Part 4

10 2 0
                                    

Linlin's Pov

Patayin niyo nalang ako please!  'Yan ang mga katagang kanina ko pa pinipilit isigaw sa gitna ng iyak ko ngunit wala ding saysay dahil sa mahigpit na pagkatakip nila sa bibig ko. Diring-diri ako sa aking sarili. Sa pangbababoy nila, isa nalang ang natitirang kahilingan ko. 'Yun ay ang tuluyan na akong mawala upang matapos na ang paghihirap na ito. Ang nakakadiring pangyayaring ito.

Binaling ko ang atensyon ko kay Ara nang mapansin kong may kakaibang nangyayari sa kan'ya. Nakatingin lang siya sa akin habang blangko ang ekspresyon. May mga bakas ng luha sa kan'yang mga mata at patuloy pa rin ang paghalik sa kan'ya ng isa pang adik ngunit para lang siyang tuod na nakatayo. Maya-maya pa ay bumakas na sa kanyang mga mata ang matinding galit. Galit na kahit ako mismo ay kinikilabutan. Bigla kong naramdaman ang malakas na enerhiyang namayani sa madilim na eskinita. Sa tingin ko ay naramdaman din ng mga hayup dahil bigla silang nagsitigil sa kahayupang pinaggagawa nila. Gusto kong tumayo ngunit wala akong mahagilap na lakas.

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang sumigaw si Ara kasabay ng pag liwanag ng buong katawan niya. Nakakakilabot ang nangyayari ngunit mas lalo kaming kinilabutan sa sigaw nito. Ramdam ko ang matinding galit.

"PUTA PRE, A-ANO YAN!" Bakas ang takot sa boses nito

"TANGINA. TAKBO!" Akmang tatakbo ang mga demonyo nang bigla silang tumalsik. Naramdaman ko din ang malakas na kakaibang kapangyarihan na 'yun at kung hindi lang ako nasa gilid ng pader, tiyak na tatalsik din ako. Ngunit napakalakas nito na tila binugbog ang buong katawan ko. 

Maya-maya lang ay biglang nawala si Ara sa kan'yang pwesto. Napakabilis ng pangyayari. Nakita ko nalang na isa-isang nagbagsakan ang mga adik hanggang sa bigla siyang lumitaw sa harapan ko. Panandalian akong nablangko habang nakatuon sa nanlilisik niyang mga mata. Hanggang sa unti-unti akong nahirapang huminga. Doon ko lang napagtanto na sinasakal niya ako...

"A-ra." Pilit kong sambit sa kan'yang pangalan ngunit tila wala siyang naririnig. Sinubukan kong makaalpas ngunit sobrang lakas niya. Hanggang sa tuluyan na ngang naputol ang aking paghinga at unti-unting dumilim ang aking paningin. It's okay. I forgive you already. Ngunit bago ako lubusang mawalan ng ulirat, kita ko ang parating na nanay ni Ara. 

ARAWhere stories live. Discover now