"Ma'am may tanong po ako," out of the blue na tanong nang ng estudyante ko habang nagtetest sila ng finals."What?" Sagot ko.
"Ano po kasi, ang dami pong nagtatanong kasi kung may boyfriend daw po kayo?" Nahihiyang tanong nito.
"What kind of question is that?" Nakataas ang kilay na sagot ko.
"Eeeeh ma'am saguting nyo nalang po kasi." Ulit nya at sinangayunan pa sya ng buong klase. Mukhang trip nanaman nila ako ngayong araw.
"Meron," tipid na sagot ko.
"Aaaaaaaw, sana all." Chorus na sabi nila.
"Oh guys, narinig nyo na si ma'am ah. Hindi na sya available." Sigaw na nung isa.
Right now, I'm handling BS Tourism students 4th year to be specific. Hindi nagkakalayo ang age gap namin kaya ganyan sila kung mga magbiro ung iba nga sa kanila mas matanda pa sa akin pero kahit ganyan sila they knew their limits. At first natatakot akong harapin sila dahil nga baguhan pa ako at masyado pa akong bata kaya hindi ko alam kung paano ko sila ihahandle. Senior high kasi ang load ko dati but now I'm glad dahil mabilis lang palang kuhain ang mga loob nila, konting panahon nalang and they're about to reach another milestone in their life.
Pagkatapos ng klase ko biglang nagpatawag ng emergency meeting kaya nailapag ko lang ang gamit ko sa lamesa at lumabas na ulit para punta sa conference hall. While walking biglang nagvibrate ang phone ko.
From: Timothy
Don't forget our launch later babe, may tinatapos lang ako sa office.Hala shit! Nangako nga pala ako sa kanya na sabay kaming kakain ng lunch at susunduin nya ako.
To: Timothy
Sorry babe, mukhang hindi ako makakapunta. Nagpatawag kasi ng emergency meeting, I don't know kung anong oras matatapos.Sabi ko babawi ako sa kanya pero mukhang madadagdagan nanaman ang kasalanan ko.
From: Timothy
Meeting again?To: Timothy
Yah, I'm really sorry babe.From: Timothy
It's okay, later nalang punta ako sa unit mo pagluluto nalang kita:)"Andreah tara na magstart na." Tawag sakin ng co-teacher ko.
To: Timothy
Sounds good babe, see you later. Love you.After ng meeting kumain nalang akong cupnoodles na nasa bag ko dahil ilang minutes nalang ay may klase na ako. 9pm na ng makaalis ako ng school, pagdating ko sa condo nadatnan ko si Timothy na nakatulog na sa pag-aantay sakin.
"Hey, wake up." Gising ko sa kanya.
Nagising naman sya agad at tumayo, binigyan ako ng magaang halik sa labi bago nagpunta ng kusina. Pumasok naman ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Pakalabas ko handa na ang pagkain sa lamesa. "Di ka kakain?" Tanong ko sa kanya ng makita kong isang plato lang ang nakahanda.
Napakamot sya sa ulo nya, "sorry babe di na kita naantay gutom na gutom na kasi ako kaya nauna akong kumain." Paliwanag nya.
Nginitian ko lang sya at nagsimula ng kumain. Pananood nya lang akong kumain at ng matapos ako ay sya na ang nagligpit at naghugas. Pumunta ako sa sala at nanupo ruon para manood ng tv ngunit bago palang ako manood ay nakaramdam na ako ng antok kaya naipikit ko muna ang aking mata habang inaantay si Timothy na matapos sa kusina.
Naramdaman ko nalang na umangat ako sa ere at unti-unting lumapat ang likod ko sa kama. "Nakakapagod na ung ganito babe, pero pilit kitang iniintindi dahil alam kong yan ang pangarap mo. Sana lang kahit konti ay mapaglaanan mo rin ako ng oras." Naririnig kong bulong nya ngunit nananatili akong nakapikit. Maya maya pa ay naramdaman ko na syang tumabi sa'kin at niyakap ako ng mahigpit.
