Sheena's PovDahil weekend maaga ako nagising wala pang pagkain kaya napagdisisyonan ko na ako ako nalang ako mag luluto ng breakfast sanay naman ako kasi tinuruan ako ni nanny pora katiwala namin dito sa bahay.
nagsimula nakong magluto ng breakfast na eggs,bacon,hotdogs,tocino and Fried rice saktong natapos ako maluto ng pumunta sa kusina si nanny pora.
"Oh ija kaaga mo naman,bango ah"Nanny pora said.
"Ako napo nag luto nanny,maaga po kasi ako nagising e"Sabi ko.
"Mabuti yan,Osya gigising ko na ang mama at papa mo pati kuya mo"Nanny pora.
"Ahh nanny"ako.
"Ano yon ija?"
"Nanny pede po ba magtanong?"
"Osige iha ano yon?may problema ba?"
"Ah nanny,Tatanong ko lang po sana gaano na kayo katagal na nagsisilbi samin?"Alinlangan tanong ko.
"Ah iyon ba matagal na,Ako na din nag alaga sa kuya mo mga 2taon palang kuya mo ay nandito na ko,Bakit ija?"sabi ni nanny.
So ibig sabihin alam nya na di ako tunay na anak nila mama at papa,baka alam nya ren kung paano ako lang ang nasa poder nila mama at hindi ko kasama si kuya gayong namatay si dad at na coma naman si mom.
"Nanny,pano po ako napunta dito kila mama? imean bakit ako lang po ang nandito bat diko kasama ang totoo kong kapatid gayong namatay ang totoo kong tatay at na coma naman ang mommy ko? sino nag aalaga sakanya ngayon?"Sabi ko at kinagulat ni nanny.
"Alam mo na pala ang bagay na iyan,Napagusapan nyu naba iyan?"nanny.
"opo kagabi narinig ko po kasi na pinaguusapan nila dito yan sa dining then iyon po nalaman ko,so nanny pano?"balik tanong ko.
"Nung panahong iyon umuwi ang mama,papa at kuya mo,nakita ko pa na may bahid ng dugo sa damit ang mama at papa mo na di mapakali hanggang sa kinwento nila sakin lahat ng nangyare na kesyo naaksidente ang kanyang matalik na kaibigan yun nga ay ang iyong tunay na ina at ama naaksidente kayo at mabuti nalang at nandon sila kaya't sila ang tumulong sainyo iyak ng iyak ang iyong mama.Mga ilang araw umuwi sila galing hospital na may dalang sanggol ikaw yun ija,Tinanong ko kung kaninong anak yon gayong di naman nag buntis ang iyong mama,Sabi nya sakin anak ng ng matalik nyang kaibigan na syang naaksidente at na coma habang ang iyong ama ay namatay."Sabi nya di ako sumagot at iniintay lang ang susunod na sasabihin nya.
"Napagdisisyunan nila na sila na ang mag aalaga sayo simula ngayon nangako sya sa iyong tunay na ina na aalagaan ka nya at pagdating ng panahon ipapakilala ka nila saiyong tunay na pamilya,at yung kuya mo naman aalagaan din sana ng iyong mama at papa pero ipinagpaalam nya na kukumkupin muna sya ng iyong mga tito at pumunta ng ibang bansa at balita ko matagal na silang nandito sa pinas"Mahabang pagpapaliwanag nya.
"Eh si mommy? gano po sya katagal na coma?"Tanong ko.
"kung di ako nag kakamali ang sabi saakin ng iyong mama ay Mga 1taon din yon matagal tagal din sya bago naka recover at sumunod sya sa anak nya sa ibang bansa"Hays,hinahanap kaya nya ko? nalungkot naman ako
"Wag kang mag alala ija,alam nya na nandito ka sa poder ng mga gomez nakatira,Araw araw ka nilang kinakamusta.Gustong gusto ka na nilang makasama ang kaso humahanap sila ng tyempo upang masabi saiyo ang tungkol dito."Bigla naman akong ginanahan sasagot pa sana ko ng may pumasok.
"What's the matter?"tanong ni...kuya pala kasunod nila mama at papa.
"Nothing,Goodmorning mama,papa,kuya.Let's eat"Masayang sabi ko.Nagtinginan muna sila sa isat isa bago nagsiupuan.
"What?"tanong ko kasi nakatingin silang lahat sakin.
"You look happy baby"Nakangiting sambit ni mama.
"Of course mama im happy"Ngiting ngiting wika ko.
"Sarap ah,nanny ikaw nag luto? Sasarap neto ah."Sabi ni kuya.
"Ah ijo di ako nag luto nyan pagbaba ko luto na lahat yan."
Nanny"Po? E sino nagluto?"Kunot noong tanong ni kuya.
"Kapatid mo ang nag luto ng lahat ng yan"Nakangiting sabi ni nanny na kinagulat nilang tatlo.
"WHAT!"sabay sabay nilang sabi.tss first time ko kasing magluto walang nakakaalam na sanay ako nagpaturo nga ako kay nanng diba?.
"Ikaw nag luto? panong---" pinutol ko na agad ang sasabihin ni kuya.
"Hoy prinsipe Zayrus Clark sanay ako may luto ha di lang ako nagluluto dito pero sanay ako,Nanny teach me how to cook"Mataray sa sabi ko.
"Hala sya magsikain na,Wag na magtalo nasa harap ng hapag kainan kayo"nanny,At nagsikainan na kaming lahat.Nasarapan sila masyado sa luto ko kaya naubos namin lahat galing ko talaga.
BINABASA MO ANG
Precious Princess (Editing)
Teen FictionSheena claire Gomez isang simpleng babae na lalaki kung manapak palaban na kahit kailan di umatras sa laban.Mabait syang tao wag mo lang gagalitin dahil I swear you'll regret it.