasabi ka ng totoo"pagbabanta ni Tito Samuel"Bakit may lugar ba dito ang pagsisinungaling?"matapamg na tanong ni Naz,eto talagang batang ito.Kahit suplado  at tahimik marami din palang opinyon at napapansin sa paligid.

Napanganga at natulala ng saglit si Tito Samuel kaya ito naman ang dahilan para makalampas si Naz sa daan  at nag diretso sa kwarto niya.Natauhan ata si Tito Samuel kaya sinundan si Naz ngunit sa ingay ni Tito Samuel mukhang nag lock ng pinto si Naz at hindi na siya kinausap.

"Uy bes alam mo iintayin ko yang kapatid mo,"sambit ni bes.Nandito siya ngayon sa bahay dahil  tinutulungan niya akong tapusin ang research paper ko,buti na lang napakiusapan teacher namin  na kung pede bukas na lang ang pasahan.

Magpapasundo na lang daw siya sa driver nila"Ano na namang pinagsasabi mo d'yan?"tanong ko habang tutok na ulit sa ginagawa ko dito sa laptop.

"Ang gwapo kasi ng kapatid mo tas ang matured tingnan tapos tahimik pa.Mabait ba yan?Lakad mo naman ako"sari - sari talaga ang naiisip nito basta nakakita ng gwapo pati naman kapatid ko.

"Una alam mo namang hindi kami close.Hindi nga siya nagiimik kaya  hindi ko alam kung suplado o hindi.Kaya imbes na ilakad kita itatakbo na lang kita,"biro ko sa kanya.

"Bes  mga ilan?"tumingin ako sa kanya at seryoso siyang nakatingin sakin"Ang alin bes?Kung ilan ang copy kada chapter?"

"Hindi bes.Mga ilang tawa ang ibibigay ko dun sa itakbo?"tinaas niya ang kamay niya at nagbilang sa mga daliri at saka nagsalita ng "HA-HA-HA,yan na bes tatlo para I Love you."

"Ikaw masyado kang maharot saka wag ang kapatid ko ha baka makulong ka,"biro ko sa kanya.Madadali talaga kaming matapos laging pag hunta ang inuuna namin ehh.

"Bat naman ako magkakaso bes?Aba ay kahit naman gwapo yang kapatid mo ay hindi ko naman siya  ire-rape aba desenteng babae pa din naman ako.Dalagang Pilipina ito bes,"sabay hawi pa ng buhok niya papunta sa likod ng tainga.

"Child abuse bes.Di ba crush mo naman si Sean mabuti pa yun na lang ulit  kilala ko pa siya,"tiningnan niya ako ng masama na parang nagaasar"Sige Bes,Naniniwala naman ako na kahit ikaw    ang first love nu'n ay iba pa din pag True Love na,"ang harot talaga ni bes.

Medyo  mag hahating gabi na  nang natapos namin ang research paper ko.Syempre bukod sa inuna namin ang hunta pati na din ang pagkain.

Sa office ni Sir  kailangan naming ipasa.Sabay sana kami ni bes pero sabi niya mauna na daw ako kase may pinapagawa pa sa kanya yung isa naming teacher.Dapat pa naman ay kanya kanyang pasa kaya hindi ko maidadamay ang kanya.

Kay Zyra na ako sumabay ng pagpapasa.Pagpasok namin sa office at saktong nandito si Sir.

"Goodmorning Sir,eto na po yung research paper namin,"sabay na sabi namin ni zyra.Syempre sabay na sabay talaga kami bago kasi kami pumasok nag practice pa kami kung ano ang sasabihin kung sino magbubukas ng pinto.

Walk with Me Where stories live. Discover now