Nung nalaman namin ang nangyari kay Jonas, agad naming pinuntahan ang Hospital na sinabi sa balita
Pagkarating sa hospital, sinamahan kami ng isang doktor papunta sa kwarto ni jonas
Pagdating namin
Pagbukas ng kwarto, na may kasamang doktor, nakita kong nakahiga si Jonas at nakatalukbong ng Kumot na puti, yes tama kayo nasa morgue kami, tinignan ko ang mukha ng bangkay at mukha nga ni jonas yon, napatingin ako kay doc.
"Doc, hindi to totoo di ba?"
"Sorry ginawa na namin lahat pero hindi na kinaya ng mga organs nya, meron syang mahigit 43 na saksak kabilang dito ang saksak sa natamaan sa bandang gilid ng puso nya kaya hindi nya na kinayanan pa, patuloy pad in iniimbistiga ng mga pulisya ang nangyari sa kanya" - paliwanag nito sakin
Hindi ko alam sunod na sasabihin ko, tumingin ako kay Jonas at di napigilang hindi umiyak
"Maiwan muna kita Miss" -sabi ng doktor at umalis na sya ng kwartong ito
Pag alis ng doktor
"Jonas, gumising ka, hindi ba poprotektahan mo pa ako?"
"Hindi ba iingatan mo pa ako?"
Niyakap ko sya at umiyak
"Jonas naman eh sabi mo di moko iiwan"
"Sabi mo marami pa tayong pangarap na gagawin"
Mga salitang binitawan ko na alam kong malabo na syang gumising pa
Makalipas ang mahigit dalawang oras, umuwi na ako sa bahay namin, tulala at tila hindi makapaniwala sa nangyari, na tila hindi aakalaing mangyayari
Pagka uwi sa bahay, nagtungo ako sa kwarto at humiga sa kama, chineck ang phone, tinignan ang message ni Jonas
"Love, nakauwi na po ako galing ako sayo" -Text ko kay Jonas
"Love, Sana panaginip lang to, sana kinulit kitang matulog dito, sana ngayong paggising ko nandito ka padin sa tabi ko" -text ko uli sa kanya na nagbabaka sakaling hindi totoo lahat ng nakita ko
FAYE POV
Kamusta kaya yung ate ko? Nakita ko sya kanina nung umuwi, tulala, kawawa naman sya
8 o'clock ng gabi
"Anak, tawagin mo nga yung ate mo ng makakain na kaninang tanghali pa hindi kumakain yon, baka malipasan na ng gutom" -Utos sakin ni mama
"Opo ma"
Pumunta ako sa kwarto ni ate
Toktoktok.... [katok ko sa pintuan nya]
Pero walang nagbubukas at nagsasalita kaya inulit ko ulit
Toktoktoktok... [Malakas na pagkatok ko sa pintuan]
"Ateeee kain kana daw po"
Pero wala pa din nangyari kaya binuksan ko na ang pintuan at buti nalang hindi naka lock sa loob
Pagpasok ko sa kwarto ni ate wala sya sa higaan, sinubukan kong icheck ang banyo at pagbukas ko ng pintuan
"Ate!!!" - sigaw na sabi ko
"Mama si ate" Tinatawag ko si mama habang bumababa ng hagdanan
"Ano nangyari faye?" -tanong ni mama
Pumunta kami ni mama sa Kwarto ni ate
Si Kim ay dinala ng mama nya at ni Faye sa hospital ngunit namatay din ito makalipas ng ilang oras, sya ay nagpakamatay dahil sa depression dala ng pagkamatay ni Jonas.
THE END

BINABASA MO ANG
My Overprotective Jonas (Short Story) | Aethanzs
Conto"Minsan ang hirap din magkaboyfriend na napaka proective pero ang swerte ko naman dahil meron akong kagaya ni Jonas na iniingatan ako" -Kim ------------------------------- AUTHORS INSTAGRAM: @aethanzs