E P I L O G U E

198 163 10
                                    

~ INTEGERS EPILOGUE~

***

Bryan Earl Rivera Pov

I remember those days, when our family is happy, we are not that rich but I can say that were family perfectly fine. My father my mother me and my sister. I am so happy when that time, laughing together, watching together and singing together until that day come.

I clearly remember June 01, 2012. Nagmamadaling umuwi ang aking ina. She said that my father got killed by a serial killer. Nang marinig ko ang balitang iyon ay parang nagunaw ang aking mundo. My father was a police chief officer in our place. Wala siyang ginawa kung hindi magtrabaho ng maigi. Pinagtatanggol niya kami sa mga umaapi sa amin kaya't sobrang lungkot ang aking naramdaman ng mabalitaan kong wala na si dad.

Matinding pag-iimbestiga ang nangyari sa kaso ni dad na hawak ng detective na si Louisse Mendez, Ama ni Lance Arthur Mendez. Nang una'y naging maayos ang takbo ng imbestigasyon hanggang sa mahuli ang suspect. Ang sikat na si Claude Park, ama ni Clint Michael Park. Narinig ko ang pagbayad ng mga Park sa mga Mendez na itikom ang bibig at isarado na ang kaso ng aking ama. Nasaksihan mismo ng aking mga mata ang pagmamakaawang ginawa ng aking ina para lamang bigyan ng hustisya ang aking ama.

Simula ng mamatay ang aking ama, matinding paghihirap ang dinanas ng aming pamilya at dahil sa pagod, nagkasakit
ang aking ina sa baga at kailangang operahan, Natatandaan ko kung paano ako lumapit kay Franco Jose Garcia upang manghiram ng telepono para sana matawagan ang aking mga kamag-anak ngunit tinanggihan niya ako. Sa aking pagdating sa ospital, ikinabigla ko ang aking nalaman. Wala na ang aking ina. Sa aking paglalakad sa kawalan ay nakadinig ako ng usapan mula sa mga doctor ng ospital. Nagkamali ng pagkakaopera si Dr. Gueverra, ang ama ni Selena Guevarra. Hindi ko matanggap ang nangyari. Sa isang iglap nawala ang aking ama't ina.

Nang namatay ang aking mga magulang, tumungo ako sa aking pinaka malapit na kamag-anak upang tulungan kami. Ang pamila Summers. Naalala ko kung paano ako pagsalitaan ng masasakit na salita ng aking sariling pinsan na si Carmilla Mae Summers. Umalis kaming magkapatid sa kanila at humanap ng mauupahan. Pumasok ako bilang working student upang matustusan ang pangangailangan naming magkapatid, ngunit paghihirap din ang aking dinanas sa anak ng aking amo na si Odette Jane Rodriguez.

Akala ko'y puro hirap na ang aking dadanasin hanggang sa makilala ko si Lesley Jade Mendoza. Ang unang babaeng aking minahal. Sobrang saya ko sakaniyang piling ginawa ko ang lahat upang tumagal ang aming relasyon ngunit kulang pa rin. Nagulat ako ng makipaghiwalay sa akin si Lesley grabeng sakit ang dinanas ko. Pauwi ako sa aking bahay ng makasalubong ko si James Adrian Reyes ang pinuno ng mga bully sa school. Binugbok nila ako at pinagtawanan. Sinubukan kong humingi ng tulong sa aking kaibigang si Dylan Kim ngunit hindi niya ako tinulungan. Ginamit niya lang daw ako upang pataasin ang kaniyang mga grado.

Akala ko'y tapos na ang paghihirap na aking dadanasin ngunit may mas matindi pa pala. Isang balita ang nagpawasak sa akin ng tuluyan. Nabalitaan kong nagpakamatay ang kapatid kong babae. Tumalon umano ito sa kanilang building. Para akong isang ibong naputulan ng pakpak sa mga pangyayari na nangyari sa akin.

Habang ako'y nagmukmukmok sa pagkawala ng aking kapatid biglang dumating ang may-ari ng aming tinutuluyan na si Elaiza Wilkins, ina ni Karrie Wilkins at pinapalayas na ako dahil sa ilang buwang hindi pagbabayad ng upa. Habang nagliligpit ay nakita ko ang diary ng aking kapatid. Nabasa ko kung paano siya pinahirapan ng babaeng nagngangalang Angela Kim Curtis. Lagi siyang binubuhusan ng tubig at tinatapunan ng pagkain. Nabasa ko rin kung paano siya lokohin ng kaniyang nobyong si Roger Anthony Delacruz at ang pag-iwan sa kaniya ng kaniyang kaibigang si Miya Jane Estrada. Pakiramdam ko ay wala akong kuwentang kapatid dahil hindi ko manlang ko nalaman na ang kapatid ay may depresyon. Sobrang sakit. Lahat nalang ay iniwan ako.

Inisip kong magpatiwakal ngunit agad ding nagbago ang isipan ko. Inisip kong gantihan lang ng taong nagpahirap sa akin. Naghanap ako ng trabaho at sa tulong ng taong kumupkop sa akin ay nakapagparetoke ako at nagpapalit ng pangalan. Nagsimula akong gumawa ng application na Integers at itipon lahat ng mga may kasalanan sa akin.

Lesley Jade Mendoza
Angela Kim Curtis
Selena Gueverra
Odette Jane Rodriguez
Carmilla Mae Summers
Miya Jane Estrada
Franco Jose Garcia
Clint Michael Park
Roger Anthony Delacruz
Lance Arthur Mendez
Dylan Kim
James Adrian Reyes
Bryan Earl Rivera

Pagkatapos ko silang tipunin ay doon ko isinagawa na silang isa-isahin. Kinuha ko lahat ng kanilang bank account sa pamamagitan ng pagtukso sa malaking halaga ng pera at hindi nga ako nabigo. Binase ko sa kanilang bank account kung sino ang aking uunahin at anong oras ko sila papatayin hangga't isang hacker ang nakielam. Ang kapatid ni Roger na si Roberto Javier Delacruz kaya't wala akong nagawa kung hindi patayin at idamay siya.

Nagpatuloy na sumang-ayon sa aking mga plano ang pangyayari hanggang sa unti-unti nilang natutunton ang aking pagkatao. Biglang bumalik sa aking alala ang aking pamilya. At naalala lahat ng kanilang pangaral sa akin. Sandaling pagsisisi ang nangyari sa akin. Diring diri ako sa aking pagkatao. Bumalik lahat ng ala-ala ng aking ginawang pagpatay mula kay
Roberto hanggang kay Carmilla. Hindi ko magawang tingnan ang aking sarili. Maraming bumubulong sa aking isipan hangga't sa ako'y nakakita ng isang lubid at doon ako nagdesisyon na tapusin ang aking buhay.

~ 2 years later ~

MIYA'S POV

MIYA: Guys asan na kayo ambagal naman.

SELENA: On my way

ROGER: Wait me up!

MIYA: 12 graves pa yung ivivisit natin bilisan niyo!

SELENA: Andito na ako nakikita na kita

ROGER: Me too!

Matinding labanan man ang aming pinasok. 15 kaming pumasok at tatlo na lang ngayon. Mapait man ang aming naging karanasan, ngunit heto kami ngayon at naging magkakaibigan.

Matatag at patuloy na lumalaban sa gulong ng buhay.

~ E N D ~

IntegersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon