"ANAKKK!, gising na, baka mahuli ka sa klase mo!"
Napabangon ako kaagad ng marinig ang boses ni mama, parang alarm clock 'ko na nga rin yung boses ni mama eh. Halos kasi tuwing umaga para syang adik na naghahamon ng away, e tatawagin lang naman ako.
"Eto na po mama, pababa na!" sigaw ko kay mama, habang nililigpit ang higaan ko.
" O anak, maligo ka muna baka mahuli ka sa klase mo, mas mabagal ka pa naman sa pagong kung kumilos " pang - aasar sa 'kin ni mama habang pababa ng hagdanan.
Nagsimula na 'kong maligo, halos masira na ang pintuan ng banyo namin kakakatok ni mama.
"Hoy, Averie!, ano bang nangyayari d'yan sa loob ha?! sigaw ni mama na nasa labas ng pintuan.
"Ma, ano ba kayo, 'wag nga kayong o.a d'yan, ang lamig lamig kaya ng tubig!" sigaw ko kay mama, baka kasi atakin na 'yon don. Haha!
Sino ba naman kasi yung 'di mapapasigaw eh napakalamig ng tubig, hindi naman ako si Elsa or si Olaf, na sanay sa malalamig. Let it gooo ~
Mabilis lang akong naligo at dumiretso na sa kusina para kumain. Bacon and egg ang niluto ni mama sa 'kin, alam na alam talaga ang gusto ko.
"Aww, mama nakakatouch ka naman, alam mo talaga yung favorite ko" sabi ko kay mama habang nakahawak sa dibdib at kunwaring nagpupunas ng luha kahit wala naman.
"Kumain ka na nga lang d'yan, arte arte mo talaga 'nak, mana sa 'kin, hahaha"
Actually, mas maarte pa nga ata tong mudra ko kesa sa 'kin eh, mas madaming alam na mga trending outfits ngayon, at may ig and twitter pa! oh ano, laban kayo sa nanay ko?!
"O anak, galingan mo sa school mo ha, kumain ka ng marami, at huwag na huwag mong gugutumin ang sarili mo. Naiintindihan mo?"
"Ma, alam ko na po yan, 'di niyo na naman po kailangan ipaalala sa akin iyan araw - araw e." sagot ko kay mama. Hay nako! si mama talaga parang sirang plaka na eh, paulit ulit lagi, kabisado ko na nga lahat ng linya na tuwing pinagsasabihan ako.
"Ede ipaaalala ko na lang sa iyo gabi-gabi, ayaw mo ng araw-araw eh"
"Mama naman eh, ang corny mo. Tsk!"
"O sya sige na humayo ka na at magpakarami, hahaha! Mag iingat ka pagpasok ha, I love you, Averie!"
Sige Ma, magpapakarami ako hintay hintay lang! Mwahahahaha! "Sige Ma! Bye bye, I love you too! mwah!" sabi ko habang nag wawave kay mama paalis. Whooo!
YOU ARE READING
The Bet
Teen FictionSi Caleb Jaxon de Ocampo ay isang sikat na estudyante sa kanilang paaralan. May itsura, attractive, bad boy, mayaman, madalas na nambubuly at laging nangunguna sa kanilang klase.Nang dahil sa pustahan, nakilala niya ang isang mahiyain, tahimik, at l...