-Kinabukasan-
Maaga akong pumasok para kausapin sana si Presi. Alam nyo naman gusto ko kasing klarohin sa lahat na lang dare yun at walng personalan. Pero mukhang iba ang nangyari..
Pagtingin ko pa lang sa hallway marami ng nagbubulungan.
'Ayan ba yung nabuntis ni Ash? Ang panget naman.''Oo yan daw yun eh kahit nga isa sa mga katangian ko wala eh.''Tsk! Baka papansin lang yan kay Ash alam nyo na.'
'Pera lang ata ang habo!'
'Mukha namang hampas lupa eh!'
Ilan lang yan sa mga naririnig ko pero bigla akong nagulat ng may biglang yumakap sa akin patalikod.
"Baby ko musta na ang baby natin?" Rinig kong sigaw niya sabay yumakap sa akin at himas sa tiyan ko.
Hindi ko alam kung nanatyansing lang siya o ano basta ang alam ko ipinarinig niya lang yun sa mga babae na kanina pa akong pina-chichismisan.
"Baby ko?" Nagtataka kong bulong sa kanya.
"Sumakay ka na lang." Bulong niya ding sagot.
"Ang sweet naman ng baby ko." Sabi ko habang humarap sa kanila.
"Naman baby ko. Sige na at aalis na ako ha! Pinapatawag pa ako Ms. Choi. Ingat ka baby ko alagan mo si Pikachu natin." Bilin niya sabay himas ulit ng aking tyan.
Alam kong hindi dapat ako kiligin pero taksil ang puso ko at patuloy pa ring tumitibok para kay abo.
Hindi ko tuloy maiwasan na tignan ang mga babae kanina na nagbubulungan. Ano kayo ngayon!
'MAIINGIT KAYO!'
Tanging pagirap na lang ang ibinigay nilang sagot sa akin.
Tsk! Inggit lang kayo. Kasi ako may abo na hanggang ngayon ay ewan ko kung ano kami. Hayst alam kong magulo pero paano na ang nararamdaman ko?
Haystttt...
Hindi ko na lang pinansin at tuluyan na silang iniwan. Wala naman silang ganap sa buhay ko! Bakit ko pa pag-aaksayahan ng oras?
Patuloy pa rin akong naglalakad sa hallway na puno ng pagtataka at katanungan. Ano ba kami? Ano bang tingin niya sa akin? Meron nga ba?
Wait hindi nga ako sure kung may kami ba talaga eh.
Ayoko lang naman masaktan eh.
Kaya sa sobrang pag iisip ko hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng pintuan ng classroom namin.
"Aba pinanindigan nyo talaga?" Agad na bungad sa akin ng kaklase kong babae na si Shaina.
Si Shaina isa rin siya sa mga nagkakandarapa kay Ash. Oo isa ding siyang katulad ko ang kaibahan nga lang siya mayaman at sexy at ako simpleng babae lang at walang halong kolorete sa mukha natural beauty kung baga.
"Ang alin?" Takang tanong ko sa kanya.
"Wag kang mag kunware na walang alam. Alam naming lahat na DARE lang ang pagiging buntis mo? Kaya wag ka ng nagpanggap dahil bisto kana." Sabi niya sabay hatak ng aking buhok.
"Shaina ano ba? Wala naman akong alam sa mga sinasabi mo kaya tigil tigilan mo ako." Sagot ko at pilit na tinatanggal ang kamay niya sa buhok ko.
"Wag ka ng magsinungaling. Haliparot ka talaga kahit kailan." Sabi nito pero bigla kong naramdaman na hindi niya na ako sinasabunutan.
Nagsalita ang mas haliparot!
"Ash?" Rinig kong sabi niya kaya agad akong lumingon.
"Wag na wag mong sasaktan si Tina. Alam mo namang dinadala niya ang anak namin hindi ba." Malamig na sagot ni Ash kay Shaina.
"Tsk at nagpaloko ka naman? Hindi yun totoo at DARE lang yun kaya wag kang magpaloko diyan sa haliparot na babaeng yan." Sabi ni Shaina na naiinis sa akin.
"Alam ko kaya nga ako nandito para protektahan siya at totohanin ang dare na yun." Sabi nito na nagpagulat sa akin.
Kaya agad kong tinignan ang expression sa mukha ni Shaina at kagaya ko bakas din ang gulat sa mukha nito.
"Ewan ko sa inyong dalawa magsama kayo!" Sigaw niya sa amin sabay naglakad pa alis.
Agad naman ako nagulat ng ilahad niya ang kanyang kamay sa aking mukha. "Abutin muna nahiya ka pa."
"Ano yan?" Takang tanong ko.
"Kamay. Akala ko ba matalino ka?" Ngising nakakainis na sabi niya.
At inabot ko ito kaya agad siyang umangal. "Ano ba yan ang bigat bigat mo naman mag diet ka."
"Ang payat payat ko nga magda-diet pa?" Angal ko.
"Akala ko ba hinahanap ka ni Ms. Choi bakit ka nandito?" Tanong ko.
"May tinanong lang naman siya sa akin baby ko wag ka ng magselos." Pang uuto niya sa akin.
Literal na nagulat ako wala akong alam sa mga pinagsasabi niya. Wala ng tao pero 'Baby ko' pa rin ang tawag niya.
Lubos akong naguguluhan sayo abo. Ano ba talaga tayo? At alam ba niya ang sinasabi niya?
Kasi kung hindi baka umasa lang ako sa wala. Umasa na sana kaya niya ring panindigan lahat ng sinasabi niya sa lahat ng tao.
Kasi alam nyo yung masakit na lahat na lang puro salita pero kahit kailan hindi niya kayang magawa.
Kung hindi naman niya ako kayang mahalin ng pabalik bakit pa niya ako sinabihan ng mga ganto.
Walang gana tuloy akong pumasok sa aming classroom at na nahimik kahit hindi iyon ang ugali ko.
'Bes anong nangyari kay Tina?'
'Baka na fall!'
'Na fall sa isang taong di naman siya kayang mahalin pabalik!"Agad kong tinignan ang mga taong iyon.
Tama naman sila. Nagmahal ako ng taong hindi naman nararapat para sa akin. Isang tao na pinaasa lang ako sa wala...