Chapter 19

64 2 0
                                    


"Can't you see I'm busy?" Mataray na sagot ko sa kanya.

Hindi sya sumagot at sa halip ay lumabas sya hindi ko alam kung saan sya pupunta. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko dahil gusto kong matapos kaagad, nagyayaya kasi si Cassiopeia mamaya. Hindi ko alam kung saan nanaman kami pupunta pero one thing is for sure kapag si Cass ang nagyaya ibig sabihin may alak at may inumang magaganap.

Ang akala kong peaceful na paligid at makapagtatrabaho ako ng maayos at walang istorbo ay akala ko lang pala. Dahil ilang minuto lang ang lumipas ay pumasok nanaman si Timothy at may dala na kung ano-ano. Nailapag nya yon sa center table at isa-isang nilabas, tiningnan ko saglit kung ano yon at nakita ko na puro iyon pagkain.

"Sa pagkakaalam ko opisina ito at hindi cafeteria."

Tumingin sya sa'kin pagkatapos mailabas lahat ng laman ng paper bag na dala nya. "Busy ka diba?" Pabalang na sagot nya at lumapit sa akin, niligpit nya lahat ng nakakalat sa lamesa ko at pinatay ang laptop sa harap ko. "Now let's eat." Seryosong sabi nya. Napanganga naman ako sa ginawa nya.

"Busog pa ako," simpleng sagot ko ng makarecover ako. Kahit ang totoo ay nagugutom na ako dahil hindi ko namalayan ang oras kanina. Hindi rin ako nakakain ng maayos na almusal dahil tinanghali ako ng gising kanina. Ayaw ko lang talaga syang makasabay dahil kung umasta sya ay para bang walang nangyari sa pagitan naming dalawa dati.

"Tatayo ka riyan o ako ang magsusubo sayo?" Inis na tanong nya.

Wala akong nagawa kung'di ang tumayo at kumuha ng pagkain. He ordered my favorite soy garlic chicken kaya hindi na rin ako nagreklamo at kumain nalang after all libre naman nya to sayang din.

Tahimik lang kaming kumain at walang nagsasalita sa'ming dalawa hanggang sa matapos kami. Sya na rin ang nagligpit bg pinagkain samantalang ako ay bumalik sa lamesa ko para sinulan ulit ang ginagawa ko.

"I'm going to Batangas tomorrow," bigla ay sabi nya. Naguguluhang nag-angat ako ng tingin sa kanya. "And so?" Mataray na sagot ko.

"Nothing, I'm just informing you dahil sa pagkakatanda ko ikaw ang nakaassign para magsupervise don."

Great! Nakalimutan ko na sya nga pala ang engineer ng pesteng hospital na yon. "I'll check my schedule, inform nalang kita. You can go now." Pagtataboy ko sa kanya.

"Okay here's my number," sabi nya at inabutan ako ng calling card nya.

Binasa ko ang nakalagay doon.

Engr. Timothy Mendoza, RN.

Taray ang haba na ng pangalan nya!

Mabilis dumaan ang oras at diko namalayan na hapon na pala. Nagmessage sa'kin si Cass na kila Ninia ako dumiretso dahil doon nalang daw kami at wala daw magbabantay kay Niana.
Pagkauwi ko ay nagpalit lang ako ng damit at umalis na rin dumaan muna ako sa drive thru dahil gusto kong bilhan si Niana ng pagkain at laruan, medyo nagugutom na rin ako. Pagdating ko sa condo ni Ninia nandoon na si Cass at si Ali.

"Ang aga nyo naman," puna ko sa kanila.

"Nagunder-time ang mga bruha, alak na alak jusko." Napapailing na sabi ni Ninia.

Nilapag ko lang ang gamit ko sa upuan at hinanap ko si Niana, nakita ko ito sa kwarto nya at nag-aaral. "Baby I have something for you, come here." Tawag ko sa kanya.

Nakakunot ang noo na tiningnan nya ako dahil mukhang seryosong seryoso sya sa pagbabasa nya at ayaw paistorbo. Pinakita ko ang dala ko at nanlalaki ang mga mata nya ng lumapit sya sa'kin. Binuhat ko sya at dinala sa labas para doon kumain.

Pagkatapos nyang kumain ay pinagtawanan namin ang itsura nya dahil napakadungis nya. "Kung nabubuhay lang sana ang ama mo nako." Cass said habang pinupunasan ng wet tissue ang mukha ni Niana.

"Nanay, what did Tita Cass said? What's nabubuhay?" Curious na tanong ni Niana kay Ninia.

Biglang natigilan si Ninia at binato ng unan si Cass. "Fuck you ka talaga Cassiopeia!" She mouthed para hindi marinig ni Niana.

