Part 1

20 1 0
                                    

Malakas kong binagsak ang batya upang ipakitang hindi ako natutuwa sa lalaking umiigib sa tapat ko. Pa'no ba naman. Kaaga-aga eh nang-iinis na. Hindi ko gusto ang mga biro niyang paglandi sa akin. Kung ang iba ay matutuwa sa pinaggagawa ng adik na 'to, ako hindi. Parang pinapamukha niya kasing napaka-low class kong babae. Nakakainis. Hindi porke't nasa squatter area din ako, madali na akong makuha ng mga pabola niyang salita. 

"Aw wow, iba! Apakaarte mo naman, Ara! Buti nga, pinapatulan pa kita kahit tadtad na 'yang pagmumukha mo ng pimples oh! Hindi ka maganda. Walang papatol sa'yo kaya't pagbigyan mo na ako. Isang gabi lang oh. Ako na bahala sa pangkape m-"

Binalibag ko ang sabong panlaba at mabilis na tumayo. Inis na inis ako kaya kailangan ko munang iwan ang labada ko kasi baka makapatay pa ako. 

"Ay pre! Tangina! Pa-hard to git pa ang puta! HAHAHAHAHAH!" Rinig ko pa ang tawanan ng mga hayup habang naglalakad ako sa bahay namin na gawa sa pinagtagpi-tagping yero. Padabog akong pumasok at dumiritso sa kusina na syang sala na din namin. 

"Oh, junakis. What's the matter? What's with that distorted face?"  

Liningon ko ang nanay ko na mukhang naghahanda na ng pananghalian namin. Hindi ako tumugon. Bagkus, tinitigan ko ang kan'yang buong pagkatao kasama na ang matambok niyang pwet at balangkinitang katawan na tinabunan ng bistida at apron. Kung ako ay tinadtad ng tigyawat, ang nanay ko naman ay tila walang labasan ng pawis sa sobrang kinis ng balat. Maputi samantalang ako ay morena. Napagtanto ko na naman kung paano ka misteryoso si nanay. Malapit kami sa isa't isa ngunit ramdam kong may tinatago siya.

Bukod sa galing niyang mag-english kahit sabi niya ay high school graduate lang siya, nakapagtataka ring hindi kami nawawalan ng pagkain at iba pang pangangailangan kahit wala siyang trabaho. Wala kaming lalaki sa bahay. Wala akong tatay. Iniwan daw siya nang nalamang buntis si nanay sa akin pero hindi na mahalaga 'yun. Hindi ako nalulungkot dahil hindi ko naman mahal ang taong hindi ko kilala. Ang mahalaga sa akin, kung paano ako binubuhay ni nanay. Mahirap kami, alam ko 'yun. Pero ni minsan, hindi kami nawalan ng pagkain.

Huminga ako ng malalim at saka tinawag ang atensyon niya na ngayun ay abala pa rin sa pagluluto.

"Nay." 

"Yes, daughter dear?" Seryoso ko siyang tinitigan sa mata at binanggit ang mga katagang matagal ko nang nais itanong...

"Pokpok ka ba?"


ARAWhere stories live. Discover now