Hindi ko alam kung ilang beses paulit ulit na nangyari ang ganong sitwasyon namin hanggang sa, "napapagod din ako Andie pilit kitang iniintindi pero nakakapagod pala ang intindihin ka. Alam ko na wala akong karapatang magdemand pero sana man lang ay masuklian mo ang mga effort na ginagawa ko para sayo."
Kumakain kasi sa isang resto ngayon ng biglang may tuwag sakin dahil kelangan daw ng substitute teacher at ako naisipan nilang tawagan. "I'm sorry Tim," nakayukong sagot ko.
"Oras mo lang Andie ang hinihingi ko sayo, gaano ba kahirap para sa'yo ang ibigay yon sa'kin?" Tanong nya sakin ngunit hindi ako nakasagot dahil kahit ako ay hindi ko alam kung paano ang gagawin ko.
"Alam mo namang ito ang pangarap ko Tim diba? Una palang palaging ito na ang sinasabi ko sayo." Pabulong na sagot ko.
"I know pero Andie hindi ka bayani para akuin ang lahat ng trabaho kulang nalang ata ikaw ang maging presidente ng school nyo. Alam mo, siguro kelangan muna kitang bigyan ng oras para makapagisip hindi mo kelangang mamili sa'min pero sana kapag maliwag na ang isip mo ay malaman mo kung paano magbalance ng priority." He at tumayo na sa upuan binigyan nya muna ako ng magaang galik sa pisngi bago tumalikod at tuloy tuloy na naglakad palabas ng resto.
Pagkaalis nya bigla akong napatanong sa sarili ko, 'tama pa ba ito g mga gjnagawa ko? Ako nga siguro ang may mali.'
Halos dalawang linggo kaming hindi nagkita ni Timothy at sa loob ng mga araw na yon ay nakakabalita lang ako tungkol sa kanya dahil sa IG story ng mga kaibigan nya. Parati silang magkakasama, madalas din silang umiinom at nagpupunta sa bar. Nakaramdam ako ng takot na baka nga tuluyan na syang napagod sa'kin at makahanap sya ng iba. At pagnangyari yon hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
Bakasyon na rin kaya maluwag na ang schedule hindi rin ako muna tumanggap ng klase ng summer class dahil gusto kong bumawi kay Timothy. Naisipan kong bisitahin sya sa unit nya para makipagusap at makipagayos sa kanya hindi ko pala kasi kayang hindi sya makausap o makita man lang. Bago ako pumunta ay ay dumaan muna ako ng convenience store para bumili ng mga pagkaing pwedeng lutuin gusto ko kasi syang isurprise at sabihin sa kanya na ilang araw nalang gagraduate na ako sa masteral ko.
Hindi na ako kumatok dahil may spare key naman ako na binigay sya ganun din naman sya may susi sya ng condo ko. Since maaga pa alam kong tulog pa sya binaba ko lang ang mga pinamili sa dinning table at dumeretso ako sa kwarto nya para gisingin ito. Pinihit ko ang door knob at nagtaka ako ng hindi ko yon mabuksan, "weird hindi naman yun naglolock ng pinto ah." Bulong ko sa sarili ko bago kumatok.
Nakailang katok ako bago ako may natinig na yabag ng mga paa na papunta sa pintuan. Bigla akong kinabahan ng may nagsalita, "Babe, are you expecting someone?" Sigaw nito, "ang aga-aga namang mangis..." Dagdag nito ngunit biglang naputol ang sasabihin nya dahil binuksan nya ang pintuan at nakita ako sa harap nito.
"M-ma'am? A-ano pong ginagawa nyo dito?" Nauutal na tanong nya .
"Missie sino ya--ANDIE!?" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Timothy na kakalabas lang ng banyo.

BINABASA MO ANG
How Long Will I Love You?
Teen FictionAndreah Salvador came from a family of Doctor, but she chose another path and in her journey of chasing her own dream she will meet a man that will make her question her chosen profession.