Tumawa ng malakas si Cass, "nothing baby."

Pinaglaruan muna namin si Ninia hanggang sa inantok ito at nakatulog habang nakakandong sa'kin. "Taray girl bagay sa'yo, mag-anak kana kaya para di mo pinanggigigilan yang anak ko." Natatawang sabi no Ninia ng kunin nya sakin si Niana.

"Wala ngang jowa anak pa kaya," pang-aasar naman ni Cass.

"Meron naman sana kung di nya lang tinakbuhan." Walang prenong sabi ni Ali.

"Gago foul!" Singit ni Ninia na nakabalik na pala.

Minsan hindi ko alam kung mga kaibigan ko ba talaga tong mga ito. Walang kontrol ang mga bibig jusme.

"Pwede ba tigilan nyo nga ako," inis na sabi ko.

"Ay GG sya naku if I know magkasama kayo buong araw." Pangaasar ni Cass. "Sama ka sa'min bukas Andie sa Batangas?"

Shet! Nakalimutan kong si Cassiopeia nga pala ang Architect ng pesteng hospital na yon. Ano ba tong gulo na pinasok ko, nananahimik na ang buhay ko sa Amerika bakit bumalik pa ako dito.

"Malamang duh," maarteng sagot ko. "Pero sasabay ako sa'yo hindi ko pa gamay ang daan papunta doon baka maligaw ako." Paalam ko sa kanya.

"Ay hindi pwede!" Biglang sabi nya. "I mean hindi pwede kasi makikisabay din ako sa team ko kasi sira ang sasakyan ko. Pero don't worry hindi ka naman maliligaw dahil nandyan naman si Timothy sabihin ko nalang na isabay ka." Sumeryoso ang mukha nya. Hindi ko tuloy malaman kung inaasar nya lang ako o seryoso sya talaga talaga.

Hindi rin kami uminom ng madami dahil nga may mga trabaho pa bukas at isa pa ay may bata kaming kasama bad influence daw yon according to Ninia.

Bago ako matulog ay nakatanggap ako ng message from unknown number.

From: +639**********

Sabi ni Cass sasabay ka daw sa'kin bukas, I'll pick you up 8am.

Hindi na ako nagreply dahil alam naman na ni Timothy at natulog nalang ako. Kinabukasan 7:30 na ako nagising kaya nagmamadali akong kumilos hindi tuloy ako nakakain ng almusal. Past 8 na ako nakababa sa lobby ng condo at nakita ko doon si Timothy na nakaupo at mukhang matagal na akong inaantay.

"Kanina ka pa? Sorry, tinanghali ako ng gising." Sabi ko ngunit hindi sya sumagot at tumayo lang sya at naglakad papuntang parking.

Sumakay sya sa itim na montero, napatigil naman ako dahil hindi ko alam kung saan ako sasakay bandang huli ay binuksan ko ang pinto ng backseat at doon sana sasakay. "Wag mo akong gawing driver," biglang sabi nya kaya wala akong nagawa kungdi ang tumabi sa kanya sa unahan.

Sobrang awkward ng atmosphere kaya kinuha ko ang earphone ko at sinalpak ko iyon sa tenga ko tsaka ako tumingin sa bintana.

Maya maya pa ay biglang nagvibrate ang phone ko kaya natigil ang pagdedaydream ko.

From: Engr. Mendoza
What do you want?

Naguguluhang nilingon ko sya at nakita kong tumigil pala kami para magdrive thru. At dahil tinatamad akong magsalita nagreply nalang ako sa message nya.

To: Engr. Mendoza
Cheese burger, coffee and fries thanks.

Napapailing na binasa nya yon at umorder na. Bahala sya tinatamad akong kausapin sya at tsaka sya ang unang hindi kumausap sa'kin kaya its a tie.

Pagkakuha nya ng order ay ibinigay nya sa'kin yon at nagdrive na ulit sya. Wala na ulit nagsalita sa'ming dalawa hanggang sa makarating kami sa site. Bumaba agad ako ng sasakyan dahil hindi ko na kaya ang awkward na atmosphere sa loob niyon.

"Oh, nandito na pala si Engineer." Bati ng mga kasamahan ni Timothy. Napatigil sya at biglang lumingon sa'kin. "Sino sya Engineer?" Tanong nya habang nakaturo sa'kin, "girlfriend mo?"

Napalingon ako kay Timothy at ayun nanaman ang nakakalokong ngisi nya.

"Oo/Ex!" Timothy/Ako.

Kingina mo talaga Timothy! Kunin ka na sana ni Lord.

How Long Will I Love You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon