MYSTERIOUS BABU

5 0 0
                                    

Disclaimer: Hindi ko na ito pinoproofread, kung ano yung nasa isip ko tinatype ko nalang, so sorry if maraming typo errors and grammatical errors kahit tagalog na yung language. Hindi din maayos ang timeline ng kwento na ito. Sinusulat ko lang kung ano yung gusto kong ikwento tungkol sa amin, pwedeng current situation or mga dating nangyare sa amin na pwede niyong pulutan ng aral.

Bakit ba BABU ang title ng story na to? Ito kasi yung tawagan namin dalawa sa isat isa. Ang strange ng tawagan no. Hindi common. yung parang BABY talaga siya tapos natypo lang yung Y kaya naging BABU. Pero hindi ganon yung nangyare. Sa mga next chapters ikwekwento ko sa inyo.

Pero lagyan natin ng Mystery. Parang siya lang very MYSTERIOUS, mysterious na hindi. Medyo magulo talaga. Haha. Hindi ko muna siya ipapakilala sa inyo. Ikwekwento ko muna yung current agenda namin ngayon.

Actually FIVE months na kami ngayon. Sinagot niya ako nung january 1. Oo new year yun, new year new life. If you know my story, makakarelate kayo, pero kung hindi, basahin niyo nalang yung first story ko dito sa wattpad. So ayun, 5 months na nga kami, pero marami parin akong dapat malaman sa kanya. Siya kasi yung tao na hindi expressive, he tends to hide what he truly feels. Hahayaan ka niyang ikaw magfigure out kung anong nararamdaman niya kasi he cant express it. Its very easy parin naman to know kung kelan siya masaya at kung kelan siya malungkot. Pero ang hirap ifigure out kung kelan siya galit. Pero kung kilala mo na talaga siya madali nalang yun para sayo. 

If you guys didnt know. Im a psychology major. Pero im not using I know sa psychology. Lagi akong nakabased sa kung anong nararamdaman ko at kung anong mararamdaman niya. And i also consider all the possible options, all the possible reasons and all the possible outcomes every time we have an argument. Kinoconsider ko rin ung family setup, yung experience namin sa past, and many others. In short. Ako yung taong hindi marunong magalit. Kasi I dont blame people for their behavior, i blame yung environment. hahaha. So much for that. Pag di niyo naiintindihan, wait kaya sa next chapter.

Punta na tayo sa nadiscover ko sa kanya ngayon.

Si BABU ay Sensitive.

Kasi umutang siya akin. Tapos ang nagyare hindi ko siya pinautang. 

Actually guys, ako yung taong hindi kasi nangungutang lalo na sa hindi ko kaclose. Umuutang lang ako kapag walang wala na talaga ako pero sa kaibigan ko lang. Yung kaibigan mo na alam mong kapag umutang ka, kahit kelan pwede mo bayaran. At kapag nakautang ako, ako yung hindi talaga makatulog. Naiistress ako palagi. Maeease lang ako kapag nabayaran ko na siya. Kasi ayoko talaga na nagkakautang ako. Ganto lang naman yung akin, pero syempre hindi tayo pareparehas, kasi hindi naman lahat tayo may pera, kaya ang paraan lang nila para may pangsustento is mangutang.

Isa pala siyang electrical engineer sa isang private company. Sikat yung company niya at alam niyo yun. Pero dahil nga sikat siya, mababa yung sweldo hahahaha. Kumukuha lang talaga siya ng experience dun para after kapag naghanap siya ng ibang trabaho, medyo tumaas na yung sweldo niya. At ayun nga, dahil naubusan siya ng pera, umutang siya sa akin.

Alam mo sobrang natutuwa ako sa kanya, kasi kahit hindi niya problema, prinoproblema niya. Yung utang ng ate niya na malaki, pinroproblema niya. Parang ako lang, kapag nakikita kona wala ng pera si mami at namromroblema siya. Naiistress ako. Yung kaya namang bigyan ng mga kapatid ko si mami di nila binibigyan. Di ko naman matulungan si mami kasi mababa din sweldo ko, at konti nalang din natitira sa akin. Ngayon medyo madamot pa talaga ako sa mami ko, pero once na swumeldo na talaga ako ng malaki, Siya lagi ang una kong bibigyan. Pero so much sa akin. Para sa akin, siya kasi yung bread winner ng pamilya. Siya yung inaasahan sa gastusin at bayaran. 

Pero sa totoo lang, marami naman siyang kapatid eh. Maraming pwedeng tumulong sa kanya sa gastusin sa bahay. Pero ayaw niyang humingi ng tulong. Minsan nga kapag nagdadate kami, nahihiya ako kasi imbes na pamgastos niya sa bahay, napapanggastos niya sa amin. To sum it up, lagi siyang nauubusan ng pera lagi at ang choice niya lang is mangutang.

Kilalang kilala ako ng mga kaibigan ko. Ako yung tao na kahit di kita kaclose at kahit di kita kilala, kapag humingi ka ng tulong, tutulungan kita. Pero kapag pera, sa mga friends ko lang. At ayun kapag nakakaluwag ako talaga wala ng patumpik tumpik pa binibigyan ko talaga sila. Pero one thing about me. Kapag sa pamilya ko, naiistress ako talaga kapag may UTANG. Ginagaya ko sila sa akin, ayoko na nagkakautang sila. Ganun ako kaprotective. at Kahit na hindi ko naman pera yung pera nila, naiistress ako kapag napupunta sa wala yung pera nila, at di nagagamit ng maayos. Si BABU tinuturing ko na siyang pamilya ko, kaya ganon ako sa kanya. Ang dami kong sinabi sa kanyang life lesson tungkol sa utang. Pero di pala niya ko nagets. Feeling niya ayaw ko siyang pautangin. 

Nag iintay lang naman talaga ako ng sign na walang wala na talaga siya, para pautangin ko siya. In the end di siya nagsalita at nangutang nalang siya sa iba. Kapag nasa relasyon ka, hindi ka dapat nahihiya sa partner mo na mangutang ka. Kasi you should be comfortable with him, na he wont judge you or hindi ka niya susumbatan. Alam kong mahal na mahal niya ko, at ayun yung inaassume ko sa kanya. Pero turns out hindi pala siya ganun. Yung sa utang tinutukoy ko ah. Dinamdam niya yung di ko siya pinautang kasi, binabaan na daw niya yung self esteem niya, at ako yung kilala niyang di siya nahihiya mangutang tapos di ko siya pinautang. Its this simple, and nagalit siya sa akin. 

Understanding him, ito yung explanation ko and findings for him. Hindi siya magagalit sa akin ng ganun dahil lang sa utang. May deeper explanation. Masyadong mababa talaga yung esteem. Kapag nakita mo or kapag nagkwento siya, siya yung feeling mo na superior, pero deep inside mababa talaga yung self esteem niya. Hindi niya yun inaaccept sa sarili pero ganun talaga. At alam niya sa sarili niya yun. So medyo natapakan ko talaga yung ego niya nung hindi ko siya pinautang. Pero ang deeper explanation dito is marami talaga siyang problema. At nadagdagan ko pa yun. 

Icontinue nalang natin sa next chapter kasi inaantok na ko. 

To be continued


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BABUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon