Namayani ang ilang sandaling katahimikan. Nagkatitigan lang kami ni nanay. Ako na hinihintay ang sagot niya at siya naman na nanlalaki ang mga mata. Mukhang tama ang hinala ko. Ilang sandali lang, napalitan ang gulat niyang ekspresyon ng seryoso niyang mukha.
"Anak." Seryoso din ang kan'yang tono.
"Nay. Naiintindihan ko naman per-" 'Di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil pinutol ako ng isa pa niyang nakatatakot na "Anak!" Mas malakas na ang boses niya na nagpapabatid na kailangan ko na ngang manahimik.
"Gago ka ba?" Hindi ko ito inaasahan. Sa tanang buhay ko, kahit nakatira kami sa squatter area, ngayun ko lang siya narinig magmura. Sabagay, hindi ko pa siya nakikitang makihalubilo sa mga kapitbahay namin kaya hindi talaga siya maiimpluwensiyahan. Bilang lang ang mga kapitbahay namin na mabait at disinte. Madalang silang nakakausap ni nanay pero mga taong simbahan 'yun. Hindi nagmumura.
"Kung gan'un. Saan mo kinukuha ang pangpa-aral at pangpalamon sa akin? Wala kang trabaho, nay!" Sagot ko nang matapos kumalma mula sa pagkagulat.
"And who told you that I don't work?" May trabaho siya? "I do online works, dear."
"What kind of online work?"
"Nah. You wouldn't understand. Don't bother asking. Basta it's not illegal."
Bumuntong hininga nalang ako dahil alam kong kahit anong tanong ko, wala akong mapapala na concrete na impormasyon. Pero kaya siguro palagi ko siyang nakikitang babad sa laptop. Oo. Wala kaming matinong bahay pero may tig-isa kaming laptop. Ilang beses ko na siyang sinabihan na ipaayos 'tong barong-barong pero sinasagot niya lang ako na wala na siyang pera.
Tumayo ako nang masilip sa maliit naming bintana na wala nang tao sa poso. Makapaglaba na nga lang.
*****************************
****************************
"Ara!" Nagulat ako nang may malalaking bisig ang biglang yumakap sa akin pagkalabas ko ng klasrum. Si Linlin.
Siya ang pinakamalapit kong kaibigan. Magkaibang section kami kaya tuwing uwian at break lang kami nagkakasama. At ngayun, kasalukuyan na nga naming binabaybay ang daan pauwi. Madadaanan ang bahay niya papasok sa sitio namin kaya na rin siguro naging malapit kami sa isa't isa.
"Ay nga pala. Samahan mo 'ko mamaya magprint, okay?" Singit niya matapos ang mahaba-haba naming kwentuhan. Agad naman akong umuo dahil may kailangan din akong iprint.
************************************
***********************************
Naghahanda na ako upang makipagkita kay Linlin. Malapit lang ang bahay nila sa computer shop kaya ako nalang ang pupunta sa kanila.
"Nay. Punta akong computer shop!" Paalam ko.
"Maggagabi na ah." Tugon niya habang nakaharap pa din sa laptop. May kausap siya.
"Medyo malapit lang naman dito." Katwiran ko habang lumalapit upang silipin ang kan'yang kausap pero agad niya itong sinara. Weird.
"May laptop ka diba?"
"Walang printer. Anyway, sinong kausap mo"
"Kausap? Wala. Kliyente lang. Aalis ka diba? Then go now. Shoo shoo." Pabiro niya kong tinulak. Agad din akong umalis nang hindi na inuusisa pa kung sino 'yun at kung bakit niya sinara nang walang paalam. Ang importante, pumayag na siyang umalis ako.