II

6 3 0
                                    

Kina umagahan.

Maaga ngang nag dala si ruben ng gatas pero matapos nyang e hatid ang gatas, umalis agad ito dahil may inutos pa daw sa kanya si inay beth.

"Babalik nalang ako dito mamaya, para sabay tayong pupunta sa kabilang bundok para ipag patuloy ang pag bubungkal dadalhin nalang din natin c ligaya pababantayan nalang natin kay inay sa kubo dun" sabi niya saka umalis na din.

Kinuha ko nalang ang gatas na sariwa pa galing sa baka.
Pinakulo-an ko muna ito, at habang nagpapakulo ako ng gatas.

hinanda ko muna ang mga gamit na dadalhin ko sa kabilang bundok, mabuti nalang marami akong sapin ng harina,
Mahilig akong bumili nito para tahiin ko, para hindi na ako bibili ng kumot.
Yung hindi ko pa natatahi ang hinanda kung dalhin para kay ligaya.

Uwaaa. uwaaa. uwaaa.

Napatakbo akong lumapit sa kinaroroonan ni ligaya ng marinig kung umiyak sya, agad ko syang binuhat at dun ko napag tanto na naka ihi pala sya.

"Naku, naka ihi pala si bibi Ayah ang bahu muna dadalhin pa naman kita sa kabilang bundok" pinalitan ko nalang yung sapin nya at binanwasan ng tubig ang duyan nya at itinapat sa bintana upang mainitan.

"Hala, muntik ko nang makalimutan ang gatas" natataranta akong tumakbo palabas at mabilis na inalis sa kalan ang gatas na pina kulo-an.

Uwaaa. uwaaa. uwaaa.

Muntikan ko ng mabitiwan ang gatas na maingat kung inilagay sa termos, ng marinig kung umiyak nanaman si Ayah.

"Anong nangyari? Wag kanang umiyak nandito lang ako, nako tung batang to namimiss mo ba ako?" Sabi ko habang binuhat ko sya at pinatahan.
Lumabas ako habang karga ko sya patuloy lang sya sa pag iyak.

"Sandali lang anak malapit na si mama matapos dito" nahihirapan akong mag lagay ng gatas sa termos, at napaso pa ako sa gatas na tumalsik sa aking kamay
Pero di ko nalang ininda yun.

Nang matapos ko ng isalin ang lahat ng gatas sa termos.
Pumasok na ako at nag salin sa baso para palamigin ito.

Marami pa pala akong dapat bilhin, kailangan ko ng babyron pampers at gatas.

Habang karga ko si Ayah at hinintay na lumamig ng kaunti yung gatas, nag handa muna ako ng pang almusal saka pina inum ng gatas si Ayah.

"Ang hirap palang magpa inom ng gatas kung baso ang gagamitin mo, wag kang magalala bibilhan kita ng babyron pag pumunta ako sa lungsod" para nanaman akong tanga na kinakausap si Ayah parang sasagot naman ito.

Habang kumakain ako ng almusal, sinusulyapan ko si Ayah na natutulog sa mahabang supa na gawa sa kawayan,
Basa pa kasi ang duyan niya.

Mabilis akong natapos sa pag kain at nag mamadali akong pumunta sa balon na nasa bakuran lang namin, lalabhan ko muna tung mga sapin na naiihian ni Ayah bago kami umalis papuntang kabilang bundok.

"Tanya?" Tahimik na sana akong naglalaba dahil wala ng umiiyak bigla na namang sumulpot tung si bentong.
"Tanyaaa?" Sigaw pa niya.

"Oy, Bentong nandito lang ako sa may balon!" sumigaw nalang ako pabalik, ok lang naman kami mag sigawan dito wala namang mga kapitbahay makarinig.

"Anong ginagawa mo dyan nasan si ligaya?" Nag patuloy ako sa paglalaba. "naglalaba ako dito, paki batayan mo nga si Ayah dyan sa loob" sigaw habang kumukuha ng tubig sa balon.

Per Fidem (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon