Introduction

64 2 0
                                    

Third Person POV

Sa ICloud High school, Merong tatlong tao na kung tawagin ay Dauntless.

Trevor Ice Medez, leader ng grupo, Siya ang sinasabing bumuo ng grupo. Siya ang nagpapatakbo ng eskwelehang ito dahil may binuo siyang batas na walang kahit sino ang pwedeng lumabag kahit ang mga guro.Sa kabila ng mga ito, lahat ng estudyante hinahangaan siya. Gwapo,habulin ng mga babae,mayaman,sikat at matalino pero wala siyang pakialam.Siya ang pinakamayabang at arogante sa kanilang tatlo.

Calvin Sembrano, Kilala siya sa tawag na "Man of the Game." Siya ang pambato sa larangan ng pampalakasan. Siya rin ang team captain ng basketball sa kanila ngunit hindi lang 'yan ang dahilan kung bakit nabuo ang tawag sa kanya, Ito ay dahil hindi lamang sports ang kanyang nilalaro pati ang damdamin ng mga babae. Siya ang playboy ng grupo.

Patrick Red Scott, Kilala sa tawag na "Red" dahil sa kulay ng buhok nya.Siya ang palaging kasama at bestfriend ni Trevor. Madalas lang itong seryoso at laging nakaearphones. May sariling mundo siya. Siya yung taong napakatipid magsalita. Siya ang pinakasnob sa grupo.

On the other side..

Si Isabelle Keith Sheeran ay simpleng estudyante lamang noon

pero LAHAT yun nabago nang dahil sa isang pangyayari

Ang pagdating ng Dauntless sa buhay niya.

I'm with the DauntlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon