Plastic Dreams written by Jacefiel
(c) 2020, Jacefiel
-------
March 1996
"ATE," tawag ni Sari sa kapatid na si Yunice.
Binaba ni Yunice ang baso matapos uminom, napa tawa naman si Karen, ang kapit-bahay nilang nag imbita na pumunta dito sa sikat na disco sa Quezon City. Inakbayan ni Karen si Sari na hindi komportable sa lugar. Bukod sa maingay at madaming tao, ayaw ni Sari uminom at malasing rin.
"Ano kaba, Sari! Hayaan mo mag enjoy si Yunice, birthday mo naman!" ngiti ni Karen, halos sumisigaw na siya dahil sa ingay ng tao at musika na nanggagaling sa dance floor.
"Tikman mo ito," aniya Yunice at inusog sa harap ni Sari ang baso na may lamang alak.
"Ate, ayoko. Pangit lasa!"
"Ano kaba! Bente kana hindi ka parin umiinom, dali na, birthday mo naman..."
Umiwas ng tingin si Sari, kahapon lang ay nag aaway pa sila ng kanyang kapatid dahil sa isang lalaki, tapos ngayon, ibang iba na... parang bati na ulit sila, parang walang pag aaway na naganap kahapon, parang walang sumbatan ang nangyari.
"Sari," tawag ni Yunice, "Alam kong galit ka parin hanggang ngayon," aniya.
Hindi naka sagot si Sari. "Patawarin mo ako, kapatid. H-Hindi ko alam na may gusto ka kay Edmond,"
Napalunok si Sari, hindi niya alam ang sasabihin, pinagmasdan niya ang kapatid, medyo lasing na ito at namumula ang pisngi, si Karen naman ay hindi na mahanap, hindi niya napansin na tumayo na ang kaibigan.
Simula nang mag dalaga si Sarina ay gustong gusto niya na si Edmond na kapitbhaya nila noon, dahil strikto ang tatay, kahit kailan hindi niya nabanggit na may gusto siya sa lalaki, lalo na sa kapatid niyang si Yunice, natatakot siya nab aka madulas ang ate.
Pero nagulat nalang si Sari, na isang araw, pinakilala na ni Yunice si Edmond bilang manliligaw. Natuwa naman ang magulang nila dahil medyo may-kaya na sa buhay si Edmond, hindi akalain ni Sari na posibleng mangyari 'yon, ang lalaking pinapangarap niya noon manliligaw pala ng ate nya, at mukhang mahal na rin ni Yunice si Edmond.
"Binasted ko na siya, Sarina! Ayokong makita ang baby girl ko na malungkot," tawa ng ate niya.
Nagulat ang dalaga sa sinabi ng kapatid. "Ate, alam kong mahal mo si Edmond, pero 'wag mo naman siyang basted-in ng dahil sakin!"
"Mas mahal kita, Sari, kesa sa lalaking 'yon,"
"Ate, madami pa akong makikilala. Atsaka twenty-five kana," pinagmasdan ni Sari ang kapatid, Nakangiti ito pero kita sa mga mata ang pag kalungkot.
Mahal na mahal ni Yunice ang kapatid, lahat ibibigay nito para sumaya si Sari, simula mga bata pa sila, alaga na alaga niya na si Sari, hindi niya inahahayaan na mag karoon siya ng isang bagay pero wala ang kapatid niya, mas inuuna nito ang kapatid kesa sa sarili.
"Malay mo siya na yung 'the one' na sinasabi mo ate?"
Nanlaki ang mata ni Yunice. Natahimik sila pareho, "P-Pasensya na sa mga sinabi ko kahapon, hindi ko sinasadya 'yon,"
Ngumiti si Sari, alam niyang galit lang ang ate kaya nanumbat at madaming masasamang salita ang lumabas sa bibig nito. Pero ganun naman ang magkakapatid, laging nag aaway.
"Wala 'yon 'te, pasensya na rin sa mga sinabi ko,"
"Ayoko lang na pinag aawayan natin ay lalaki lang," ngiti nito.
BINABASA MO ANG
Plastic Dreams (One-shot)
HorrorHindi nila akalain, sa gabing iyon, mangyayari ang trahedyang hindi makakalimutan. Nag alab ang kanilang pag mamahalan at saya, nag alab din ang mga mata ni Kamatayan na pag laruan sila. Inspired by true events. Please read at your own risk. (c) Ja...