Kim Pov
Ako si Kim, 20 years old, ang nag iisang Gf ni Jonas, Madalas kami magkasama ni Jonas, Sya yung naghahatid sundo sakin lalo na uso na ngayon yung kidnaping, Napaka over protective nyan sakin, ayaw nya na may kasama akong lalaki, sa mga lakad ko dapat kasama sya lalo na kapag gagabihin ako ng uwi, nagagawa nya akong hintayin para lang maiuwi akong ligtas sa bahay
Ika pito ng Nobyembre,
Niyaya ako ni Red sa debut nya sa may Fairview, syempre gabi yung ganapan ng debut kaya alam ko di papayag si jonas na umattend ako na di sya kasama, kaya yayayain ko din sya but any way, si Jonas ay 21 years of old na, sa makati sya nagtatrabaho pero sa bagong silang sya nakatira at ako naman ay sa espanya blvd ng quezon city, napaka swerte ko kay jonas ayun lang over protective na jowa sakin, siguro dahil ayaw nya lang akong mawala
Pagsapit ng alas kwatro ng hapon, nag ayos na ako para sa debut, at hinintay si Jonas sa bahay namin, pagkarating nya ng bahay namin
"Sorry love ang traffic kasi masyado" -Jonas
"Ok lang love basta nakarating kang ligtas" -sabi ko
"Tara na, mahirap sumakay" -Jonas
Umalis na kami ng bahay para magpunta ng debut sa may fairview pa yun, pagkarating sa party syempre, di talaga ako makakatayo sa inuupuan ko kasi kasama ko si Jonas, di rin pwede makipag usap sa iba kapag di sya kasama, sanay na ako dyan, sweet nga e, gusto lagi ako nasa tabi nya
Nagsimula ang party, natapos ang 18 roses, 18 Candles and 18 Blue bills, sumapit ang ika siyam na oras, saka kami umuwi ni Jonas, inuna nya muna ako, inihatid sa bahay
Dahil gusto nya talaga safe ako makauwi, pagkadating sa bahay
"Love, magiingat ka ah? Uso ngayon kidnapan kahit lalaki kinikidnap na" -pagbubusangot kong paalala sa kanya habang nakahawak ang isang kamay ko sa pisngi nya
"Oo love basta ikaw, magiingat ako promise" -Jonas
Pinaalis ko na talaga sya agad dahil 10 pm na ng gabi at baka abutin pa sya ng kinaumagahan sa daan, magcocommute lang naman din kasi sya
Sa fairview sya nakadaan dahil sa wala ng jeep na pumapasada masyado
"Love, nandito ako sa fairview, wala din sakayan dito, madalang ang jeep at bus" -text nito sakin
"Magiingat ka dyan love ah" -paalala ko, na tila nag aalala na nga talaga ako
"Oo love, magtetext ako sayo para malaman mo na safe ako" -sabi nito sakin
"Sabi sayo dito ka nalang muna sa bahay matulog love, nag aalala kasi ako" -Ako
4 minutes ago. Di na sya nagreply pa. Nag alala at kinabahan ako bigla
"Love ano na? Nakasakay kana ba? Ayan sinasabi ko e, nag aalala ako uy love!" -inis na pagsabi ko na may halong kaba
"Biro lang love hahahahhs, di pa nga love e wala talaga masakyan promise" -reply nya
"Dapat kasi dito ka nalang nagpalipas ng gabi" -Panenermon ko
"Di pwede love, may trabaho ako bukas, pag dyan ako natulog baka mas lalo ako malate" -Paliwanag nya
"Basta ingat ka dyan, kinakabahan na ako" -sabi ko na may tampo padin
"Opo magtetext ako para malaman mong safe ako" -jonas
"Buti yan love, text ka kada minuto ah kung nakasakay o hindi pa saka tingin tingin sa paligid mo ah" -Paalala ko
"Opo love, I love you love" -Jonas
"I love you too Love, sana makasakay kana" -Reply ko kahit nag aalala na
2 minutong nakalipas
"Love? Nawala ka na naman" -text ko
"Love ano ba?" -paiinis ko na may halong kaba
"Love please wag ka namang magbiro ng ganyan ohhh" -Text ko habang naiiyak na
"Ano love nakasakay ka na ba? Ok ka lang ba?" -Text ko habang umiiyak na
"Lowbatt kana ba?" -Text ko na habang naiiyak na sa kaba
"Jonas naman!!!" -ako
"Love please magreply ka nag aalala na ako" -text ko na di na matigil pa ang bawat luhang pumapatak sa mata ko
Sinubukan ko tawagan sya pero hindi sumasagot yung phone nya, sa iyak ko, nakatulog ako ng di namamalayan
Sumapit ang umaga, ginising ako ng kapatid kong babae
"Ate ate" -Faye
"Oh tutulog pa ako e" -sabi ko
"Si kuya jonas, ate nasa news" -Faye
Nung narinig ko ang pangalan ni Jonas, bigla ko sya naalala, bumangon ako at sinilip ang phone ngunit wala syang reply sa text ko maging sa tawag, kaya bumaba ako para tignan ang balita na sinasabi ng kapatid kong babae na si Faye
"Isang lalaki nanaman ang dinukot sa lugar ng fairview, namataan nalang ang kanyang bag at cellphone sa kalsada ng isang Babae na napansin ito kagabi kaya't agad syang umuwi at nagsabi sa mga pulisya, nag ngangalan itong Jonas De Vera ayon sa Id na nasa bag ng biktima" -Reporter, pinakita nito sa TV ang bag at Cellphone, kay Jonas nga talaga yon
Di ko napigilang umiyak sa harap ng kapatid kong si faye

BINABASA MO ANG
My Overprotective Jonas (Short Story) | Aethanzs
Short Story"Minsan ang hirap din magkaboyfriend na napaka proective pero ang swerte ko naman dahil meron akong kagaya ni Jonas na iniingatan ako" -Kim ------------------------------- AUTHORS INSTAGRAM: @aethanzs